Chapter Four

1.2K 28 3
                                    

TRIGGER WARNING: HARASSMENT. READ AT YOUR OWN RISK!

“Hindi pa rin kayo ayos?” tanong ni Rica nang makaupo ako.

Tumango ako. “Ilang beses ko nang ipinaliwanag, pero ’di niya ako maintindihan.”

“Eh, bakit kasi kayo magkasama ni Khaos kahapon? Considering na bago pa lang siya rito pero kasama mo na agad. Paano pa kaya kapag nagtagal? I will also think that there’s something going on with the two of you,” si Krizza.

“Only those stupids will make conclusions without knowing the truth first,” I said, not wanting the annoyance building inside me because of what she said. “If you don’t know the whole story, don’t judge as if it makes you clean and perfect.”

Their mouths opened a little, probably surprised that I answered them. I’m already sick of being silent and just accepting whatever they say to me.

Masyado nang nakakainsulto, masyadong nakakababa.

“Offended ka?” tanong ni Jade.

I didn't answer. Inis akong sumandal sa upuan at tumingin na lang sa harapan. Masyado na akong maraming hinanakit at kung pati sila ay dadagdag pa, iisipin ko na talagang pinagkakaisahan ako ng lahat at ayaw nila akong maging masaya.

Dumating ang prof at nagsimulang magturo pero wala akong naintindihan sa sinabi niya maski isa. Malayo ang lipad ng isip ko habang natingin sa labas.

Nang matapos siya ay dumating na rin ang susunod na magtuturo. Tumikhim siya ngunit wala na sana akong balak pa na lingunin siya kung hindi niya lang ako tinawag.

“Ahmya,” pagkuha ni Sir Martin sa atensyon ko. “I need to talk to you later. After your class, dumiretso ka sa cubicle ko. May mahalaga tayong pag-uusapan.”

Nagsalubong ang kilay ko at napaisip kung ano ang maaari naming pag-usapan, sa huli ay mabagal akong tumango. Matapos makuha ang sagot ko ay nagturo siya, sinikap kong makinig kahit na maraming gumugulo sa isip ko.

Mabilis na lumipas ang oras at uwian na. Hindi ko pa rin pinansin ang kaibigan ko at ganoon din sila. Nauna silang lumabas nang hindi nagpapaalam sa akin.

Ayos lang, wala na rin akong pakialam. ’Di ko nga alam kung matatawag ba silang kaibigan dahil pakiramdam ko ay ginagamit lang naman nila ako.

Hindi nawala sa isip ko na kailangan kong pumunta kay Sir Martin, baka mahalaga ang sasabihin niya kung kaya’t hindi niya sinabi sa klase. Ang tanong, tungkol saan naman kaya ’yon?

Kumatok ako sa room na designated for professors kung saan naroon si sir. Dahan-dahan ko ’yong binuksan at nakitang mag-isa lang si Sir Martin sa loob.

Nakita niya ako kaya inutusan niya akong pumasok sa loob na sinunod ko rin naman. Lumapit ako sa kaniya saka niya minuwestra na umupo ako.

“Sandali lang,” aniya. May hinanap siya sa laptop niya at maya-maya lang ay hinarap ’yon sa akin. “This is your class record. Tingnan mo ang record mo.”

Naningkit ang mga mata ko saka hinanap ang pangalan ko roon. Nang makita ko ang mga score ko ay nagtaka ako kung bakit mababa.

“I know you’re confused why your scores are low and didn’t even pass,” he said. “These past few weeks, you’re not doing good. There's a high possibility that you will take my subject again. ’Yong mga activities na pinasa mo ay basta mo na lang ginawa at hindi pinag-isipan para lang may maipasa ka.”

“Sir, hindi po,” mabilis kong sagot. “Sinisigurado ko po na maayos lahat ng activities ko bago ko ipasa.”

“So, you’re saying that I’m wrong for giving you low scores even if it is justifiable?” he asked and crossed his arms. “Am I wrong?”

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon