II

1.1K 49 24
                                    

Chapter 2
#TTFwp

Tinawag na si Yayan para kuhanin ang kape niya kaya tumayo na siya habang ako nagdadalawang isip pa rin kung lalapitan ko ba si Giongco para tanungin kung anong pabango niya.

Hindi ko alam kung kilala niya ba ako kasi sandali lang naman ako naglaro last year, hindi ko rin naman siya nakita o naka-interact no'ng salubong last season o kahit sa victory party man lang. Ang alam ko kasi hindi rin naman daw siya masyadong sociable.

"Oh." Inabot sa akin ni Yayan ang isang cup ng kape kaya nangunot ang noo ko at nawala kay Giongco ang atensyon ko.

"May klase ka mamaya 'di ba? Libre ko 'yan. Tanggapin mo na bago pa ako ma-overdose sa kape," alok niya sa akin kaya pabiro ko siyang inirapan bago kuhanin ang inaabot niyang kape.

Sa totoo lang lagi nila akong nililibre kapag may pagkakataon sila. No'ng una siyempre nahihiya ako kasi siyempre hindi naman ako charity case tapos ayoko rin sa feeling na parang kinakaawaan nila ako pero na-realize ko pagtagal, ganiyan lang talaga sila.

Lagi nila pinaparamdam sa akin na belong naman ako kahit papaano. Siguro sobrang blessing lang din talaga ng volleyball sa buhay ko. Hindi ko rin akalain na maglalaro ako no'n, ni wala akong kaalam-alam tungkol doon pero 'yon na halos ang bumubuhay sa akin ngayon. Bonus na rin na nakilala ko mga teammates ko na sobrang babait.

Lumabas na kami kaya hindi ko na natanong si Giongco sa kung anong pabango niya. Sayang. Try ko nga tanungin si Tita minsan kung may ganoon ba siyang pabango kaso hindi ko nga alam kung anong pangalan.

Feeling ko rin wala e kasi kumpleto naman 'yung samples na dinadala ko sa school at wala pa naman doon ang naging kaamoy ng kung anong suot niya. Baka super mamahalin? Sobrang yaman siguro no'n. Sabagay nasa itsura naman niya.

Matangkad, maputi, matangos ilong, chinito tapos 'yung pormahan niya sobrang simple lang pero ang lakas ng dating. Old money na old money ang dating e. Sana all na lang talaga.

"Nakita namin 'yung rookie ng West Hill," pag-chika agad ni Yayan kila Therese kahit na kababalik pa lang namin doon sa eatery.

"Alin doon?" Pinupunasan ni Therese ang mga kubyertos at isa-isang binigay sa amin.

"'Yung Gianni Giongco." Nakinig lang ako sa kanila habang pinag-uusapan nila si Giongco kasi wala naman akong masyadong alam sa kaniya bukod sa super rookie siya ng West Hill at mabango siya.

"In fairness cute din sa malapitan," kumento pa ni Yayan. Natawa naman si Therese at hinampas ang braso ni Yayan.

"Type mo?"

"Hindi ah. Ayoko ng mas bata ano ba," sagot agad ni Yayan. 4th year na si Yayan. Last playing year na niya kasabay sila Zoe at Ate Asmara. Si Ate Asmara lang ang tinatawag kong ate kasi naiilang ako kapag hindi. Sila naman nagsabi na 'wag na raw pero since captain namin si Ate Asmara, ang weird kapag hindi ako nag-a-ate sa kaniya.

"Gusto ko may trabaho na," dugtong pa niya at sumang-ayon naman si Therese.

After namin kumain naghiwa-hiwalay na rin kami para sa mga kaniya-kaniya naming ganap.

Kailangan ko na bumalik sa school kasi gagawa pa ako ng assignment ko bago ako pumasok. Hindi ko kasi nagawa kagabi kasi busy ako sa inventory ng mga paninda ni Tita e pinapatapos na niya sa akin tapos galing pa akong training kaya pagod na pagod din ako.

Take The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon