7

404 13 0
                                    

''Teh hindi kaya matunaw na si Luke nyan?'' Paano ba naman kasi nakatingin lang kay Luke, parang kulang nalang kainin niy-- char. Bakit naman kasi ganon makatingin to, ''Gusto mo bang kagatin? di mo naman sinabing bampira ka na pala.'' Natatawang sabi ko sa kanya. 

''Tanga!'' Natatawang sabi niya sakin. ''Ang gwapo talaga nila ano? Grabe...'' She sighed, 

''Liana!'' narinig kong may tumawag sa akin, it was Drei. May dala dala siyang pagkain. Napatingin ako kay Chloe ng bigla niyang hawakan yung kamay ko ng mahigpit. 

''Aray ko naman!'' Reklamo ko at pilit na inaalis yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Napatingin ako sa unahan ko, nandun pala si Drei kasama si Luke. Kaya naman pala halos himatayin tong babaeng to, They are still wearing their varsity uniform. As expected kanina, nanalo naman na sila. 

''T-tignan mo kasi.'' Napairap ako. Para naman pala manahimik ang kaibigan mo, itatapat mo lang sa crush niya mahihimlay na siya agad! 

''Hi.'' Bati ni Luke sa amin. ''May naka upo ba dito? sabi kasi ni Drei dito daw ako pumunta.'' Sabi nito, napaiwas ako ng tingin. Kung ako sayo Chloe ako na kakausap dyan, hindi ko naman gusto yan eh. 

''A-Ah oo wala.'' Sagot niya. Ang gwapo din pala nito, bagay sa kanya yung medyo long hair tapos makapal pa ang kilay no wonder isa yan sa mga lalaking nagpapaiyak ng babae. Ayy pasmado nanaman ang bibig ko. 

''Thank you.'' he smiled. Nakita ko din naman na papunta na si Drei sa kinauupuan namin. 

''Chloe buhay ka pa ba?'' Gumilid ako para bulungan siya. Napapaiwas lang din siya ng tingin dahil hindi niya kayang titigan pa yung lalaking nasa harapan niya. ''Sabihan mo lang ako kung lalayasan kita...'' Sabi ko.

''Hayup ka Drei! bakit di mo ako binilhan ng C2?'' saad ni Luke kay Drei. ''Bumili ka don! pag ako nabilaukan kasalanan---'' 

''Pag ikaw nabilaukan ibigsabihin---''

''May nag iisip sayo.'' Natawa ako ng biglang napaubo si Chloe. Kinuha ko naman agad yung iced tea na nasa gilid ko at binigay yun sa kanya. 

''Are you okay?'' nag aalalang tanong kay Chloe ni Luke. Ako naman, natatawa nalang lakas din maka tsansa nang babaeng to. Isipin niyo yun, sa ganda niya at madami siyang manliligaw sa isang red flag na varsity player lang pala siya rurupok. 


Siraulo talaga to si Drei! ''Drei tumakbo ka na, kung gusto mo pang mabuhay!'' Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at pumunta sa likod ko ng bigla siyang habulin ni Chloe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Siraulo talaga to si Drei! ''Drei tumakbo ka na, kung gusto mo pang mabuhay!'' Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at pumunta sa likod ko ng bigla siyang habulin ni Chloe. 

''Halika dito! punyeta ka!'' 

''Ayoko nga! Pag sinabi ko sikreto mo baka isumpa mo ako!'' Sigaw nito. Huh? sikreto? Bakit hindi ko alam yan, magkaibigan naman kami pero bakit may alam si Chloe na hindi ko alam. Unfair.

''Umupo nga kayo! ang gulo niyo!!'' Sabi ko. Naiirita ako ang ingay kasi nila! ''Pag hindi kayo tumigil sasabihin ko nalang na dyan nagkatuluyan ang lolo't lola ko!'' Sabi ko. nanahimik naman silang dalawa.

Secretly Married To My Professor √ [SB19 PABLO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon