Chapter 21

628 23 8
                                    

Chapter 21













I can't help but to love my man even more. May ibabaliw pa pala ako sa lalaking 'to.

This day was supposed to be our date. Pero kailangan kong samahan si Ken sa Bulacan. He's living in Manila for quite years yet he still get lost whenever he's alone. Isa pa, nangako ako na sasamahan ko siyang hanapin si George. Good thing, Josh understands.

We have three days rest before going back to rehearsals for upcoming events. Ken took this advantage to look for George. I'm looking forward for a date with Josh. Hindi matatapos ang tatlong araw na 'yon nang hindi kami magde-date, hindi ako papayag.

Ibinaba ko ang cellphone pagkatapos replyan si Josh.

"Saan tayo?" I asked Ken as soon as he occupied the passenger seat.

Kahit nakabukas ang aircon ay parang nainitan ako sa suot niyang puro itim. Akala mo pa ninja na balot na balot. Idagdag pa ang kaniyang bucket hat. He looks like a California boy in an aesthetic pictures. I admire his sense of fashion but it's not my kind. Presko ang puti.

"Sa San Miguel, Bulacan. Three hours drive kung walang traffic," he answered fastening his seatbelt.

"Bakit do'n?" I curiously asked.

Binuhay ko ang makina. Ken showed me his phone. I second look at it. Barefaced in a school uniform with a high ponytail. George is even gorgeous in her younger years. She posses a look of an active student who used to join school pageants.

"Sa ID lace ka tumingin." Matigas na sabi niya.

Pinigilan ko ang sarili na asiman ang mukha. George is gorgeous indeed but I am in love with my man. Walang higit na maganda at guwapo bukod kay Josh sa paningin ko.

Tinapunan ko ng tingin ang ID lace ni George sa picture. Kahit malabo ay mababasa mo naman ang initials ng school niya. Idagdag pa ang logo sa uniform niya.

"Nakita ko 'to sa mga folder ko, buti na-save ko lahat bago siya magdeactivate." May pagpupuri sa sarili niyang sabi.

Inalis niya ang cellphone sa mukha ko. Kinabig ko ang manibela paalis sa building.

"Elib naman ako sa stalking skills mo." I smirked at him.

"Girlfriend ko siya, walang masama ro'n." Depensa niya sa sarili.

Tumikwas ang kilay ko. "And your other girlfriend?"

Bahagya siyang natigilan. He shifted from his seat.

"Wala na kami ni Jasmine. I broke up with her even before courting George."

Ako naman ang nagulat sa sinabi niya. Kinabig ko ang manibela sa isang fastfood drive thru. Mahaba ang pila kaya nilingon ko siya nang huminto sa harap ng kasunod na kotse.

"Talaga ba? Bakit palagi pa rin kayong magkasama kahit kayo na pala ni George?" Usisa ko sa kaniya.

"Ayaw niya makipaghiwalay." Kibit-balikat na sabi niya.

Halos malukot ang mukha ko sa sinabi niya.

"Gago ka talaga!" Sabi ko at umusad nang kaunti. "Hindi pa pala kayo tapos na tapos ni Jasmine tapos niligawan mo agad si George."

George on the other hand is in fault too. Alam niyang may girlfriend yung tao, bakit niya pinatulan. Ayaw ko rin naman magsalita ng tapos. Hindi ko rin naman alam ang magiging reaksiyon ko kung sakali na ako ang nasa kalagayan niya. Hindi ko nga rin inakala na magugustuhan ko si Josh e. Love indeed moves in mysterious ways.

"Nakipagbreak na ko sa kaniya." He stubbornly reasoned out.

I massaged the bridge of my nose. Parang ako pa ang mas matanda at matured sa'ming dalawa.

Pureboy IssuesWhere stories live. Discover now