Chapter 19

689 28 23
                                    

Chapter 19














Walang pagsidlan ang excitement at kaba sa katawan ko nang makatapak ako sa bahay niya. Tita Aldrene greeted me with a smile. Nahihiyang ngumiti ako at lumapit. Inilipat niya sa kaliwang kamay ang hawak na sandok bago ibigay ang kamay sa'kin. Kinuha ko 'yon at magalang na nagmano.

"Pasukin mo na ro'n sa kuwarto at kanina pa ata nakababad sa computer niya," sabi ni Tita Aldrene nang hanapin ko si Josh bago ituon ulit sa adobo ang atensiyon.

Ilang beses na ba 'kong nakapunta rito? Kasama pa nga ako nang bilhin 'to ni Josh. Bakit sobra naman ata ang kaba ko?

Huminga ako nang malalim nang marating ko ang pinto niya. Kumatok ako nang tatlong beses bago itulak ang pinto. His scent attacked my nostrils. Halos mapapikit ako sa bango no'n. I've never admired a scent from a man before.

Sinong matinong lalaki ang maa-adik sa amoy ng kapwa niya lalaki? Siyempre 'yung mga hindi straight. Ilang ulit akong nakipagtalo sa sarili. Maybe I am bisexual. Ngayon ko lang 'to naramdaman sa tana ng buhay ko. Ang Josh ang may kasalanan.

He turned his head to my pace. Palihim akong napangisi nang bahagya siyang nagulat. Tumikwas ang kilay ko nang inikot niya ang mga mata sa'kin bago ibalik ang atensiyon sa harap ng computer.

He took off his headphones. "Ginagawa mo rito?"

"Livestream?" Balik kong tanong sa kaniya. Diretsyo ang tingin sa monitor na umiling siya. "Pinuntahan ko lang boyfriend ko." Sabi ko bago umupo sa kama niya.

"May boyfriend ka?" He playfully asked.

Bahagya akong natigilan sa pagkapahiya. Was that only my imagination? Kumalabog ang puso ko habang pilit na inaalala ang nangyari kanina. Hindi kaya bangag lang ako sa alak? Shit!

Pinapapawisan na tumayo ako. "U-Uwi na 'ko."

Akmang aalis na 'ko nang sa isang iglap ay nasa harap ko na siya habang nakaupo sa kaniyang gaming chair. Tinulak niya ako paupo ulit sa kama niya.

"Claiming me as your boyfriend pagkatapos akong ipagtabuyan kanina para sa manok na 'yon? Really huh?" Puno ng sakrasmo na sabi niya bago humarap ulit sa computer.

Para akong tinakasan ng hangin sa baga. Hindi imagination! He really came to me initiating he's my boyfriend! Boyfriend ko nga siya. Hindi ako papayag na hindi!

"Hmm...my daddy is upset," I hum.

Tumayo ako sa kama at lumapit sa kaniya. We stared at our reflection on his monitor. Matapang na iniyakap ko ang braso sa kaniya. I felt him stiffened for a moment.

"We talked about his girlfriend. Gusto ko nga i-kwento 'yung boyfriend ko sa kaniya e." Bulong ko sa kaniya.

He swallowed as he stares to our reflection. Mabilis man ang tibok ng puso ko, komportable ako sa bawat tibok no'n.

Iniwasan niya ang mga mata ko sa monitor at yumuko. I crouched even more to see his face. Lalo niyang iniwas ang mukha.

Halos sumabog ang puso ko. Hindi ko na napigilan ang ngisi. "Ang rupok mo, babe."

Salubong ang kilay na niluwagan niya ang yakap bago inikot ang gaming chair paharap sa'kin. My mind completely went on chaos when our nose touched.

Ilang ulit akong napalunok. Magkikiss kami.

A whole zoo dominated my tummy. Halos mawalan ako ng hininga nang halikan niya ang tungki ng ilong ko. That's my cue. I won't hold back anymore. Talagang hahalikan ko siya. Kahit ako pa mismo ang mag initiate.

Pureboy IssuesWhere stories live. Discover now