Chapter Two

1.4K 35 12
                                    

Warning: suicide ideation

Kasalukuyan kaming kumakain sa hapag habang nagkekwentuhan sila. Gusto kong makisali pero sa tuwing sasabat ako ay nananahimik sila kaya mas pinili ko na lang manahimik.

Nakakapagod din kasi manlimos ng atensyon.

Ni patak nga ay hindi nila magawa. Para bang si Lyka lang ang anak nila habang ako'y isang hangin, alam nilang nandiyan pero walang pakialam.

"Excited na ako bukas, ma," masayang sabi ni Lyka. "Anong oras po ba tayo aalis?"

Nagsalubong ang kilay ko. Aalis kami? Bakit hindi ko alam? Saan kami pupunta? Wala naman kasi silang nababanggit sa akin na may pupuntahan kami.

"Aalis po tayo?" tanong ko. "Saan tayo pupunta?"

Umubo si papa kaya't pinagsalin siya ni mama ng tubig sa baso saka niya ininom iyon. Nang matapos uminom ay diretso siyang tumingin sa akin saka ngumiti.

"Kami lang, hindi ka muna makakasama," aniya. "Pupunta kami ng Baguio, hindi kasi kasya ang budget kaya kaming tatlo lang."

Tumikhim si mama. "Tama ang papa mo. Dito ka na lang muna sa bahay at magbantay."

"Ha? Paano po ako rito?"

"Hindi nga raw kasya ang pera, ate," singit ni Lyka. "H'wag kang mag-alala, pasasalubungan na lang kita ng souvenirs."

"Uuwian ka na lang namin ng kung ano roon," si Papa. "Huwag na strawberries. Bukod sa mahal, e, malalamog lang sa biyahe. Sayang lang ang pera."

Nakagat ko ang labi ko, hindi na naman mapigil ang tampo sa magulang at ang inggit na nararamdaman kay Lyka.

Palagi na lang akong hindi kasama sa mga plano nila.

Bakit nga ba hindi pa ako nasanay? Ilang beses na rin naman 'to nangyari. Ano pa nga bang aasahan ko? Maiiwan na naman ako.

"Sige po. Enjoy po kayo," mahina kong sabi. "Ilang araw ho ba kayo roon?"

"Mga tatlong araw," sagot ni mama. "Saglit lang 'yon saka malaki ka na, kaya mo na rito sa bahay mag-isa. 'Wag kang pumunta kung saan-saan at dito ka lang, baka manakawan tayo."

"Opo."

Hindi na ako nagsalita pa at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Kitang-kita sa mukha ni Lyka na masaya siya. Gusto ko rin maranasan iyong ganiyan. Lahat binibigay sa iyo kahit hindi mo hinihingi, nasusunod lahat ng gusto mo. Gusto kong maramdaman na mahal na mahal ako nang hindi ako nagmamakaawa para do'n.

Pagkatapos nilang kumain ay naiwan akong mag-isa sa hapag, hindi dahil sa hindi pa ako tapos kumain kundi ako ang maglilinis ng lahat dito.

I'm used to it. Sometimes, I think that I'm not part of the family, I'm here as a helper and I must do all the household chores and I don't have any right to refuse nor to complain.

I watched them go upstairs while talking about how excited they are.

I can't help but think that I could've been born in a different family. I don't care if we're poor as long as we're happy and they are treating me right. They won't make me feel that I am nothing in the family.

If I could just ask God for that.

Alam kong mali rin isipin na sana iba na lang pamilya ko pero hindi ko maiwasan lalo na kung ganito naman ang ginagawa nila sa akin.

Alam kong mamaya ay gigising ako na wala na sila. Kung wala akong makakasama ay lulunurin ko na naman ang sarili ko sa pag-iisip at baka sa ibang bagay na naman mapunta iyon.

Baka maisipan ko na namang tapusin ang sarili kong buhay.

Nakakapagod naman kasi talaga. Alam mo 'yong pakiramdam na marami kang kasama pero parang mag-isa ka lang?

Gano'n ang nararamdaman ko sa araw-araw na nagdaan.

Alas dose na ng hatinggabi pero ayaw pa rin akong hilahin ng antok. Pumunta ako sa balkonake saka umupo sa sahig at sinandal ang likod sa pader.

Tumingala ako at nakita ko ang maliwanag na buwan at nagkikislapang mga bituin. Sila ang nagsisilbing pampakalma ko sa gabi sa tuwing iniisip ko na hindi ko na kaya. Kaya kong tumingin sa kanila magdamag, malibang lang ako.

Tinaas ko ang kamay ko at kunwari silang inaabot. Sa huli ay nakuyom ko na lang ang kamao ko saka dahan-dahan iyong binaba.

