8

402 16 0
                                    

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng kwarto namin ni Kirk. Nakahiga siya doon, nanghihina. ''Anong nangyari sayo?'' Nilapat ko ang likod ng palad ko sa noo niya pati sa leeg niya. Sobrang init niya, dali dali akong pumunta ng banyo para kumuha ng bimpo at tubig pamunas sa kanya. 

''Ano bang nararamdaman mo?'' I asked him. 

''M-masakit yung katawan ko.'' He said. Ngayon lang ako nag alaga ng ganito. Naisip ko lang, Hindi kaya mas maganda to give a chance na mahalin siya ulit? kahit na sobrang napagod ako sa nakaraang taon?

''Inumin mo to.'' utos ko sa kanya. Kinuha ko yung bimpo na basa at pinunas yun sa braso niya at ang panghuli, nilagay ko na sa noo niya. ''Umangat ka na muna dyan, inumin mo na muna to. Magluluto ako ng lugaw.'' Sabi ko, 

I was holding him, inaalalayan ko yung leeg niya sa pag inom ng tubig. ''When you get better. wag ka na munang pumasok bukas.'' sabi ko sa kanya, Hindi ko naman pwedeng iwanan lang din to. baka mamaya hindi ko na alam kung ano ang ganap sa kanya dito sa bahay. 

''Bakit?'' Tanong ko nang pagkatayo ko ay hinawakan niya yung kamay ko. ''Magluluto pa ako.'' sabi ko. 

''Stay here.'' malambing na tono niya. How can he be so much cute kapag may sakit siya? grabe ang clingy niya pag ako natuwa baka hilingin ko na sana may sakit nalang siya araw araw. charot. hindi pwede! may trabaho siya eh. 

Tinuro niya yung gilid niya, telling me to lay beside him. ''Hindi mo ba alam na ang isa sa mga gamot sa may sakit ay pagyakap.'' My lips parted in amused. nagawa niya pa talagang mang inis ano? 

''Para paraan ka.'' I told him. He smiled, ''Pag ako nahawa, kasalanan mo.'' Sabi ko bago ako humiga sa gilid niya. 

Binago niya ang pagkakapwesto niya, he laid down on my lap. Hinawi ko yung buhok niya at tinignan kung bumababa yung lagnat niya. ''Masyado mo kasing pinapagod ang sarili mo.''

''Can you just rest for a week? as if mamatay tayo kapag di ka nagpahinga.'' 

''You're worried.'' Inangat niya ang kamay niya at inilapat sa pisngi ko. ''You're cute when you're worried.'' 

''Bwiset! Asawa mo ako hindi ba? alangang pababayaan kita?'' Pagdadahilan ko. 

''You're giving the title asawa. hindi ba pwedeng totoo nalang din yang sinasabi mo?'' Hindi ko siya maintindihan. ''Pwede bang iwasan mo na si Drei?'' Nagulat ako ng marinig ko yun. 

''Tanga! kaibigan ko yun, bakit ko iiwasan?'' 

''I just don't like it.'' 

''Bakit? akala ko ba wala lang ako sayo.''

''Damn it liana! palalayuin ba kita kung hindi na ako seryoso sayo? I wanted to make this marriage work.'' 

''h-huh? s-sinasabi mo dyan?'' nagugulat ako sa mga lumalabas sa bibig niya. And I almost frozes when I felt his lips landed to mine. It was...unexpected. 

That was the second kiss. But I know na this time. ... this is real. ''No more questions Mrs. Guivarra, I love you.'' 

......

''Anong meron?'' napatanong nalang ako sa sarili ko, nagulat ako ng biglang akbayan ako ni Drei. Tignan mo tong gagong to, kakapasok ko lang ng classroom nagawa pang landiin ako.

''Bitaw.'' binigwasan ko siya, dahilan para mapaaray siya. ''Bakit may principal sa labas? May nagbabantay din sa labas ng classroom natin?''

May kalokohan ata nanamang ginawa tong section namin, pumasok ang teacher namin at malakas na ibinagsak ang gamit niya. ''Umagang umaga, ito ang bungad sa akin. Di niyo manlang ako pinagkape.'' halos dismayado ang tono nito.

Secretly Married To My Professor √ [SB19 PABLO]Where stories live. Discover now