XXXII

899 53 29
                                    

Chapter 32
#TTFwp

"Bigay mo pala sa akin 'yung account number mo," paalala ko sa kaniya. Naalala ko kasi na babayaran ko nga pala 'yong binigay niya kay tita. Parang pangtatlong buwan na 'yung binigay niya e.

Bakit kaya may ganoon siyang kalaking pera sa wallet niya? Sana lahat 'di ba may kwenta 'yung wallet 'yung sa akin kasi puro resibo lang ang laman tsaka mga pictures.

"For?" Ininuman niya ang coffee na inorder niya habang kunot ang noo. Grabe nakalimutan na niya agad na may utang ako sa kaniya? Paano na lang kung hindi ako ma-pride, wala lang 'yung libo-libo sa kaniya na ibigay sa akin? I mean gets mayaman siya pero wala talaga siyang pake doon?

"Para sa renta tsaka hospital bill, nakalimutan mo agad?" Malaki-laki rin ang utang ko sa kaniya ah. Halos dalawang araw lang si Mama sa ospital pero grabe na plus 'yung lab test niya rin. Napakamahal ng ospital sa pilipinas. Kahit na public na ospital hindi naman umaakto na public hospital. Napakabulok ng health care dahil hindi talaga accessible sa lahat kaya 'yung iba mas pinipili na lang na indahin 'yung mga sakit kasi wala rin namang pambayad sa ospital or ng mga treatment at gamot.

"Hindi mo naman kailangan bayaran agad, use that for your other needs na lang." Parang wala lang na sabi ni Giongco. Sa totoo lang parang ayaw niya rin talagang bayaran ko base sa reaksyon niya at parang pinababayaran niya lang sa akin  dahil ayaw niyang ma-offend ako at ayaw niya na uncomfortable ako na binayaran niya lahat 'yon.

Normal lang naman kaming nag-uusap pero hindi nakakatakas sa mata ng mga estudyante ang table kung nasaan kami ni Giongco. No'ng una, inaamin ko uncomfortable talaga pero hindi dahil kasama ko si Giongco. In general, uncomfortable naman talaga na nasa 'yo ang tingin ng bawat dumadaan e. Hindi mo malaman kung may dumi ba sa mukha mo o ano but in this case alam ko naman kung bakit. Bukod sa agaw pansin ang kasama ko ngayon sa suot niyang navy blue na polo shirt na may logo ng kung anong brand sa gilid, ay iniisip din siguro ng iba kung magjowa ba talaga kami.

"Bakit ba ayaw mo pabayaran agad? Kaya ko naman may mga sponsorship din kaming parating so magkakapera naman ako," natatawang tanong ko.

Malaki utang ko sa kaniya at hindi ko naman kaya talaga na bayaran ng buo agad-agad pero kahit man lang sana 'yung pa isa-isa na renta muna bago 'yung sa ospital ay maumpisahan ko na mabayaran para naman hindi magtagal masyado ang utang ko sa kaniya. Nakakahiya rin naman kasi kahit na ba barya lang sa kaniya 'yon.

He slightly pouted and at napatingin sa taas na para bang nag-iisip. "I want you to be indebted to me for a long time so you would have a reason to think of me." Hindi ko nanaman alam kung nag-jo-joke ba siya o nilalandi niya ba ako o seryoso ba siya dahil sa tono ng boses niya na hindi naman nag-iiba.

"Believe me, hindi mo na kailangan gawin 'yan." Nginitian ko naman siya.

Lagi ko naman siya naiisip e, kung alam niya lang may mga araw na hindi ako nakatulog dahil sa kaniya no! Hindi naman na bago 'yon. Kahit ayoko, naiisip ko pa rin siya. Kahit iwasan ko, sumusulpot pa rin siya.

"And also, can you pay me back with something else?" He nibbled his lower lip na parang nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ba sa akin iyon o hindi. Nangunot tuloy ang noo ko sa kuryosidad sa kung ano ang iniisip niya.

"Ayaw mo ng cash?" He smiled at me first bago siya dahan-dahan umiling.

Ganiyan ba talaga ang mayayaman? Ayaw na nila ng pera kasi marami na sila no'n? Sana dumating din ako sa point na ayoko na tumanggap ng pera dahil marami na akong gano'n masyado.

Take The FallWhere stories live. Discover now