💦 Episode 29💦

20.1K 503 13
                                    


Nangangatog parin ang mga tuhod ko hanggang ngayon, mas nauna ng dinala ang lalaking tumangay kay Raz sa presinto, susunod kami doon para mainterview and kukunin ng pulis ang exact information.

Imbis na sa backseat uupo si Raz ay kinandong ko siya sa passenger seat, natatakot parin ako hanggang ngayon at hindi ko alam kung bakit nangyari ‘yon.

Pero iisang tao lang ang nasa isip ko, and it was Shone! Siya lang naman ang kontrabida sa buhay ko. Pagkatapos kasi ng pangyayaring iframe up ako sa mansion at pagbintangang magnanakaw, ang sabi ni Trez ay hindi na daw siya nagpakita pa doon.

Agad kaming bumaba sa kotse at kinuha ni Tauruz si Raz sakin, sumunod din sina Trez at Rose pero papasok palang kami ay mukhang nagkakagulo sa loob.

Ganoon nalang ang galit ni Tauruz ng malamang nakatakas daw ang lalaki pagbaba kanina sa back up car. Napanganga nalang ako dahil hindi ako makapaniwalang nakatakas pa ‘yon.

“Will you explain this to me Sargeant?” Malamig na boses na sabi niya.

“I’m really sorry sir, pero mabilis kasi itong nakatakbo pagkababa ng sasakyan at nang pinutukan nila ay huli na ang lahat dahil may sasakyan na pumarada, at dahil doon nagkaroon siya lalo ng pagkakataong makatakas”

“Paano nangyari ‘yon?” Takang tanong ni Trez.

“Pakiramdam ko, pinagplanuhan talaga ito ng mabuti sir, don’t worry, makikiugnay ho ako sa kalapit station na mag-conduct ng check point”

“I hope so, I will give five million reward for that kidnapper, pakiayos ang trabaho niyo” sabi ni Tauruz at puno ng galit ang mga mata niya.

Napatango ang pulis sa kaniya at nirecord muna ang nangyari kanina bago kami umalis.

“M-Mama? Uwi na po tayo, may bad guy po” napayakap ako sa kaniya habang napatitig si Tauruz samin atsaka sabay kaming niyakap.

“Shh. Don’t be afraid son, I’m here, daddy will protect you no matter what. Poprotektahan ko kayo ni mama”

Pagdating namin sa bahay ay nagcontact agad siya sa office niya na hanapin ang lalaki na tumangay kay Raz kanina sa mall, pina imbistigahan niya narin ang nangyari.

Napatingin ako kay Tauruz nang tinitigan niya ng masama si Trez.

“What’s that look, huh?”

“Why did you leave him, huh? Mas inuna mo pa ang tumawag sayo?”

Napakunot noo si Trez sa at pinipigilan ko na siya bago pa sila mag away dahil wala namang may gusto sa nangyari.

“Tauruz enough walang kasalanan si Trez dito maupo ka nga” inis niya itong tiningnan.

“I didn’t know that would happen Ruz okay? At saka ilang beses akong tinawagan ni Shone na nasa hospital daw si Shine”

“What?” Tanong niya bigla at hindi ko alam ba’t bigla nalang ako nakaramdam ng kakaibang sakit dahil nakita ko sa mukha niya ang pagkabigla.

I don’t want to jump into conclusions, but, hindi ko maiwasang masaktan. Napayuko nalang ako.

“Ano naman ang pakialam ko kung nasa hospital ang kapatid niya, obligasyon ko ba ‘yon?” Muling sabi ni Trez

“No, Don’t say that mag-isip ka nga! I will call Shine then”

“What? Para ano pa? Ikaw ang mag-isip Ruz!” sabay tingin ni Trez sakin ngunit nanatili lang akong nakatikom. Buti pa si Trez may pakiramdam!

“Shut up!”

Bigla nalang pumait ang lalamunan ko, gustong-gusto kong maiyak ng sabihin niya ‘yon at tila pinagpirapiraso yung dibdib ko dahil sa nararamdaman kong sakit.

Talaga? Gagawin niya ‘yan sa harap ko? Napaka unaware  naman niya! Nakatitig ng masama si Rose sa kaniya at nakita ko kung paano niya ako tinitigan na tila naaawa siya sakin at yung mukha niya parang mananapak ng tao. Narinig ko ang ilang pagring sa kabilang linya bago nito sagutin ang tawag niya.

“Hello Shine, are you okay? Nasa hospital ka daw?”

‘Yon na ang huling narinig ko dahil agad akong tumayo at dali-daling pumasok ng kuwarto. Hindi ko pa naisara ang pinto ay bumagsak na agad ang mga luha kong kanina pa gustong lumabas.

Bakit ganin? Parang tinutusok ako sa dibdib, bakit ganun? Akala ko mahal niya ako pero bakit alalang-alala siya para kay Shine? Hindi kaya si Shine parin ang mahal niya hanggang ngayon? Baka ginagamit niya lang ako dahil gusto niyang kunin si Raz sakin?

Napapikit ako at napahikbi, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kasakit, at sobrang sama ng loob ko sa kaniya. Kung makatawag kasi siya doon ay parang wala ako! Harap harapan niya akong sinasaktan paano pa kaya sa susunod?

Tama ba ang desisyon kong tinanggap ko siya ng ganon kadali? Na pinatawad ko agad siya ng madalian? Kasi kahit anong pigil ko sa mga luha ko ay hindi ko kayang pigilan dahil nasasaktan ako!