Sabi nila, nagiging bituin daw ang isang taong namatay.

Am I going to be a star when I die?

I bit my lips. My eyes started to water again. Every night, I cry. I want to ease the pain I'm feeling but how? I need this to leave inside me. I badly want this to be gone but they just won't.

Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Ang dami kong gustong gawin pero hindi ko alam kung paano. Wala akong karapatan. Wala akong kalayaan.

Napayuko na lang ako at mahinang humagulgol habang yakap ang mga binti. Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng luha ko. Kailan kaya mauubos 'to?

Hinayaan ko lang ang sarili ko umiyak hanggang sa mapagod ako, nang matapos ay dahan-dahang tumayo. Wala na akong sapat na lakas kaya't mabagal akong pumunta sa kwarto at hiniga ang sarili sa kama.

Kinabukasan ay nagising ako sa init na tumatama sa mukha ko. Ramdam ko ang sakit sa mata ko dahil sa matinding pag-iyak kagabi.

Bumuntonghininga ako. Panibagong araw, panibagong sakit? Hindi ko alam.

Lumabas ako ng kwarto at kagaya nang inaasahan ko, tahimik dahil wala na akong kasama. Bumaba ako sa pag-asa na baka pinaghanda man lang nila ako ng pagkain bago umalis ngunit bigo ako.

Tubig lang ang naroon sa lamesa. Pabagsak akong umupo at napahawak na lang sa ulo. Bakit ko pa nga ba pinapaasa ang sarili ko? Sinasaktan ko lang ang sarili ko.

Nawalan ako ng gana kaya imbis ba magluto ay bumalik na lang ako sa kuwarto. Pabagsak na lang akong humiga sa kama. Gusto kong matulog ulit pagkatapos ay hindi na magising.

Three days had passed, like I've expected, they didn't bring anything for me when they got home from Baguio. Kahit na hindi naman sila nangako, sinabi naman nila sa akin iyon kaya kahit papaano ay aasa ako.

Nang dumating sila ay hindi na ako nagtanong pa tungkol doon, kung meron naman ay kusa nilang ibibigay pero kung kinakailangan ko pang humingi, dalawa lang ang maaari nilang isagot; sisigawan nila ako o 'di naman kaya'y tatawanan at sasabihing ang tanga ko kung naghihintay ako.

"Hoy, Ahmya! Ikaw na nga gumawa nitong assignment ng kapatid mo," si mama. "Hindi niya na magawa at pagod na siya. Naroon na sa taas at natutulog. Pasahan na nila niyan bukas." Inabot niya sa akin ang libro ni Lyka sa accounting saka yellow paper.

"Ma, wala akong alam sa accounting," pag-apila ko.

"Mas lalo naman ako! 'Di hamak naman na mas may pinag-aralan ka pa rin kaysa sa akin kaya ikaw na ang gumawa niyan. Paganahin mo ang utak mo," aniya saka iniwan na ako rito sa sala at umakyat sa taas.

Napatitig ako sa mga gamit na inabot niya saka bumuntonghininga. Kung hindi ko 'to gagawin, mas magagalit siya—sila. Kung gagawin ko naman at mali, magagalit pa rin sila.

Sa huli, naubos ang buong oras ko magdamag kakaaral sa assignment niya. Kinailangan ko pang balikan ang mga inaral niya at intindihin sa abot nang makakaya ko. Inabot na ako ng alas kuwatro bago tuluyang matapos.

Dalawang oras lang ang naging tulog ko dahil kailangan kong gumising ng maaga dahil ako ang maghahanda ng almusal. Kung ayaw kong masigawan, dapat matuto ako. Wala rin naman akong magagawa, ako lang naman ang palaging mali rito.

"Natapos mo ba assignment ko, ate?" tanong ni Lyka habang kumakain kami sa hapag.

Tumango lang ako bilang sagot. Ngumiti siya dahil doon saka mabagal na tumango.

"Sana tama," aniya. "Medyo mahina pa naman utak mo."

"Hayaan mo na, anak. At least may ipapasa ka kaysa wala, 'di ba?" si papa. "Pasalamat ka na lang na ginawa ni Ahmya. H'wag ka na lang umasa na mataas ang makukuha mong score, hindi bale nang mababa, h'wag lang zero."

Hindi na ako nagsalita, hinayaan ko na lang na insultuhin nila ako nang insultuhin. Wala akong laban sa kanilang tatlo.

Sa pagpasok ay hindi rin sumasabay sa akin si Lyka. Ayaw niya raw dahil nakakahiya akong kasama. Hindi raw kasi ako kagandahan. Siya rin naman pero nanahimik ako.

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon