Prologue

2K 45 6
                                    

#TTFwp

"Ate, wala ka na bang nakalimutan?" tanong sa akin ni Klarisse, ang nakababata kong kapatid.

"Mukhang wala naman na, sige na matulog na kayo." Bukas na ang luwas ko papuntang Maynila. Doon kasi ako mag-aaral para sa kolehiyo.

Siguro kagaya ng sabi ng tita ko, ambisyosa raw ako. Hindi naman na ako na-offend doon. Wala namang masama sa maging ambisyosa, kasi 'di ba karamihan naman talaga sa atin ay may gusto marating, may pangarap, may ambisyon kumbaga kaya bakit ako maiinis kung tawagin akong ambisyosa. Gusto ko lang naman may marating ako kasi kapag wala paano na lang kami.

Alam ko naman na masama ang ibig sabihin ng tita ko roon pero wala namang magagawa kasi kapag nainis pa ako sa kaniya.

Iniisip ko lang, babalik sa akin ng doble kapag ako na lang 'yung mas nagpakumbaba. Wala rin namang maidudulot na maganda kung papatulan ko si Tita. Kahit kaunti naman may ambag siya sa buhay kaya nga lang may kasunod na sumbat.

Kahit papaano, pinautang naman niya ako ng pang-down para sa papasukan kong university sa Maynila kaya maghahanap agad ako ng part-time job pagdating ko roon para naman mahulog-hulugan ko na agad si Tita at the same time ay makapag-ipon ako sa tuition ko habang wala pa akong scholarship since down payment lang naman ang nabayaran ko.

Sa St. Helena University kasi ako mag-aaral, nakapasa kasi ako roon nang 'di inaasahan. Sayang naman kung hindi ko tatanggapin 'yung opportunity na makapag-aral doon. Pakiramdam ko kapag doon ako grumaduate, mas mapapadali ang pagkuha ko ng maayos na trabaho. Masipag naman ako kahit papaano, sana maitaguyod ko ang sarili ko roon.

Makikitira lang ako sa kaibigan ko na sa Maynila din mag-aaral. Hindi kami pareho ng papasukan pero malapit lang naman ang tinitirahan niya sa SHU.

May kaya ang kaibigan kong iyon, nakilala ko lang siya kasi kaibigan ni mama ang mama niya kasi laging nagpapa-salon ang mama niya sa pinagtatrabahuhan ng mama ko. E one time sinama ako ni Mama tapos andoon din siya kaya naging friends kami.

Nakakahiya man pero sa kaniya talaga ako makikitira, hindi ko kasi afford ang umupa habang may utang pa ako kay tita at wala pa ako masyadong ipon para sa tuition ko, okay lang naman sa kaniya at siya pa nga mismo ang nag-offer sa akin pati ang mama niya. Gusto pa nga ng mama niya ang ideya na 'yon para hindi mag-isa si Claui kapag nasa Maynila na. Unica hija kasi.

Nag-apply ako sa mga scholarship ng mga kung anu-anong ahensiya kaya lang hindi yata ganoon kataas ang grado ko compared sa iba pang mga nag-apply kaya hindi ako natanggap. Sa SHU naman kailangan graduate kang valedictorian o salutatorian bago ka maging scholar kapag kapapasok mo pa lang. E hindi naman ako pasok doon.

May isa pang klase ng scholarship pero kailangan may isang sem ka muna bago ka makapag-apply kaya no choice ako kundi antayin na maging qualified para doon. Kailangan nga lang 1.25 ang GWA ko at wala akong grade na bababa ng 1.50 para maging full scholar ako. Kaso sa second sem pa iyon.

Kailangan ko talaga magsipag pagdating ko roon.

"Ate, uuwi ka pa 'di ba?" tanong ni Klarisse na hindi pa rin umaalis sa kwarto namin ni mama. May sarili kasi silang kwarto ng dalawa ko pang nakababata na kapatid tapos kami ng nanay ko ang magkasama dito.

"Oo naman, bakit hindi?" Sa totoo niyan hindi ko alam kung magkakaoras pa ako para umuwi kasi pakiramdam ko ilalaan ko lahat ng oras ko sa pagtatrabaho at pag-aaral pero hindi ko naman sila pababayaan.