Nasasaktan ako dahil gusto ko siyang pigilan at sabihing..“Hello! nandito ako, hayop ka!” Pero wala akong may nasabi, pakiramdam ko tuloy pinaglalaruan niya lang ako.

Mabilis akong nagpahid ng mga luha at inayos ang iilang damit sa closet nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.

“Wife…” tawag niya sakin pero hindi ko siya nilingon.

Ang sarap niya lang sampalin at pagmumurahin! Lalo na nang niyakap niya ako mula sa likod, agad akong lumayo sa kaniya at dinaanan ko lang siya dahil ayoko siyang makita!

Agad niya akong hinila sa braso nang papasok na ako ng banyo.

“Wife, what’s wrong? Let’s talk”

“Bitawan mo nga ako! Huwag mo akong mahawak hawakan! Umuwi ka na doon sa inyo at huwag ka ng bumalik pa!”

Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ko, inaalis ko ang kamay niya pero ayaw niya akong pakawalan.

Bigla nalang niya ako hinila at niyakap kaya napahikbi ako at pilit ko parin siyang tinutulak.

“Let me go! I hate you!”

“Oh wife, Don’t say that”

“Bitaw sabi!” Ayokong maiyak sa harap niya dahil pakiramdam ko ang hina-hina ko pero hindi ko kayang magpigil ng luha dahil kumikirot na ang puso ko.

“Shh…don’t cry, I’m sorry okay? I’m really sorry”

“S-Sorry dahil ano Tauruz? Dahil siya p-parin ha? Doon ka sa kaniya kaya kong mabuhay ng wala ka!”

Inis ko siyang tiningala dahil mukhang natatawa siya sa itsura ko. Pinagtatawanan niya ako dahil isa akong tanga! Na naniwala agad sa lahat ng mga kasinungalingan niya!

“No! listen to me wife, I called her because I want to___”

“Lumabas ka dito ang kapal lang ng mukha mo! Huwag mo akong kausapin!”

Tinulak ko siya pero hindi ako ganon kalakas para lang pagtabuyan siya. Ang kapal talaga ng pagmumukha niya dahil nagawa niya pang pahiran ang mga luha ko. Tinabig ko ang kamay niya nang inayos niya ang buhok ko na halos nagkagulo na.

“Tsk ! Listen to me first”

“Ayoko! Umalis ka na ngayon din doon ka sa lahat ng babae mo! Hindi kita pipigilan! Dahil kaya ko ring maghanap ng___”

Hindi ko natuloy ang pagsasalita nang inangkin niya ng mabilisan ang labi ko. Galit ko siyang tinitigan nang pinakawalan niya na ako.

“I called her so that magkaroon ako ng access kung nasaan talaga siya ngayon, if she’s in the hospital. But she’s not there, nasa Baguio daw siya so it means it was a part of plan, and I know that Shone was the mastermind of what happened earlier and I also asked my staff to investigate to stop her from whatever she was planning, did you get it?”

Inis ko siyang tinulak, wala akong pakialam kahit ano pa ang sabihin niya basta naiinis ako sa ginawa niya.

“Baby One, you should ask first before you jump into jealousy”

“Talaga? Hindi mo man lang sinabi sakin, wife tatawagan ko siya is it okay with you?” Mukha akong tanga doon kanina sa tabi mo! Magsama kayong lahat pesti ka!”

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya atsaka niya ako niyakap, tinulak ko ulit siya pero hindi niya hinayaang makawala ako sa kaniya.

“I never thought you were so jealous, huh? Because of that, you make me fall for you more and more wife. I love you so much and I’m sorry if I step a wrong move earlier. Don’t be jealous with her walang-wala ‘yon sayo, you are more beautiful and sexy than anyone.”

“Huwag mo akong bolahin! Ayoko nang maniwala sayo! Bitaw, ayoko sayo!”

“Tsk. I’m sorry please, I did wrong and you’re right I should consult you first before I called her. But please, huwag ka na magtampo wife, mahal na mahal kita Yssa Cajeldo. Ayoko nang maghanap ng iba wife, ikaw lang ang titikman ko hanggang sa huli”

Dahil sa sobrang inis ay kinurot ko siya sa tagiliran na siyang nagpahiyaw sa kaniya.

“Buwisit ka Tauruz! Ang dami mo ng kasalanan sakin! Isang pagkakamali pa at hindi mo na ako mahahawakan pa!”

Napakalas siya sakin at tinitigan ako ng malalim. Nakatitig lamang siya sa mga mata ko at ang mga palad niya ay nasa magkabilang pisngi ko.

“No, don’t say that because that will kill me wife, hindi mo lang alam kung paano ako nabaliw kakaisip na dapat sakin kalang. Don’t say that, kaya kong baguhin ang dating ako para lang maging karapat-dapat sayo. Do you understand?”

Madamdaming sabi niya at napalunok ako dahil parang natamaan ako sa mga sinabi niya, bigla nalang nag init ang gilid ng mga mata ko. Agad kong itinago ang mukha ko sa dibdib niya at napaiyak ako.

“S-Sorry h-hubby ikaw kasi. Mahal kita kaya k-kahit sa maliit na bagay nasasaktan ako” naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko at hinagod iyon ng paulit-ulit.

“Shh. You’re too emotional, it’s okay and I’m sorry if I hurt you, I didn’t mean it. I love you more wife, don’t worry, everything will be fine at pagbabayarin ko ang taong gustong sirain tayo”



SBTBS > jayewel

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon