XIX

908 62 19
                                    

Chapter 19
#TTFwp

Malapit na ang championship game kaya siyempre double kayod kami ngayon sa training at sa pag-me-meeting. RVU ang kalaban namin sa finals, sila ang tumalo sa amin last year kaya silver lang kami last season.

Ang kwento sa amin, no'ng nagpalit daw ng coach ang RVU women's ay biglang grabe raw agad ang inimprove ng mga players. Maski mga bago raw magagaling, totoo rin naman talaga dahil nakita ko rin naman. No'ng nagkaroon kami ng practice game sa school nila ay pinaglaro nila ang mga bagong player nila at sobrang naiba agad ang play nila. Talo nga kami no'n e kaya hindi rin talaga namin alam kung anong mangyayari sa huling game.

Sana panalo. Sana mabawi ulit namin. Maka-experience man lang ako na panalo kami though may ilang taon pa naman ako at ilang chance pa pero malay natin dahil marami pa namang pwedeng mangyari.

"'Yung setter nilang bago, matalino maglaro," kumento ni Yayan habang nag-e-exchange kami ng mga insights about sa team ng RVU.

"Yup, si Suarez. Kaya niyang baguhin play nila kung paano niya gusto, ingat din talaga sa kaniya."

"Kaya nga. Hindi natin mababasa lagi kung ano gagawin niya kaya dapat laging alerto." Tumatango lang ako habang nag-uusap sila. Tinatandaan ko rin ang mga sinasabi nila dahil importante iyon sa mismong laro na.

"Kaya dapat lang din pagplanuhan natin maigi 'yung floor defense natin, ang mahalaga laging nakaangat ang bola," paalala ni Ate Asmara.

Kaya nag-brain storming kami habang si Coach Rick ay tinitignan din ang mga posibilidad at pinapakita niya iyon gamit 'yong whiteboard.

"Ipasok dapat si Kaia kapag ganito na ang rotation," suggest ni Ate Asmara habang ako ay nakikinig lang. Hindi pa ako ganoong ka-confident sa paglalaro para makaambag sa pag-s-strategize though nagtatanong naman ako ng mga posibilidad kapag may naiisip ako pero minsan lang iyon mangyari.

"Tama. Kung ipapasok si Kaia, mas magiging maganda floor defense natin diyan tapos nasa harap pa si Yayan."

Kung ano man ang mapagplanuhan, gagawin ko 'yung best ko na mapunan kung ano man ang in-e-expect nila na gawin ko. Nakaka-pressure din sa totoo lang pero ako ang libero nila so dapat lang na paangatin at panatilihin ko sa loob ng court ang bola sa abot ng makakaya ko, 'di bale nang mag-dive ako sa kahit anong parte ng court basta ma-save ko ang bola.

Natapos ang meeting at training namin na parang gusto ko na lang matulog ng isang linggo o kaya isang buwan.

Gusto ko na matapos ang season dahil napapagod na ako talaga. Exciting naman at some point pero grabe, hindi na kinakaya ng katawang lupa ko.

Pag-uwi ko hindi ko na kinaya na gumawa ng kahit ano dahil baka mabaliw na ako kaya naglinis lang ako ng katawan tapos natulog na rin ako agad. Naging ganoon na ang routine ko hanggang sa dumating na ang championship games.


Nakakasuka 'yung kaba. Hindi ko alam bakit mas kinakabahan ako ngayon kaysa no'ng first season ko. Siguro dahil mas alam ko na ngayon kung paano ang takbo ng laro at kung ano ang mga kailangan ko gawin sa court kaya siguro pinaghalong kaba at pressure ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko naman hawak ang buong laro pero pakiramdam ko ganoon.

Pinag-meditate tuloy kami ni Coach Rick habang andoon kami sa waiting room namin. Habang nakapikit ako, nakailang hingang malalim ako habang kinukumbinse ang sarili na relax lang at focus lang talaga sa bola at abang lang talaga parati.

Take The FallWhere stories live. Discover now