"Mamimiss kita, Ate." Niyakap ko lang siya bago sinabihan na matulog na dahil malalim na ang gabi.

Nang makalabas na ng kwarto si Klarisse, pumasok naman si Mama na may dalang ilang piraso ng mga gamot para sa lagnat, ubo, sipon, tsaka sakit ng tyan.

"Dalhin mo 'to, hindi natin alam kailan ka dadapuan ng sakit doon." Kinuha ko iyon kay Mama nang inabot niya at sinigurado na nilagay 'yon sa bag ko.

Tinignan naman ako ni Mama na parang naluluha. Ngayon lang din naman kasi ako mahihiwalay sa kanila, maski ako ay nalulungkot pero ayoko ipakita sa kanila kasi alam ko naman na nahihirapan din sila na aalis ako.

Lalo na ang mga kapatid ko. Lagi pa namang natalak si Tita kapag andito, ayaw na ayaw pa naman ng mga kapatid ko roon. Ako at si Mama lang ang nagtitiis sa matabas na dila ni Tita e.

Walang sawa kasi niyang sinusumbat kay Mama ang mga maling desisyon ni Mama sa buhay. Kagaya na lang ng tatay ko na iniwan lang ako at si Mama. Wala pa akong kamuwang-muwang nang iwan niya ang Mama ko. Tapos naulit nanaman sa tatay naman ng mga kapatid ko.

Imbis na sisihin ang mama ko, naaawa ako sa kaniya kasi bakit kailangan niya maranasan iyon nang hindi lang isa kundi dalawang beses pa. Kawawa rin mga kapatid ko kasi naabutan talaga nila at nakita nila kung paano iwan ng tatay nila si Mama.

"Mag-iingat ka palagi roon ah, hindi mo pa naman kabisado ang mga tao roon," bilin ni Mama kaya tumango ako para mapanatag ang loob niya.

"Kasama ko naman si Claui, Ma." Kilala naman niya si Claui pati Mama ni Claui kaya sigurado naman ako na hindi na siya dapat pa mag-alala.

Mabilis lang naman ang apat na taon.

"Ma, kapag kinulit ka ni Tita na bayaran ang utang ko sabihin mo ako ang kulitin niya dahil ako ang nangutang sa kaniya, hindi ikaw." Ako naman ang nagbilin kay Mama.

Pumayag ang tita ko na bayaran muna ang down payment sa school ko dahil sabi ko tutulungan ko siya na magbenta ng mga paninda niya kapag pumapasok na ako ng school. Sabi ko pa, mayayaman ang mga tao roon for sure barya lang sa kanila kapag binentahan ko sila.

Pumalag naman siya roon kaya nakapag-enroll ako sa SHU. Kaya rin gusto ko na agad makahanap ng trabaho para mas mabilis ko siyang mabayaran. Ayoko kasi guluhin niya pa si Mama about doon. Ako naman kasi ang nag-decide na mag-aral doon kaya dapat hindi niya singilin nang singilin ang mama ko.

Nagbilin pa si Mama ng kung anu-ano hanggang sa natulog na kami.

Maaga ako nagising kinabukasan para lumuwas, hindi na ko na ginising si Mama at hindi na rin ako nagpaalam kasi nakapagpaalam naman na ako sa kanila tsaka alam naman nila na aalis ako ngayon.

Feeling ko kasi mas mahihirapan ako lumuwas kapag last minute at nagpaalam pa ako sa kanila.

Nakasakay na ako ng bus.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa totoo lang. Ito ang unang beses na hihiwalay ako sa pamilya ko. Malalaki naman na ang mga kapatid ko pero bilang ate ang hirap pa rin isipin na maiiwan sila nila Mama.

Baka kasi hindi kaya ni Mama. Nagtatrabahao na siya tapos mag-aalaga pa siya at least kung andoon ako may katulong siya sa mga kailangang gawin.

Pero para rin sa kinabukasan ko, kailangan ko 'tong gawin. Kasi kung hindi ako, sino? Ayoko naman ipasa sa mas nakababata kong kapatid ang mga responsibilidad ko.

May pangarap ako para sa sarili ko pero bago 'yon kailangan ko munang siguraduhin na mabibigyan ko ng magandang kinabukasan ang mga kapatid ko.

Take The FallTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang