XXVI

851 47 26
                                    

Disclaimer: Dialogue heavy

Chapter 26
#TTFwp

I've been silent for a couple of minutes trying to sink that in. "Sorry," tanging nasabi ko nang ma-gets ko na ang ibig niyang sabihin.

Pinapanood lang namin ang mga taong dumadaan at mga paparating na mga sasakyan at pati na rin ang mga paalis sa parking na 'to. Hindi rin naman kami makalabas kasi baka may makakita lang sa amin e kasagsagan pa nga no'ng issue. I mean, dapat wala naman kaming katakutan kasi alam naman namin 'yung totoo tsaka personal na buhay naman namin 'to.

"It's fine. Matagal na rin 'yon." Hindi ako umimik baka kasi ayaw niyang pag-usapan kaya ayoko magtanong nang magtanong about sa kaibigan niyang iyon.

"Remember when I told you that I'm not a good person?" Napalingon ako sa kaniya at tumango. Diretso lang ang tingin niya sa labas habang mga kamay niya ay nakapahinga sa manibela.

Kitang-kita ko ang paglunok niya nang paulit-ulit at saka ko lang napansin na pinipigilan niya umiyak. Nag-alala tuloy ako. Ano bang nangyayari?

I never thought I'll ever see Gianni Giongco cry.

"Sabi mo secret mo 'yon, you don't have to tell me. Hindi pa kita natatalo sa bilyar." He looked at me at ngumiti siya nang tipid. Whatever his story is, I didn't have to know. Hindi naman porket na-link ako sa kaniya ay kailangan ko na ang buong detalye.

"I'll tell you my secret then tell me if you still like me after." Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa sinabi niya. Para akong kinakabahan na ewan e. Kailangan ko ba mag-prepare? Mabibigla ba ako sa revelations?

Did he commit a crime?

Bakit parang ayoko na tuloy marinig? Bakit ayoko magabago tingin ko sa kaniya?

Pero hindi, I trust the man I knew.

"Okay, that will just be another confession from me," confident na sagot ko. Gusto ko na mawala na ang nararamdaman ko para sa kaniya pero ayoko naman na sa ganitong dahilan. Ayoko na siya magustuhan romantically pero ayoko magbago ang tingin ko sa kaniya as a person kasi naging mabuti naman talaga siya sa akin.

Huminga siya nang malalim. "That person's my bestfriend since high school," panimula niya so I just look ahead kung saan niya nakatingin and pay attention to everything he'll say kahit na kinakabahan ako sa maririnig ko.

"Another bestfriend namin ni Teigan. Nagsisimula pa lang ako matuto mag-volleyball suportado na niya ako even though I almost lose interest beacuse I wasn't improving at all." This is new to me, I thought Giongco has always excelled on anything he wanted to do. Akala ko noon pa man, ganiyan na siya kagaling. But no, he has his fair share of failures.

He's really human after all.

"First try out ko, hindi ako natanggap. What if i-try ko na lang daw magbasketball kasi matangkad naman daw ako. I almost considered it, I thought na baka roon ako tanggapin but you know?" Naramdaman ko ang paglingon siya sa akin kaya napalingon rin ako. I met his eyes and he smiled as if he's reminscing a happy memory.

What went down kung happy memory dapat itong kwento na 'to?

"Tinanong ako ni Eric, his name by the way, gusto ko ba raw talaga mag-basketball. Hindi ako nakasagot kasi ayoko naman talaga no'n, I know how to play but I never liked it." Pansin ko lang ang saya niya talaga habang kinukwento ang parte na 'yon. Deserve ko ba mapakinggan 'to? It feels too personal.

Take The FallМесто, где живут истории. Откройте их для себя