Chapter 55

863 41 3
                                    


Arabella's Pov

Ang lamig h'wag na kaya ako maligo? Charot! Maliligo parin kahit malamig, para matuto maging malamig sakaniya.

Kumuha ako ng tuwalya at naligo na natapos na ako kumain kanina at tulog pa raw si Jaysie maaga pa naman dahil alas kwatro palang ng madaling araw.

Natapos na ako maligo kaya nag-uniform na ako, medjas at sapatos dahil kinuha ko ang sapatos kanina lang pagkaakyat ko at nag hoodie jacket ako kulay itim at sinuot na ang backpack.

Mukha akong studyante ngayon.

After, lumabas na ako ng kwarto at hindi na nagpaganda pa dahil kukupas din 'yan mas maganda na ang natural face! Pak! Ganda 'yan! Paglabas ko ay kasunod lang ng paglabas ni Jays sa kwarto niya at tumingin sa'kin habang nakakunot ang noo.

“Ang aga-aga pumasok.” Inaantok niyang sabi at humikab pa.

“'Lah kang pake at least ako mabilis kumilos eh, ikaw? Ang bagal mo akala mo pagong na papuntang dagat ang pupuntahan.” Saad ko sakaniya at kinuha ang lollipop at binalatan bago isubo tsaka nilagay ang dalawang kamay sa bulsa kasama ang balat ng lollipop. “Babush, kuya kong pagong.” Paalam ko at bumaba ng hagdan habang siya ay nakatulala lang sa hindi ko malaman.

Minsan ko lang naman matawagan na kuya 'yon ano.

“Tita ems, alis na po ako.” Paalam ko habang nakasubo ang lollipop.

“Ah, sige. Si Jays ba gising na?” Tanong niya at tumango ako.

“Ang aga mo naman.” Saad ni mama.

Kase hindi hapon.

Gusto ko sana sabihin kaso baka masaktan ako o bubungangaan na naman ako dahil sa pagiging pilosopo ko.

“Okay po,” 'Yong lang ang nasabi ko bago lumabas ng bahay at madilim pa ang kalangitan dahil madaling araw palang.

Lumakad na ako at nakita ko 'yong guard natutulog hindi ko nalang pinansin at lumakad nalang ako, tumigil na ako sa ministop at buti nalang 24hrs sila kaya pumasok ako at bumili ako ng pagkain, after, nabayaran ko na kaya lumabas na ako na may dalang plastic at naghintay ng jeep ang kaso mukhang walang jeep kaya maglalakad nalang ako ng kalahating minuto.

Naglakad lang ako ng makaramdam ako na may sumusunod saakin kaya tumigil ako at kinuha ko iyong bag bago buksan at ilagay ang pagkain doon tsaka sinara at nilagay ulit sa likod bago maglakad ulit, nilagay ko naman ang dalawang kamay ko bulsa ng jacket at pinakiramdaman ko lang ang pakiramdam niya este 'yong presensya niya kung papalapit na ba.

“Tigil o papatayin kita.” Saad niya habang hawak niya ang patalim at naka ano sa leeg ko dahilan mapangisi ako.

Bubu ah.

Hindi man ako magaling sa taekwondo pero sa self defense. Oo.

Siniko ko siya dahilan lumuwag ang pagkakahawak niya sa leeg ko nakakuha naman ako ng tyansa para iikot ang braso niya tsaka sinipa siya sa tyan at nabitawan niya ang patalim na hawak niya.

“Argh!” Daing niya dahil sa pinag gagawa ko sakaniya.

“akala mo sa'kin? Easy to get! Lol! Mamatay muna si satanas para maging easu to get ako!” Mayabang kong sabi sakaniya at umikot bago siya sinipa sa mukha at ayon bagsak. “Kala mo ah.” Mayabang kong sabi at pinagpag ang kamay, kinuha ko ang cp at tumawag ng pulis.

* 9, 1, 1 *

[ Tama naman 'di ba? ]

Hello?” Ani ng nasa kabilang linya.

“Hello, police? May gusto po pumatay sa'kin, dito lang po sa malapit sa ministop ng old building. Thanks.” Seryoso kong sabi at tinignan ang gusto pumatay sa'kin dahil nakita ko na parang tatayo siya pero nakahawak sa tyan at dumadaing ang ginawa ko naman ay sinipa ang kutsilyo dahil baka ihagis niya 'yon sa'kin habang nakatalikod ako.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon