V

880 45 17
                                    

Chapter 5
#TTFwp

"Bilhin mo na," alok ko doon sa kaklase kong si Warren. Nagbebenta ako ngayon sa kanila ng pabango kasama na rin ang kaamoy ng pabango ni Giongco. Hindi ko naman kasi akalain na padadalahan kaagad ako ng isang box ni Tita. Tinanong ko lang siya kung mayroon, akala niya siguro maraming naghahanap kaya ayan tuloy. May mga tira pa ako no'ng iba tapos nadagdagan nanaman ng isang box kaya doble kayod ako para mabentahan ang mga kaklase ko.

"Bango kaya," pangungumbinse ko. "Oo nga, kaso may pabango pa ako. Galing din kamo 'yon sa 'yo," sagot niya habang inaamoy niya ang mga samples na dala ko.

"Bumili ka pa ng isa," pangungulit ko pa sa kaniya. Tinusok niya ng ballpen ang pinsgi ko, specifically sa dimples ko sa pisngi at tinawanan ako.

"Kulit mo, sige na nga." Imbis na mainis sa pagtusok niya ng ballpen sa pisngi ko ay nangiti ako nang pumayag din siya sa wakas.

Alam ko naman na hindi na ako masyado makakabenta sa iba kong kaklase kasi siyempre ang iba sa kanila ayaw na magkakaamoy sila tapos magkakaklase pa sila kaya i-po-post ko na lang din sa online 'yung matitira mamaya.

Kapag naubos ko talaga 'to malaki rin mabibigay ni Tita sa akin kaya i-po-post ko na lang din talaga para mas mabilis talaga maubos. Ang ibang taga-SHU din naman kasi, sa post ko sila tumitingin dahil siyempre mahirap din na hahagilapin pa nila ako sa buong campus e palipat-lipat pa man din kami ng room tsaka para hindi lang mga taga-SHU ang mabebentahan ko. Kadalasan kasi hindi muna ako nag-po-post, pinapauna ko muna ang mga kaklase ko kasi bilang very supportive sila sa akin may karapatan sila na maunang makapili at makabili tapos saka ko pino-post.

Nagpatulong ako kay Gigi mag-picture ng mga bagong pinadala ni Tita sa akin nang makauwi na ako sa dorm para ma-post ko na rin agad.

"Ang bango," kumento niya pagka-spray niya ng pabango sa pulso niya.

"'Di ba? Ang mahal ng ganiyan talaga," sagot ko habang pinipilian ang mga kuha namin doon sa mga pabango pati na rin ang mga damit na hindi pa nabibili.

"Amoy pang mayaman din naman kasi," sagot niya pa habang tinutupi na niya ngayon ang mga nilatag naming damit para picturan.

"Ganiyan amoy ni Gianni Giongco," wala sa sariling pagbanggit ko.

"Oh?" Agad na naagaw ang pansin niya dahil sa sinabi kong iyon. Oo nga pala PCAA fan nga pala ang isang 'to parang si Claui lang.

Oh? Speaking of Claui, baka mabentahan ko ang isang 'yon. Super fan pa naman 'yon ng West Hill men's volleyball team.

"Oo nga."

"Paano mo nalaman?" E kung sana kasi siya ang kumuha ng order niya noon edi sana naamoy niya rin.

"Nalaman ko lang," sagot ko kasi nakakatamad mag-explain na tinanong ko siya tapos nagkita kami sa bilyaran tapos naalala niya pa pala ako kaya sinabi niya sa akin.

"Legit? Hindi mo 'ko binubudol?" Tinignan ko siya at tumango nang seryoso kasi hindi ko naman talaga ako nagsisinungaling. Hindi man 'yan eksakto 'yung pabango niya pero kaamoy niya naman e.

"Akin na 'tong isa." Nangiti ako nang kuhanin niya ang isa doon sa pabango at kinuha ang wallet niya para bayaran ako.

"Wala ka bang Sebastian Ortega diyan? 'Yon kasi ang pinaka-crush ko sa West Hill," seryosong sabi niya habang binibilang ang ibabayad niya sa akin.

Inabot niya ang pera sa akin pero bago pa niya tuluyang ibigay sa akin ay napaisip pa siya. "Wala ka bang SHU diyan? Kay Noah? Close kayo no'n 'di ba? O kaya kay Alonzo? Juanico?" Napapikit ako ng mariin nang tuloy-tuloy na ang sinasabi niya at parami na nang parami ang hinahanap niya.

Take The FallWhere stories live. Discover now