Chapter 1

759 27 9
                                    

Chapter 1




"Nahimasmasan na ba ang bebe?" Tumatawang ani Josh na sinundan pala 'ko sa kuwarto.

Pinalipad ko ang unan sa kaniya bago humilata sa kama.

"Nagsalita ang banal!" Sabi ko at pumikit.

Dinig ko ang papahinang niyang halakhak hanggang sa magsara ang pinto. Tingin ko ay nasa banyo ko siya.

Pinakiramdaman ko ang puso kong wala nang humpay sa pagdagungdong. Ilang linggo na 'kong ganito. Malapit na kong mabaliw.

I can't fall for Josh. Lalaki ako at lalaki siya. Mali 'yon. Mali sa mata ng lahat, sa kaniya at kahit sa'kin. Hindi sa may mali sa mga lalaking magkarelasyon, hindi lang talaga kayang tanggapin ng sistema ko na nangyayari 'to ngayon sa'kin at sa mismong kaibigan ko pa.

Bago pa kami magsimulang sumayaw ay magkaibigan na kami. Despite of the long age gap, we get along. I can't imagine the masterpieces I will tear up if this feelings grow more. Ano ba ang dapat kong gawin?

I should not let this feelings grow more. Iyon ang dapat gawin. Pero paano?

Nagsimula na naman akong manigas nang kumalabog ang pinto hudyat na lumabas na sa banyo si Josh. Ilang minuto lang ay lumubog na ang kama sa mismong tabi ko. Pakiramdam ko ay naputol ang paghinga ko nang ilang segundo.

"Tulog ka na, Jah?" His hoarse voice echoed. Sending goosebumps all over my body.

Pinatay niya ang lamp sa side niya nang hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Nagising na lang akong nakadantay sa'kin si Josh. I stayed still for a moment.

Kung noon 'to nangyari malamang ay tinulak ko na siya hanggang sa mahulog sa kama. Binalingan ko ang humihilik pang si Josh. His lips are bit open. Payapa siyang natutulog.

Mabilis ri'n akong nagising sa katotohanan. I must not think about every little thing about him. Kahit ang maliliit na bagay ngayon tungkol sa kaniya ay napapansin ko na. Dati wala naman akong pakielam.

"Tulo laway ka pa jan," bulong ko at inalis ang tingin sa kaniya.

Inalis ko ang nakapatong niyang binti sa hita ko at umalis na sa kama. Diretsyo ako sa banyo para maghilamos na nauwi sa ligo. Lalo akong nagcoconscious sa palaging itsura ko lalo na kapag nandiyan siya. Pati confidence ko tinatamaan.

Pinunasan ko ang buhok ko gamit ang tuwalya at kaswal na lumabas sa banyo. Halos mapatalon ako sa gulat nang tulalang nakaupo si Josh sa paanang dulo ng kama. Gulo ang buhok niya at halatang kakagising lang. But it doesn't make him less attractive.

Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa hubad niyang katawan. Kinamot niya ang dibdib niya habang humihikab.

"Ang sakit ng ulo ko," he whispered.

"Lasinggero!" Sabi ko bago kumuha ng damit na pwede niyang isuot sa closet.

"Jakulero!" Ganti niya sa'kin.

Binato ko sa kaniya ang shorts na nakuha ko. "Gago!" Namumulang sabi ko.

"Maligo ka na do'n. Ang baho mo!"

Tho he still smell nice. I just want him to get dressed. Hindi kaya siya kinakabag sa kakabalandra sa abs niya? Bigla akong nainggit sa katawan kong pang-isang ubo na lang. Nag-improve na nga 'to e.

"Lolo mo baho," sabi niya at dumiretsyo sa banyo.

Lumabas naman ako at gumawa ng soup para sa kaniya.

Mistulang zombie na naglalakad ang postura ng tatlo. Good thing that Josh didn't get laid with alcohol last night. Kung hindi malamang ay mukha rin siyang patay na bumangon sa hukay.

Pureboy IssuesWhere stories live. Discover now