X

874 49 15
                                    

Chapter 10
#TTFwp

Naka-ilang basa pa ako ng iba't ibang article bago ko natapos ang essay na ginagawa ko. Ini-stretch ko ang leeg ko dahil medyo nangalay na ako sa pagkakayuko.

Napatingin ako kay Giongco na nakaupo sa tapat ko. Wala pa si Gigi pero papunta naman na siya, may upuan naman na para sa kaniya pagdating niya.

Nag-hi-highlight lang ngayon si Giongco sa libro niya about governance yata iyon. Hindi ko masyado makita ang cover page pero ang alam ko PolSci student siya kaya gano'n.

Naka-sweatshirt lang siyang itim at shorts na color beige tapos white shoes. Hindi siya masyadong ma-effort sa sinusuot niya pero okay pa rin ang itsura niya. Siguro dahil alam niyang bagay naman din sa kaniya kahit ano pa isuot niya kaya siguro hindi na siya nag-e-effort.

Ano kayang feeling ng gano'n?

"Why are you staring?" tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin.

"Wala lang, natulala lang ako," sagot ko na lang. Sinara na niya ang libro na binabasa niya, hindi ko sure kung tapos na ba siya doon o naistorbo ko ba siya.

Last na activity na lang ang gagawin ko bago 'yung nga ituturo sa akin ni Gigi kaya natuwa ako dahil ang productive ko ngayon at hindi masyado naagaw ng kung anu-ano ang atensyon ko kahit na nasa harap ko si Giongco, hindi niya masyado nagulo ang pag-fo-focus ko kahit paminsan-minsan napapasulyap ako sa kaniya at sa ginagawa niya.

Bago ko gawin ang last activity ko ay napatingin nanaman ako kay Giongco. Wala na siyang ginagawa bukod sa uminom ng kape. Tapos na yata talaga siya. Sana all.

"Lagi ka dito?" tanong ko. Ilang beses ko na kasi siyang nakikita dito, basta umaga ay bigla siyang susulpot. Minsan lang naman ako magpunta dito, kapag kasama ko lang si Gigi o kung sino man sa mga ka-team ko.

"I buy my coffee here every morning," sagot naman niya. Sabagay, walking distance lang sa school nila ang cafe na 'to. Madalas talaga ng mga makikita mo rito mga taga-West Hill.

"Ikaw ba?" Umiling naman ako bilang sagot.

"Si Gigi lang naman mahilig mag-breakfast dito," dugtong ko pa. Kung hindi ko kaibigan si Gigi baka nasa library lang ako ngayon. Kung puno naman sa library baka kahit saan lang na pwede tambayan sa may SHU. Pwedeng sa open court or kaya sa mga bakanteng rooms, hindi naman kasi lahat ng rooms occupied every time.

Speaking of Gigi, bumukas ang entrance ng coffee shop at pumasok ang kaibigan kong parang madaling-madali pa.

Nang makita niya kung saan ako nakaupo ay dumiretso agad siya dito. "Beb, super traffic," reklamo niya pa at nilagay ang tote bag niya sa upuan. Inabot ko naman sa kaniya ang kape na inorder ko para sa kaniya. Iced coffee naman iniinom niya kaya malamig pa naman 'yon nang dumating siya.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-inom niya ng kape nang mapatingin siya kay Giongco na nasa kabilang upuan, bahagiya pang nanlaki ang mga mata niya.

Pabalik-balik lang ang tingin niya sa amin ni Giongco. "Giongco, si Gigi 'yung friend ko," pakilala ko sa kanilang dalawa para hindi naman awkward.

"Gi, si Gianni, kilala mo naman." Awkward na ngumiti si Giongco sa kaibigan ko at iniwas agad ang tingin niya. Natatawa ako sa itsura niya. Sinabi ko naman kasi sa kaniya kanina pa na may hinihintay ako, siya naman ang may gustong umupo pa rin sa tapat ko.

Take The FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon