38

230 10 2
                                    

Liana's POV. 

I appreciate how Andrei is taking care of me. Hindi lang basta yun, madami siyang sinakripisyo... I think I should think If I will choose him over Kirk. Pero may part pa din sa akin na parang hindi ako kumpleto... Kailangan ko pang mag isip. ''Last na to, makakauwi ka na daw bukas.'' Hindi naman ako baldado pero kung subuan ako akala mo baldado ako. 

''Sagutin ko lang tong tawag.'' Sabi niya. 

Kinuha ko na muna yung lagayan ng pagkain, lumabas siya para sagutin yun. Ako naman kinuha ko yung phone ko, kahit na sabi ng doctor na wag na muna akong magtitingin doon. eh wala makulit ako. 

''Liana...'' I was looking at him full of curiosity. ''Si...''

Kinakabahana ko sa bawat sinasabi niya. ''Tell me. anong nangyayari??? Ano nga Drei? You're making me nervous.'' sabi ko at hinawi ko yung buhok kong kumalat sa muka ko.

''Si Kuya Kirk. Dinala siya sa hospital.....'' Halos mapanganga ako sa nalaman ko, Bakit nman... kung kailan parecover na ako, biglang maaksidente siya? 

''P-paanong nangyari yun?'' Halos di ako makapaniwala. I still care for him, I really do. ''T-teka lang... Andrei, Nasaan siya?'' tanong ko. 

''Sabi nila dito din siya dinala. He is in a critical condition, lasing siya non. tapos bumangga siya sa poste, meron ding kotse na nasa likuran niya.'' Sabi nito sa'kin. ''Pero sabi naman ng doctor, after nung operation niya kanina.. he'll recover soon.'' sabi nito. Gusto ko siyang makita, gusto ko malaman kung ayos lang siya.. hindi sapat ang phone calls or what. Wala na akong pakielam. I want to see him now. 

''Wag kang mag-alala. Sasabihan kita, kung ano na ang nangyayari sa kanya.'' Sabi nito, nilapitan niya ako at hinalikan sa noo. Nag aalala lang naman ako sa taong yun, sa taong nanakit sa akin... tangina hindi ko alam kung ako na mismo ang nag iisip nito. Pero alam ko din sa sarili ko na nasasaktan ko din si Andrei. Ako yung nililigawan niya, dapat siya lang yung kinakausap ko.. pero ang nangyari, ibang lalaki ang nasasabi ko, I'm so sorry Andrei kung ang minahal mong babae ay yung babaeng grabe kung magmahal sa mahal niya. ''Hm? wag ka na masyadong mag isip.'' He carresess my hair at napapikit nalang ako.

Do I have to let go? kasi alam ko naman sa sarili ko na kahit anong pilit ko... sa isang tao pa din ako babalik. 

''Andrei... I'm sorry...'' Tanging lumabas sa bibig ko. ''Sorry kung hinayaan kita kahit na hindi pa ako talaga tuluyang naghihilom...''

''Sabi ko naman sayo hindi ba? You can use me... You can use me, Liana. It doesn't matter.'' He said, I held his hand tighter.   ''P-please... just use me, wala na akong pakielam...'' He begged. Hinawakan ko ang kamay niya na mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Ang sakit din pala.

''Ang dami mong sinakripisyo mo... alam ko naman na nasasaktan ka na dahil sa akin.'' I said, ayoko na makasakit pa ng tao eh. Ayaw ko nalang din patagalin to, kasi mas lalo siyang madudurog. Alam ko naman na sinabi niya sa akin na gamitin ko siya para makalimot ako kay Kirk pero hindi ko talaga yun magawa, I can't. 

''Alam ko naman eh, I've been observing you... kahit na ako tong nasa tabi mo... siya pa din ang hanap mo... Kahit na ako ang nag aalaga sayo, siya pa din ang iniisip mo... Alam ko na kahit tumagal to, siya pa din ang pipiliin mo... Okay lang ako, Liana. Siguro tama lang din na napatunayan ko sa sarili ko kung hanggang saan lang talaga ako.'' He said. Umupo siya sa may gilid ng kama ko. ''Kahit na ako ang--ang laging nandyan para sayo... hindi naman ako ang hanap ng puso mo...'' 

''Iba ang ngiti mo kapag kasama mo siya, Iba din ang mood mo kapag siya ang nakikita mo.. Napapansin ko yun lahat... lahat.'' He started trying not to cry. ''Alam mo Liana, ang swerte ni Kuya sayo... kasi ikaw ang pinapangarap ng lahat.. malakas ka, matapang din di kagaya ng iba, you are unique... kaya nga nagustuhan kita...''

''And.. now, there's a conflict. Kung saan ako at ang kuya ko ang magkalaban... kahit na hindi kami magkapatid na totoo... Tinuring ko pa din siyang isa sa kapatid ko,'' 

this was the painful part... letting go of the person, or either he let me go. ''This is a painful decision... inisip ko kung lalaban pa ba ako... kung ilalaban pa kita, but I think... this is the end of the road... Ito na yung ending ko... Thank you kasi binigyan mo ako ng chance... Umaasa ako na baka kaya ko pang ilaban... pero napagod ako, kasi wala naman talaga akong laban sa kanya... Hanggang dito nalang talaga.'' 

''itong puso ko, it will shout your name... hanggang sa maghilom ako.'' Hinawakan niya ang dibdib niya and he let go of my hand. ''Tandaan mo, Mahal na mahal kita. Liana... kaya kita pinapalaya sa kamay ko kasi gusto ko doon ka kung saan ka magiging masaya... At alam ko na kay Kuya ka sasaya...'' Pinunasan niya ang luha niya na kanina pa niya pinipigilan. I smiled at him, he was brave... kahit na may sakripisyo... ibinigay niya. Nag risk siya sa akin. 

''Aalis na ako ng pilipinas.'' Sabi niya. ''I'll start a new life... I'll see you when I see you... alam ko naman na magkikita pa tayo...'' for the last time... inangat niya ang kamay ko. ang hinalikan ang likod nito. nagtama ang tingin namin at hinalikan ako sa noo. Huli na ito, pinakawalan niya na ako. 

''Salamat, Drei.'' 

''No. Thank you, wag kang mag alala. friends pa din tayo.'' He said. ''I'm doing this, kasi.. gusto ko at para din sayo. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo ha?'' bilin niya pa at pinunasan ang luha kong tumutulo na. 

''I guess.. this is I love you, goodbye?'' He said. 

Tumango ako. 

''Mag ingat ka, kung saan ka man pupunta.'' Sabi ko, ''You can always call me kung kailangan mo ng kausap, walang iwasan ha? Ako pa din yung kaibigan mo.'' sabi ko. Ayoko na may magbago sa aming dalawa. Ayoko, he is still my friend. MY BESTFRIEND. silang dalawa ni Chloe. 

''I will.'' huling lingon bago siya lumabas ng room ko. Ang sakit din pala, I hope he met someone na deserve lahat ng sakripisyo... lahat ng pagmamahal.

Sorry kung hindi ko yun mabibigay sayo... 

----------------------------------------------------END--------------------------------------------------------



A/N

Malapit na tayoo matapos!!!

-Makata



Secretly Married To My Professor √ [SB19 PABLO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon