28

277 11 0
                                    

LIANA'S POV 

Bungad na bungad mula sa pagpasok ko sa classroom ang nakalagay na ''I'm sorry'' sa whiteboard, I don't know what's happening?? ''Liana? May LQ ba kayo ni Drei??'' huh? anong LQ?? eh wala naman kami.. baliw din eh.

''Huh? wala.'' Nagulat ako ng biglang may lumapit sa akin. Mga taong hinusgahan kaagad ako dahil sa kumalat na video. 

''We're so sorry, Liana. Hindi dapat namin ginawa yun, without knowing the real story.'' They told me. They know na?!?!? Huh??? 

''May alam na sila??'' Nagtatakang bulong sa akin ni Chloe. Eh?? hindi ko nga pinagsasabi, sinong nagkalat nito... ''Sorry, pero pwede magtanong? Anong gusto niyong sabihin kay Liana?'' Nagtatakang tanong nito. Kahit ako nalilito na eh. 

''Kasi yung nasa video... sabi it was edited. And we judged you, Liana.'' Sabi nito. HUH???!? Edited?? kaya ba humupa na yung issue sa amin ni Mr. Guivarra? Hays bahala na. 

....

''Hoy Drei!'' Tawag ko sa kanya. ''Anong nangyayari?'' nagtatakang tanong ko. Hindi naman siya sumagot sa akin, nanatili siyang tahimik. muka ba akong manghuhula??? 

''Ha?? Bakit? What happened?'' parang wala din siyang alam. Eh baka nga talaga ganon lang yung nangyari kanina, ''May problema ba sa classroom??'' sabi pa nito.

''Hoy Drei!'' si Luke. Lumapit siya sa kinauupuan namin, simula nung nakasama namin to si Luke, di na siya humiwalay sa amin. Nang magkasalubong sila, nag apir silang dalawa. Ibinaba  yung bag nila sa table.

''Napapadalas ata ang pagsama niyo sa amin.'' halos matawa nalang ako nung sabihin yun ni Chloe. Eh kasi naman, kahit ako magugulat. Tignan mo... Mamaya nandito na din yung pito. ''Speaking of... Nandyan na yung pito.'' sabi ko.

Para silang isang team na pinagsama sama lang sa isang gilid. Makakabuo ng isang basketball team eh, ''Wala naman kaming ibang sasamahan.'' sagot nito.

''Oh gago, nandyan na mga kupal.'' si Patrick may dala dalang softdrinks. Himala, kahit isa sa kanila walang hinaharot na babae, dapat na ba akong magduda.

Nang mapalingon ako, nakita ko si Kirk, para bang binabantayan ako. Hindi siya napaalis ng school, dahil sa sinasabi nilang hindi naman totoo ang lumabas na picture. ''Chloe, samahan mo ako.'' binulungan ko siya. Tumayo naman agad siya, inilagay yung bag niya sa harap ni Luke.

''Luke, pabantay muna saglit.'' bilin nito. Tumayo kami at pumunta na ng banyo.

..

DREI'S POV

''Anong wala kang alam?'' halos natatawang sabi ni Lucas. ''Ikaw ang nag ayos para makagraduate na siya next month.'' Sabi nito sa akin, ayos lang. Mabuti nang wala siyang alam.. ayoko na maglaan siya ng utang na loob sa akin.

''Hoy Gab! Bakit ba kapag tahimik akong kumakain ng mint choco ang hilig mong umepal!'' sambit ni Paulo. Hindi ko nga alam kung bakit niya nagustuhan yang mint choco. Pagkamahal mahal pa eh, ''Tangina naman oh!! Akin na yan!!'' pagmura ni Paulo.

''Bakit naman kasi---''

''Gab Thompson. Ibalik mo na, baka mamaya nag aasaran kayong dalawa. Magkatuluyan pa kayo.''  si Alan. Biglang nakisali pa sa away nilang dalawa.

''Eww??? Kadiri. Straight ako, Gago!'' sagot nito kay Alan. ''Joseph, tabi na nga tayo. Bwisit tong si Gab eh.'' tahimik lang si Joseph at sumunod lang sa sinabi ni Paulo.

''Carl, gusto mo bang layasan nalang natin? Tangina ang ingay nila.'' reklamo ni Patrick.

