XXXV

1.1K 53 28
                                    

Chapter 35
#TTFwp

Sunday kaya magkasama kami ni Gian buong araw. Nasa sala lang kaming dalawa at nakatingin sa laptop niya habang nagtitingin ng mga apartment. Ang sabi niya kung gusto ko ba raw ng rent to own para pagdating ng panahon at least magiging property na talaga namin 'yon. Okay lang naman sa akin pero medyo may kamahalan din talaga lalo na kapag sa Manila, mas mataas ang renta at maraming binabayaran.

"Let's visit this one, I can make time on Friday or Saturday." Tutok lang siya habang tinitignan ang mga pictures no'ng nakita namin.

Kinausap ko si Mama about dito and sabi niya ayos lang naman daw kung dito na kami sa Manila titira para daw makapag-umpisa ulit kami. Ang hirap din doon sa amin dahil araw-araw napagtsi-tsismisan ang kapatid ko magmula no'ng mag-eskandalo si tita sa tapat ng bahay namin. Akala naman nila naapektuhan mga buhay nila dahil buntis ang kapatid ko.

About naman doon sa co-parenting, willing naman daw sila lumuwas kung kailangan, buti nga mabait talaga 'yung pamilya ng ex ng kapatid ko. In-explain kasi namin 'yung problema namin kay Tita kaya lilipat kami and sabi naman nila mas okay din naman daw talaga doon sa bata kung mapapalayo sa ganoong klaseng kamag-anak.

"Hmm...okay Saturday's good." Wala na akong laro dahil laglag na ang team namin, hindi man champion pero masaya naman 'yung overall experience. Marami akong natutunan at mas lumawak pa 'yung kaalaman ko sa laro dahil nga sa experience na 'to and siyempre nabayaran pa rin naman kami.

Feeling ko gagawin ko nang annual talaga ang pagsali dito kahit na nakakapagod na feeling ko lalabas na lang dila ko bigla sa sobrang kapaguran. Sobrang bilis ko pa man din mapagod for an athlete, pero worth it naman kasi. Tsaka at least hindi ako mababakante ng summer at wala na rin naman akong balak na tulungan si Tita sa paninda niya kaya kailangan ko ng alternative.

"Kailan ba last game niyo?" tanong ko. May laro pa sila Gian at feeling ko aabot pa sila ng championship ng summer league. Binuhos niya yata dito sa conference na 'to 'yung hindi niya nailaro dahil sa injury niya noong PCAA season kaya ayan super ganda ng mga play niya.

Maaalok nanaman 'to ng sasakyan at condo for sure. Ginagalingan e.

"On Wednesday. That's the last game if we lose. Nood ka?" Tumango ako. Hindi ko pa napapanood si Gian maglaro nang live. Napanood ko lang siya lagi sa screen. Kahit na no'ng PCAA season, sa TV sa may waiting area ko lang siya napanood. This will be the first time kaya manonood talaga ako. Wala rin naman akong gagawin na.

"You won't lose," sagot ko sa kaniya kalaunan dahil nga sobrang ginagalingan niya dahil hindi siya nakalaro noong nakaraan.

"Why? Kasi manonood ka?" biro niya pa sa akin. Hindi naman 'yon ang nasa isip ko pero tawang-tawa ako na naisip niya pa 'yon.

"Oo, mahiya naman sa akin first time ko manonood live tapos olats ka. Bawas pogi points," pagsakay ko sa trip niya.

"You're right, I have to win."

Supposedly, uuwi na ako sa amin dahil tapos na games ko and wala na akong training, kaya lang busy nga kami na maghanap ng mauupahan namin nila Mama kaya hindi na siguro ako makakauwi. Diretso dorm na ako sa pasukan, hopefully makalipat na rin kami. Swerte pa kung malapit sa SHU ang malilipatan namin, hindi ko na need na mag-dorm kaya lang since in demand sa mga estudyante ang mga malapit sa West Avenue, mahirap makahanap o kaya masyadong mahal na.

Take The FallDonde viven las historias. Descúbrelo ahora