Chapter 30

483 22 12
                                    

Chapter 30












I already anticipated this. Walang lihim na hindi nabubunyag. But I didn't expect it this early. Kahit ilang ulit kong inihanda ang sarili para rito, iba pa rin pala kapag nasa harap mo na. Lahat ng lakas at tapang ko ay unti-unting natutunaw.

I know the consequences. And the consequences if I ignore these consequences. Hindi pa ito natatapos rito. Nagsisimula pa lang. Ngayon pa lang ay nanghihina na ako.

Pangarap ko na 'to dati pa. I want to be an artist. Gusto ko ipakita lahat ang kaya kong gawin at makilala ro'n. I never knew that this could strangle my freedom. Gusto ko na lang maglaho at tumakbo kasama si Josh. But we can't be selfish. Maraming madadamay. Hindi lang ito tungkol sa'min ni Josh. Tungkol rin 'to sa grupo, sa career at sa frienship.

Hindi magigiba ang paniniwala ko sa pagkakaibigan namin. Pinatunayan na 'yan ni Stell at Ken. Kaya binabalot ako ng konsensiya. We might ruin them. Paano kung phase lang 'to? Paano kung hindi naman kami ni Josh sa huli? Masasayang ang lahat.

Sayang ba na hindi namin sinubukan o sayang na nasira ang lahat dahil phase lang pala 'to? Hindi ko alam kung alin doon ang mas kaya ko.

Ayaw kong pumili. Gusto kong manatili sa gitna kasama ni Josh. Hilahin na lang siya at magpakalayo-layo na lang kami. But we can't be selfish. Kailangan kong ulit-ulitin 'yon sa sarili. Hindi ko puwedeng basta piliin ang sarili at hayaan na masira ang mga bagay. It's a butterfly effect. Mistula kaming dominos na may masanggi ka lang na isa ay guguho na ang lahat. I can't let that happen. I can't drag them down. But I can't let go of Josh too!

Hindi gano'n kahaba ang oras na natitira sa'min ni Josh. We will part ways in time. Pero habang nandito pa, pwede pa at kaya pa, mananatili ako sa tabi niya. Hindi ko siya basta bibitawan. Hindi ngayon o bukas. Hanggat mahal niya ako at may kakapitan pa, kakapit ako kahit mahirap na.

I lifted my head when I heard soft knocks on the door. It's not Josh probably. Kung siya 'yan malamang ay diretsyo na siyang papasok rito. Ilang minuto pa akong nakatulala sa pinto at hinintay na mawala ang kumakatok ro'n.

Tumayo ako paglipas na ilang minuto nang marealize na hindi talaga titigil ang kung sino man ang kumakatok.

Lahat ng tapang ko ay natunaw nang bumungad sa'kin si Stell at si Ken na parehong may yakap na unan.

"U-uhm... dito muna kami habang wala pa si Josh," napapaos na sabi ni Stell.

I can't kick these two away. Kahit na gusto ko pa na mapag-isa. Concern lang ang mga ito. O baka rin inutusan ni Josh.

Niluwagan ko ang bukas ng pinto at bumalik ulit sa kama.

Maybe it's time to clear things up with this two. Kahit ubos na ang energy, antok at lasing pa. Hindi rin naman ako makakatulog sa kakaisip sa mangyayari bukas, might as well entertain their questions. Deserve nilang dalawa 'yon.

"Jah..." Si Stell.

Niyakap ko ang mga binti at ipinatong ang baba sa tuhod. Nakahiga naman si Stell nang pahalang sa kama ni Josh habang nakaunan si Ken sa tiyan niya.

"Hmmm?"

"I juts want you to know na I'm with you two." Kahit nakatuon ang tingin sa ceiling ay ramdam kong sincere siya ro'n.

Ken softly whispered. "Ako rin."

Mapait akong napangiti. What I'd do to have them here? I'd better do this right. Hindi ko hahayaan na masira sila sahil sa'kin.

"Pa'no niyo nalaman?" Kuryoso kong tanong.

Tingin ko naman ay ginawa ko ang lahat para hindi kami mahuli. Bakit nalaman pa rin nila?

Pureboy IssuesWhere stories live. Discover now