IV

963 35 15
                                    

Chapter 4
#WWSwp

Wala na akong nagawa kung hindi makipaglaro ng bilyar sa mga taga-West Hill. Sanay naman na ako na kapag naglalaro ay may mga nanonood din kahit hindi naman kakilala.

Wala namang pustahan ngayon, laro lang talaga pero siguro agaw pansin din kasi 'tong mga kasama ko.

Dalawang super rookie ng West Hill at isang trouble maker ng SHU. Bonus na lang na may kalaro silang babaeng pula ang buhok.

Magaling maglaro 'yong dalawa, una pa lang akala ko hindi na kami makakatira ni Noah dahil sunod-sunod na pasok ang tira nila kaya nang ma-bad shot sila, sineryoso ko rin ang paglalaro para makahabol man lang.

Hinampas ko gamit ang likod ng palad ko ang tiyan ni Noah nang ma-bad shot siya. Hinimas niya tuloy ang tiyan niya at nagpaawa sa akin.

"Kaia naman," reklamo niya kaya inirapan ko lang siya.

"Excuse me," agad akong napatabi nang lumapit si Giongco kung nasaan ako dahil nakatayo pala ako sa part ng table kung saan siya titira. Naglakad na lang din tuloy ako papunta sa kabilang side ng table para lumayo sa kaniya.

Hindi ko sure kung naaalala niya pa ba ako o ano, ilang araw na rin naman ang nakalipas no'ng tinanong ko siya about sa pabango niya.

Ngayon, sa kabi-kabilang sigarilyo na amoy na amoy ko, nangingibabaw pa rin ang amoy niya lalo na no'ng lumapit siya kanina.

Konti na lang panalo na sila. Nakapamewang lang ako habang nakatayo at ang kabilang kamay ay may hawak na cue stick habang tinitignan din ang anggulo mula sa kung nasaan si Giongco.

Kuha na yata nila.

Titig na titig lang ako sa cue ball at inaantay siyang tumira. Napasulyap ako sandali kay Giongco dahil ang tagal niya, hindi ko alam anong hinihintay niya. Nakasalubong ko ang tingin niya pero agad niyang iniwas bago siya tumira nang biglaan.

Bad shot.

Bahagya akong napangiti dahil doon. Akala ko panalo na sila agad e. Umikot ako sa table para tignan ang pinaka magandang option.

Maayos naman lahat ng tira ko kaso itong Noah ang problema kaya sinamaan ko siya ng tingin. Umakbay lanh siya sa akin nang na-shoot na nila Giongco ang 8 ball at tapos na ang laban.

"Punyeta ka." Tawang-tawa naman si Noah. "Relax, wala namang pusta 'yan." Inalis ko na ang pagkakaakbay niya kaya naglakad na lang siya papunta sa may bench sa gilid.

Sumandal ako sa table at pinagpagan ang palda ko dahil nalagyan na ng pulbo.

Biglang may tumabi sa akin at hindi ko na kailangan pang lingunin dahil alam ko na agad kung sino iyon dahil sa amoy pa lang. Bigla siyang may sinabi na hindi ko na-gets kung bakit niya sinabi kaya napalingon ako.

Ako ba kausap nito?


"Huh? Ano?" naguguluhang tanong ko. Kami lang naman dalawa ang nakasandal sa table nang tignan ko kaya ako yata talaga ang kausap niya. Plus, nasa tabi ko talaga siya.

"My perfume." Napapikit na lang ako nang mariin. Naaalala niya pa pala talaga ako. Sabagay, baka ang weird para sa kaniya na may stranger na magtatanong na lang bigla ng pabango niya.

Take The FallWhere stories live. Discover now