XV

877 48 21
                                    

Chapter 15
#TTFwp

Kagagaling ko lang sa waiting room nila Noah nang mapadaan ako sa waiting room ng West Hill men's volleyball team.

Napahinto ako roon at napatingin lang. Sayang. Dapat andito si Giongco ngayon pero at least nakauwi na siya ngayon at nagpapagaling na lang amd for rehab na lang.

Paalis na sana ako nang lumabas si Niccholo Antonio. Kumaway siya sa akin at nginitian ako kaya nginitan ko na lang din siya pabalik dahil baka isipin niya suplada ako kapag hindi.

"Gianni's on his condo." Hindi ko alam bakit niya sinasabi sa akin, hindi ko naman tinatanong at hindi ko rin naman kalangan malaman. Maloko siyang nakangiti sa akin kaya hindi ko alam kung may pinapahiwatig ba siya sa akin na hindi ko masundan.

"Oo nga raw," sagot ko na lang. Hindi naman kami close nito, no'ng nagkita kami sa ospital, hindi rin naman kami nag-usap masyado.

Tumango naman siya. "Ah right. Siyempre alam mo na." Malawak lang ang ngiti niya sa akin na para bang ang saya-saya niyang makita ako which is weird.

"Anyway, goodluck Kalila." Nginitian ko na lang siya ulit bago kumaway na para umalis dahil hindi ko na rin talaga alam ang sasabihin ko sa kaniya at the same time ayoko na rin i-goodluck siya dahil no'ng huli ko 'yong ginawa ay nanalo sila.

Hindi ko naman sinasabi na nakasalalay sa goodluck ko ang scores pero 'wag na lang siguro dagdagan pa ang swerte nila but hopefully, walang ma-injure during the game.

At sana gumana 'yung goodluck niya sa amin.

Bumalik na ako sa loob dahil malapit na magsimula ang men's volleyball. Hindi ko alam kung malaking pagbabago ba kung wala si Giongco, ang sabi kasi lahat naman daw ng nasa West Hill magagaling na kahit may wala, hindi raw malaking problema iyon sa kanila. Kaya rin siguro talagang laging nasa-top ang team nila kasi hindi talaga nila inaasa sa isa lang ang pagkapanalo nila which is tama lang dahil team game ang volleyball. Hindi naman uubra na may isang magbubuhat lang.

Sana manalo sila Noah para may 3rd game pa. Ilang taon na rin no'ng nakapasok SHU men's volleyball sa finals. Ang saya lang kung makapasok sila tapos makapasok din kami. For sure tuwang-tuwa na ang mga taga-SHU kapag gano'n ang nangyari pero mas fulfilling kung andiyan si Giongco.

Bakit kasi ang galing no'n?

Kahit na wala si Giongco, maayos at planado pa rin ang play ng West Hill. Totoo nga ang sabi nila, hindi rin naman ramdam kapag may isang kulang sa kanila. Siguro kung wala rin si Niccholo Antonio, doon lang mapapansin na may nagbago pero ngayong si Giongco lang ang wala, parang wala lang.

Sa pagtagal ng panonood ko, gets ko na kung bakit volleyball gem ang tawag nila kay Niccholo. Kahit saan mo yata siya ilagay, magaling siya. Kung sa pag-se-set lang naman, may magagaling din sa ibang team pero 'yung kagaya niya na magaling sa lahat, bihira yata 'yon.

First set pa lang pero nauungusan na ng West Hill agad ang SHU. Ang suporta ko ay nasa SHU pero ang galing lang din talaga ng West Hill. Ang solid talaga ng play nila.

Hindi talaga nila kailangan ng goodluck, kasi kayang-kaya na nila talaga ang mga sarili nila.

Siguro naghanda rin talaga sila nang husto knowing na injured si Giongco. Ano kayang klase ang training ng mga 'to? Or baka sadiyang talented lang talaga sila.

Take The FallWhere stories live. Discover now