XXXIII

907 53 14
                                    

Chapter 33
#TTFwp

Since sembreak slash Christmas break na, nasa amin ako ngayon kaya naiiwan na si Karl at Kurt sa bahay. May pasok si Karl pero half day lang kasi ang mga pre-school kaya halos magdamag ko pa rin kasama 'yung dalawa pero last day na nila Karl ngayon bale Christmas party na nila. 

Si Klarisse naman nagtuloy pa rin sa school niya kasi sayang 'yung tuition although kaya naman niya tapusin 'yung isang taon, ayaw naman niyang pumasok na malaki ang tiyan kaya titigil at titigil pa rin siya. Sorry nga siya nang sorry sa akin dahil doon. Wala naman akong magagawa kasi andiyan na at gusto niya talagang ituloy. Kahit magalit ako o magwala wala naman magbabago, kikitain ko naman siguro ulit 'yung pinambayad ko sa school niya, ang mahalaga ngayon is safe at healthy siya at ang baby niya.

Nag-message ako kay Gian na gising na ako at naihatid ko na si Karl sa school pero wala pa siyang reply baka nakatulog ulit dahil maaga pa. Nasa states ang mga magulang niya kaya wala naman siyang inuuwian talaga kaya nasa condo lang daw siya ngayong bakasyon. Tinanong ko nga kung hindi ba siya nalulungkot na kapag mga break wala siyang inuuwian or nakakasama, sabi niya lang sanay na siya. Tinanong ko rin siya kung bakit ayaw niya pumuntang states, wala rin naman daw siyang kakilala roon dahil hindi naman siya close sa mga kamag-anak nila doon. Kung pwede ko lang siya isama dito kaya lang hindi naman siya magiging kumportable saka baka pagtsismisan lang siya ng mga tao rito, ayoko naman na may masabi pa sila sa amin.

"Kurt, dito ka kay Ate dali. Na-miss mo ba ako ha?" lambing ko sa bunso namin. Hindi naman siya lumapit at busy siyang paglaruan 'yung binigay ko sa kaniyang stuffed toy. Bigay talaga iyon ng fan sa akin pero mas ma-appreciate kasi ng kapatid ko 'yon pero na-appreciate ko rin naman. Sadiyang mas natuwa si Kurt sa laruan na 'yon.

Tumayo ako para puntahan si Kurt pero humagikhik siya tapos tumakbo palayo sa akin. Ahh, gusto pa lang makipaghabulan. Buti ngayon kaya ko na kumeep-up sa energy nila, dati kasi nakakapagod sila habulin sa sobrang kukulit at tataas ng mga energy. 

"Kapag nahabol kita sabihin mo na-miss mo ko ah." Tawa pa rin nang tawa ang kapatid ko habang tumatakbo palayo sa akin, tumitili pa tuwing nakakalapit na ako pero kahit kaya ko naman siyang habulin ay nagkukunwari na ako na hindi dahil mukhang tuwang-tuwa siya roon.

Nakakamiss tawa nitong kulit na 'to.

Naglaro lang kami ni Kurt hanggang sa kailangan na namin sunduin si Karl galing sa party nila sa school.

"Ang asim na! Ligo na tayo dali," utos ko pagkauwi namin galing school niya. Pawis na pawis kasi kalalaro kanina sa school.

Sabay na sila naligo ni Kurt, dahil mahirap na kapag may naiwang isa sa labas baka kung ano na lang ang bumulaga sa akin kapag ganoon.

Nang nakatulog 'yung dalawa ng hapon, tinignan ko ang phone ko pero wala pa rin reply si Gian. Ano na kaya ginagagawa no'n? Sembreak naman e busy kaya siya? Or baka naghahanap ng pagkakaabalahan kasi na-bo-bored na siya sa condo niya? Baka umalis?

Kalila Go: Nasundo ko na si Karl at tulog na sila ni Kurt. Busy ka?

Dahil wala naman akong nakuhang reply ay tinabihan ko na lang 'yung dalawang makulit at nakitulog sa tabi nila. Hopefully, ako ang maunang magising kaysa sa kanila dahil mamaya mag-away sila o magkasundo na gumawa ng kalokohan habang tulog ako.

Mag-a-alas kwatro na nang magising ako at nasa tabi ko pa rin naman 'yung dalawa. Buti naman.

Wala pa ring sagot si Gian nang tignan ko ang phone ko. Dapat ba akong kabahan?

Take The FallWhere stories live. Discover now