''Pwede bang seryosong usapan na to? Tangina di na kayo natigil, sa araw araw na ginawa niyo ay mag away.'' napailing nalang ako. Bangayan dito, bangayan doon. ''Ano bang balak niyo sa college?'' tanong ko para maiba ang usapan.

''Pwede bang maging varsity nalang hanggang sa mamatay?'' sabi ni Alan. ''I mean, mamatay lang din naman. Bakit kailangan pang mag aral?'' binatukan ko siya, dahilan para mapa-aray siya.

''Gago ka, Alan. Kung ikaw gusto mo ng sumalangit, wag kang magsabi na isasama mo kami. Nangingilabot kami sayo,'' sita ni Luke sa kanya.

''Ako, magpipiloto.'' sumagot si Gab. ''Sayang naman yung airline namin, kung di ako doon magtratrabaho.'' wow.. galante talaga.

''Hi senyo.'' may mga babaeng dumaan bigla sa gilid nila, dahilan para mapalingon sila.

''Hi girls.'' they smiled, aba!! Kala ko ba nagbago na mga to? Bwiset. Mga scammer!!

''Lakas pa ng loob mag tweet oh, akala mo kakaunti lang ang followers

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

''Lakas pa ng loob mag tweet oh, akala mo kakaunti lang ang followers.'' sabi ni Luke sa akin. 

''Nandyan na pala sila eh,'' napalingon ako. Nakita kong naglalakad na si Chloe at Liana, papalapit sa amin. Umusog naman na ako, para makabalik na siya sa kinauupuan niya. si Luke naman, para bang ginawang teddy bear ang bag ni Chloe, ano ba to? inlababo pa to?

''Luke, hindi naman namin kukunin yang bag mo.'' Wala sa sariling sabi ko, tinignan niya ako ng masama at binitawan yun ng mapagtanto niya. ''Oh bakit mo binitawan? Ayaw mo ba kay Chloe?'' Natatawang sabi ko at inilagay ang kamay niya sa unahan niya. 

''hA? Sinabi ko bang ayaw ko?'' Nakalapit na si Chloe, para bang naguguluhan ang muka nito. Hindi niya magets kung anong pinagtatalunan namin. 

''Yah! Luke?? Inlababo ka ba?'' Pag-aasar ni Paulo kay Luke. 

''Si Luke nga lang ba talaga?'' tinaasan ko ng kilay. ugok tong mga to! Umamin lang ako eh, nanliligaw... wow. bago sa pandinig ko yun.

Napatingin ako sa kanila, pinandilatan ko pa ng manahimik. ''Oh? meron pa? Sino si Patrick? o si Gab? Tangina ang titinik niyo sa babae ha,'' sabi ni Carl sa kanila. 

''Nag babangayan nanaman kayo dyan,'' sabi ni Liana, napatalon yung puso ko doon. ''Pinapatawag tayo ni coach,'' kaya pala kanina pa nakatingin si Alan sa phone niya, kailangan pala naming umalis. 

''oo nga pala ano? may tournament kasama pala tayo don, muntik ko pang makalimutan.'' sabi ko. ''Liana, Choe. alis na muna kami.''

''Pwede manood?'' tanong nito sa amin, Okay lang naman siguro na manood sila ano? Mas gagalingan ko kung siya ang magsisilbing cheerleader ko. ''Hindi naman kailangan ng ticket don dba? gusto ko talaga manood. Gusto kita, panoorin.'' sabi pa nito. 

''A-Ah oo sige.'' napahawak nalang ako sa batok ko. Kinakabahan ako, sobrang lala ng pagkakaba ko. ''Ikaw, Chloe?'' 

''Oo. Lalaro ka ba Luke?'' Tanong nito kay Luke. At talagang si Luke ang pupuntahan niya ha, bakit kasi hindi pa ligawan ni Luke tong si Chloe? halata namang gusto na magseryoso nitong dalawa.

''Ah yeah.'' sagot niya. ''Hanggang 4pm ang training namin, kasi ang laro ay 6pm. sura ka bang pupunta ka?'' pagsisiguro ko kay Liana, tumango naman siya. Okay. Kailangan ko talagang galingan.

''Mga dre. Tara na,'' aya ko sa mga kaibigan ko at dumeretso na ng court ng school.

.................................................END.............................................




Midnight update para bago naman :)


-originally_mkta






Secretly Married To My Professor √ [SB19 PABLO]Where stories live. Discover now