12

361 8 0
                                    

Drei's POV 


''Wala makupad ka.'' pumunta muna kami ng banyo ngayon. Bakit namin sila inaya sa rooftop? Kasi gusto lang namin. 

''I can't. I can't risk the friendship dahil lang gusto ko siya, baka mamaya iwasan niya lang ako.'' Sabi ko, tinignan ko ang sarili ko sa salamin. 

''Is she even taken?'' tanong nito sa akin. I can't say that I know something. Umiling nalang ako to give him a answer. ''Ayun naman pala eh, Why don't you just give it a try.'' sabi niya pa. 

''Nga pala. Thank you sa pagpapakilala sa akin doon kay Chloe. I kinda, like her.'' Pag amin niya. Napatingin ako sa kanya, 

''Seryoso ka ba dyan? Kasi putangina kapag yun niloko mo kakalimutan kong kaibigan kita. Gago ka!'' Lumapit siya sa inakbayan ako. He gave me a assurance smile na seryoso talaga siya sa pag amin niya. ''Kapag kinuyog yung kaibigan ko, kasalanan mo.'' sabi ko. 

Hindi din biro ang pakikipagrelasyon kay Luke. Bakit? Isa lang naman siya sa pinagtitilian ng mga babae dito, kahit nga mga straight at baklang bakla nagiging baliko sa kanya. ''Two days. Dalawang araw palang kayo nagkakakilala, I mean dalawang araw simula nung pinakilala ko siya sayo.'' I counted the number of days simula non. Edi... 

''I insisted right? Sabi ko pakilala mo ako, I wanted to hang out with her.'' Sabi pa niya. Wala naman sigurong nakakarinig sa akin ano? 

''Bakit hindi ka pa umamin? You like her back then. Ewan ko ba sayo kung bakit nakikipag landian ka pa sa iba, eh si Chloe naman talaga ang gusto mo.'' I hissed. ''Kung ako sayo, aamin na ako.''

''Kung ako sayo... Aamin na ako.'' Pag uulit niya pa sa sinasabi ko, para bang gusto niya din na gawin ko. I know something na baka ikagulat lang ng lahat. I can't date her, she's married. 

''Ugok! Okay lang ako.'' Sabi ko sa kanya. ''Ikaw nalang, malay mo gusto ka din naman pala.'' Sabi ko sa kanya, I gave him a assurance and even give him a thumbs up. 

''Dre, sino ba namang hindi magkakagusto sa akin? Ang gwapo ko halos mahimatay na mga babae sa school na to.'' Pagmamalaki niya pa. 

''bobo! Ibang iba si Chloe. Hindi mo ba nakikita ang pambabardagul sa akin kanina? Hindi pa ba sapat yun para matakot ka sa kanya?'' Natatawang sabi ko sa kanya, Nagbibiro lang naman ako kasi alam ko naman na may soft spot naman si Luke sa kanya since... Luke was her long time crush.

Simula ata na makita sya sa varsity pinagtutulakan niya na ako para tulungan siya eh. ''Pre, sayang talaga si Liana. Bagay pa man din kayo ayaw mong diskartihan.'' yan ang last niyang sinabi. Oo, sayang nga. pero ayoko namang makasira ng pamilya hindi ba? Ayoko makisawsaw sa may asawa na. 

''Okay fine. Duwag na ako, tangap ko na.'' Pag amin ko. Ayun nalang ang tangi kong nasabi, I've been there para sa kanya. Hinding hindi ko siya iiwan, kung ayun lang ang magagawa ko. I can even protect her para maramdaman niya kung gaano siya kaimportante sa akin. 

..

''Tagal niyo naman.'' Reklamo ni Chloe. Yun ang bungad sa amin simula nung umakyat kami. ''Sana manlang nagdala kayo ng pagkain. Hindi ko naman alam kung hanggang anong oras tayo dito.'' she pointed out. 

May nilabas ako sa bag ko na mga junk foods. ''Ayan na. masyado kang madaldal, kaya madali kang magutom eh.'' Sabat ko. 

Umusog naman si Chloe para matabihan siya ni Luke. Iba talaga kapag inlove na, ''Oh? may dala kang gitara.'' patukoy ni Liana kay Luke. 

Secretly Married To My Professor √ [SB19 PABLO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon