Chapter 51

968 48 5
                                    


Arabella's

“Ayusin mo!” reklamo ko habang kanina pa umiirap dahil hindi maayos-ayos 'yong bake na ginagawa namin.

Bumili pa kami ng ingredient dahil naubos ang mga ingredient kase nga inubos nila kanina at nasunog lang din naman pala. Sa kasalukuyan nandirito kami sa kusina at gumagawa ng cupcake naiinis ako kase dapat sila ang gumawa kitang hindi ako marunong gumawa naka ilan bake narin kami kase nga walang lasa ang iba, then gumamit kami ng you tube at buti naman may tulong ang ibang video, at siguro nga mga 2 hours or 3 hours na kami nasa kusina pero hindi parin tapos dahil nga ilan besses na kami paulit-ulit mag bake.

“Ano? Okay na?” Tanong ko sakanila at tumango naman sila at nilagay na sa malaking oven.

“Hala! Naka 3 hours na pala tayo?” Gulat na tanong ni Kevin.

“Oo mare! 3 hours na.” Sabi ko at nagulat ako ng may pumahid sa mukha ko na powder kaya napaubo ako.

“Hahaha! Mukha ka na ngayon si snow white.” Natatawang sabi ni Roger kaya kumuha ako ng may natitirang powder sa lamesa at hinagis sa mukha niya kaya napaubo siya at napatawa kami ni Kevin.

“Hahah deserve!” Sabay naming sabi ni kevin at nag-apir.

“Ah, gano'n ah...” Napatingin naman kami kay Roger at napapikit nalang ako ng hinagisan niya kami ng powder kaya inis kong tinanggal sa mukha 'yon at hinagisan din siya tapos hinagisan pa ako ni kevin kaya hinagisan ko rin siya at gano'n nalang kami naghagisan hanggang sa...

“What the fvck!!?” Napatingin kami sa sumigaw kaya napatigil kami sa ginagawa namin.

“Anong nangyayari?” Rinig kong tanong ni Tita kasanra na papalapit sa direksyon namin. “Oh my gosh!” Gulat niyang sabi at napatakip sa bibig.

“Linisin niyo 'yan.” Matalim at madiin na utos ni Kuya Gello sa'min.

“Nako pinaglaruan niyo ang powder sayang naman. Oh sya! Mag linis kayo.” Sabi ni Tita kasanra bago kami iwan sa kusina.

*Ting!*

Tunog ng oven kaya napatingin kami roon at binuksan namin ang oven kumuha ako ng patholder at kinuha ang muffin pan tsaka nilabas at nilagay sa counter table sinara naman nila roger ang oven.

“Nice, sana masarap na 'to.” Sabi ko at kumuha ng isang cupcake gano'n din sila at tinikman namin.

Wuuuaaahh!!! P'wede na ako gumawa ng bakeshop! Naks! Napakasarap! Kung matitikman nila tita 'to baka sabihin nila na p'wede na ako mag tayo ng bakeshop! Wwuaaahh!! Yehey! Sila mama kaya? Hmm...

“Ang sarap!” Bulalas ni Kevin kaya napatawa kami.

“Patikim na natin 'to sakanila.” Sabi ni Roger at sumang-ayon naman kami lumabas kami sa kusina at lumapit ako kay kuya Gello na nasa lamesa at nagbabasa ng dyaryo at napatingin siya sa'kin.

“Ahmmm cupcake po.” Kinakabahan kong sabi at binigay sakaniya tinikman naman niya ito at tumango-tango.

“Good.” Ayon lang ang sinabi niya at kumain ng cupcake ulit tumayo siya at may kinuha sa ref–yakult?

Lumapit naman ako kayla Yeon at Yein na malapit sa living room binigay ko sakanila ang dalawa.

“Andoon sila mama sa sofa kausap mga kaklase mo kabahan ka.” Sabi ni Yein sa'kin kaya kinabahan ako.

Walang yein talaga 'to.

Umiling-iling nalang ako at pumunta sa sofa andoon din sila kevin.

“Mga kaklase kayo ni Sandy? Bakit puro lalaki kayo?” Tanong ni Tita kasanra sakanila.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon