XI

909 47 23
                                    

Chapter 11
#TTFwp

"Talo CDSG, West Hill sunod na game natin." Nakatutok lang sa phone niya si Lesley nang sabihin niya iyon. Nakatambay lang siya sa dorm ko dahil wala ang roommate ko ngayon. Nagpaalam din naman ako sa kaniya since feeling ko mas okay if alam niya kung sino ang mga pinapapasok ko rito sa dorm dahil hindi lang naman ako ang nakatira dito.

Ngayon ang 2nd game kaya ngayon namin malalaman kung sino ang sunod naming kalaban at kagaya ng sabi ni Lesley, West Hill iyon. Medyo expected na pero nakaka-pressure pa rin na official na.

"Parehong West Hill?" tanong ko pa. Nag-scroll muna siya at nag-type sandali bago tumango.

"Oo, sa men's din West Hill." Napatango na lang ako. Naiisip ko pa lang ang meeting at training namin bukas napapagod na agad ang katawang lupa ko. Kagagaling pa lang namin sa training ngayon pero napapagod na agad ako para sa training bukas.

"Oh solid!" Nagulat ako nang biglang mag-react nang ganoon si Lesley kaya sumilip ako sa pinapanood niya. Nanonood pala siya ng laro ng West Hill.

"'Wag mo nga muna panoorin, na-p-pressure na ako agad," reklamo ko sa kaniya. 'Yung unang game, napanood ko na pati 'yung kayla Giongco pero first game pa lang kasi 'yon hindi pa sure kung sila sunod naming kalaban pero 'yung ngayon, sure na talaga.

"Oo nga e kinakabahan na rin ako, pero ang ganda no'n!" sagot niya tapos pinakita pa sa akin ulit 'yung highlights ng game ngayon ng West Hill.

"Men's na nga lang para hindi masyado nakakakaba," sabi niya na lang, hindi ko alam kung sa akin niya ba sinasabi o sa sarili niya lang. Nag-scroll siya sa phone niya at sumilip ako roon.

Pinanood niya ang game nila Giongco ngayon kaya nakinood na lang ako sa kaniya. Sabay kaming napapatili ni Lesley everytime may magandang play ang West Hill. Deserve din talaga nila na sila ang pinakasikat na school when it comes to sports.

'Yung basketball team din kasi nila lagi talagang maganda ang standing. Magaling talaga sila pumili ng players nila pati na rin kung paano nila i-i-improve ang skills ng mga athlete nila.

Finocus ng cameraman kay Giongco at Niccholo Antonio ang shot pagkatapos nila pumuntos at pinagbangga pa nila ang katawan nilang dalawa.

Dominant ang black sa jersey nila ngayon. Mas buff pala si Niccholo Antonio kaysa kay Giongco, kaya nagmukhang payat si Giongco sa tabi niya.

"Lakas ng appeal nito sa court," kumento ni Lesley kaya napatingin ako sa kaniya at napabalik sa pinapanood namin para tignan kung sinovba ang tinutukoy niya.

"Sino diyan?" tanong ko. Maraming ma-appeal sa mga players nila. Maski nga 'yung captain nila na crush ni Gigi ay ma-appeal din talaga.

"Edi 'yung super rookie nilang chinito." Natahimik lang ako nang sumagot siya tapos bawat pakita kay Giongco ay nag-re-react siya na parang pinapakita sa akin na tama siya at ma-appeal talaga sa court si Giongco.

Gwapo naman nga si Giongco, pero marami namang gwapo dito sa Maynila kaya parang hindi na 'yon nakakagulat pero I can say mas umaangat din talaga ang appeal ni Giongco kapag naglalaro siya kasi magaling siya e. Alam niya talaga ginagawa niya. Siya din 'yung tipong gwapo na ma-appeal pero hindi niya yata alam na ganoon ang tingin sa kaniya ng mga tao unless isigaw mo sa harap niya.

Take The FallWhere stories live. Discover now