Chapter Twenty-five

1.3K 26 2
                                    

Khaos and I were laughing at the meme we saw on his Facebook, when Krizza together with Rica and Jade approached us which made me stop from laughing.

Nagtinginan silang tatlo at nagturuan pa sa harap namin ni Khaos na katulad ko ay seryoso na rin. Pinigilan kong magtaas ng kilay dahil parang nagtuturuan pa sila kung sino ang unang magsasalita sa kanilang tatlo.

Tumikhim ako. “Ano’ng kailangan n’yo?”

Tumigil sila saka ibinalik sa akin ang tingin. Nakagat ni Krizza ang kaniyang labi bago nagsalita.

“P’wede ka bang makausap?” tanong nang nahuli.

Lumingon ako kay Khaos, nag-angat lang siya ng kilay sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako tumingin sa kaniya na para bang sa kaniya nakasalalay ang sagot ko sa tanong ni Krizza. Hindi naman siya ang kakausapin kundi ako. Huminga ako nang malalim at pinakiramdaman ang sarili ko kung gusto ko ba silang kausapin, sa huli ay tumango ako.

“P’wede naman . . . pero p’wede bang dito na lang?” mahinahon kong sabi.

Nagtinginan ulit sila pero sabay-sabay ring tumango. Lumapit sa akin si Khaos upang bumulong.

“Lalabas na muna ako para makapag-usap kayo nang maayos,” bulong niya.

Tumango ako nang lumayo siya saka ngumiti nang tipid. Umalis na siya at lumabas ng classroom. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero sana ay hindi na siya magtagal.

“Ahmya . . .” tinawag ni Krizza ang atensyon ko kaya naman nawala ang atensyon ko sa palayong lalaki.

Diretso siyang nakatingin sa nga mata ko. Kita ko ang lungkot sa kaniyang mukha na hindi ko alam kung para saan, pero mukhang alam ko na kung bakit sila lumapit sa akin ngayon.

“Gusto lang sana namin mag-sorry sa mga nagawa namin sa ’yo,” panimula niya. Ramdam ko ang pagiging sinsero niya. “We realized that what we did was wrong. We became mean to you even if you’ve done nothing to us but purely kindless. We abused you.”

I let out a deep sigh. Sinusubukan ko nang kalimutan ang mga ginawa nila sa akin noon. Kung patuloy ko lang kasing aalalahanin ay tiyak na masasaktan lang ako. Pero kahit anong limot pala ang gawin, kapag sobra kang nasaktan, nakatatak na siya sa puso’t isip mo at mukang malabo na ring mawala.

Makakapagpatawad ka pero hindi ka makakalimot.

Hindi ako nagsalita at hinayaan lang sila.

“We’re really sorry,” said Rica. “I know it’s not easy to forgive us and it’s quite impossible to go back to how we used to be before but we want you to know that we had reflected in ourselves. S-sobrang nagsisi na kami sa mga ginawa namin sa ’yo.”

Hinawakan ni Jade ang kamay ko kaya napatingin ako roon. Napansin niya iyon kaya’t agad niya ring inalis ang hawak niya. Hindi naman ako galit, nabigla lang ako.

“S-sorry!” mabilis niyang paghingi ng tawad. “S-sorry sa lahat, Ahmya. Hindi namin inisip kung ano ang mararamdaman mo. Imbis na damayan ka namin at maging kaibigan kami sa ’yo dahil sa mga problema mo, dumagdag pa kami. Hindi namin inisip na nasasaktan ka na at sunod-sunod na ang nangyayari sa ’yong hindi maganda.”

“Sana hindi na namin ginawa ’yon sa ’yo,” si Krizza ulit. “We’re very sorry.”

I can see in their faces and I can also hear from their apologies that they are really sincere. Kita ko ang pagsisisi sa mga mukha nila. Okay na sa akin ’yon. Hindi naman na ako galit sa kanila. Siguro hindi pa totally napapatawad pero darating din ako sa oras na ’yon, hindi nga lang ngayon o hindi agad-agad.

Just like what Rica said, we can’t bring back the days when we’re still on good terms. Hindi na maibabalik iyon. Forgive and forget doesn’t work for me. I may forgive the people who have hurt me but I won’t forget what they did and what they made me feel.

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon