Chapter Twenty-one

1.3K 33 0
                                    

"Ang bagal mo!" sabi ni Khaos matapos ko siyang pagbuksan ng pinto.

Ngayon kasi ang usapan naming gagala kami. Tatanghaliin talaga ako ng gising kasi may shift kami kanina hanggang 2:00. Alas diyes na ngayon kaya nagrereklamo siya.

"Maaga pa naman, ah? Atat ka," sabi ko saka siya siniko.

"We should not waste time, Ahms. We only have a few hours to enjoy so let's make it memorable. Enjoy natin ang oras na meron tayo," sagot niya saka ako hinila nang ma-lock ko ang bahay ko.

Tinulak niya ako para pasakayin sa motor niya.

"Excited ka lang maka-date ako, e. Aminin mo na kasing may crush ka sa akin para naman 'di ka nagmumukhang tanga," biro ko.

Napayakap na lang ako sa kaniya nang bigla niyang paandarin nang mabilis ang motor. Hinampas ko tuloy siya sa balikat. Hindi naman kasi ako sanay sumakay sa motor.

"Bagalan mo lang! May hinahabol ka ba?"

"Ang ingay mo! Ang dami mong sinasabi!" asik niya.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" pasigaw kong tanong dahil halos hindi na kami magkarinigan dahil ang bilis niya magpaandar.

"Kung hanggang saan umabot ang gasolina," natatawa niyang sagot at mas lalo pang binilisan ang takbo.

Mas humigpit ang yakap ko sa kaniya. Naamoy ko ang pabango niyang parang pang-baby. Sininghot ko pa tuloy dahil ang bango.

Lumalayo na kami masyado at napapansin kong puro puno na ang nadadaanan namin. Wala nang mga kabahayan. Sa kanan naman ay malawak na palayan. Ngayon lang ako umabot dito at masyado akong namamangha.

"Ang ganda ng view!" sigaw ko saka tuluyang kumawala sa yakap ko kay Khaos.

Tinaas ko ang mga kamay ko at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Narinig ko ang marahan niyang pagtawa.

"Hinto muna tayo kapag may nakita tayong bilihan," sabi niya. "Malayo pa pupuntahan natin. Wala tayong dalang pagkain."

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nagtitiwala ako sa kaniya. Saan man niya ako dalhin ay sana lang maging masaya ako. Kagaya nga nang sinabi niya, dapat hindi kami magsayang ng oras.

Maya-maya pa ay huminto kami sa tapat ng malaking tindahan. May mga bahay na ulit dito dahil parang nasa bayan na kami. Bumili si Khaos nang maraming pagkain. No'ng may nakita siyang street foods ay bumili rin siya saka pinag-isa ang mga supot para hindi mahirap bitbitin.

Ako ang pinaghawak niya no'n saka kami tumuloy sa biyahe. Nawala na naman ang mga kabahayan at parang pataas na ang tinatahak namin. Mapuno at madamo aang paligid, naghalo ang berde at kayumanggi. Malamig ang simoy ng hangin at isinasayaw no'n ang mahaba kong buhok.

Pataas at paikot ang biyahe namin at alam ko nang sa tuktok ang tungo nain. Hindi siya bundok pero mataas na bahagi rin ng lupa. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na gano'n pero nang marating namin ang itaas ay namangha ako.

Mabilis akong bumaba sa motor at tumakbo sa malawak na lupain na nakakalula tingnan ang ibaba. May harang na kahoy ang gilid para walang malaglag kaya alam mong pinupuntahan talaga ito ng mga tao.

Kaya pala sementado rin ang daan pataas. May ilan ding tao rito ngayon na nagpi-picnic. Ang iba ay magkasintahan. Isa nga lang yata ang pamilya na nandito.

Tumakbo na ako papunta sa dulo at iniwan na kay Khaos ang pagkain. Ang hinahangin kong buhok ay sinalikop ko sa isa kong kamay.

Tanaw rito sa taas ang kumikinang na dagat. Sobrang lawak no'n kaya naman nakakamanghang tingnan.

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Where stories live. Discover now