Chapter 8

501 24 11
                                    

Chapter 8







Huling araw na namin rito sa Siargao. I didn't expected this day to be this gloomy. Hindi dahil aalis na kami sa paraisong lugar na 'to kung hindi dahil sa nangyari kagabi. Wala na kaming ginawa ni Josh kung hindi iwasan ang isa't-isa. Everyone seems to notice yet no one asked us and no one opened the topic. I'm glad though. Hindi ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong kutyain ang sarili.

"Nag-away ba kayo ni Josh?" Si Pablo.

Binitawan ko ang hawak na item sa souvenir shop at bumaling sa iba pang mga item para lang lumayo kay Pablo.

"Hindi." Maikling sagot 'ko.

Hindi siya natinag at tumingin ng item sa tabi 'ko. "Ano pinag-awayan niyo? Or more like...sino?"

Siniko siya ni Stell at sinenyasan. Pablo doesn't seem to be bothered. Nagpatuloy silang dalawa sa pagbuntot sa'kin. Kaming tatlo lang ang narito sa shop bukod sa ilang turista. Josh is with Ken, Jasmine and Alliyaah. A'tin seems to be so disciplined kaya naman kahit abot kamay na nila kami, ay hindi sila nagtangkang lumapit.

"Hindi kami mag-aaway sa iisang babae." Sabi ko bago kuhanin ang infinity anklet para bayaran.

Naiwan silang dalawa sa sulok na nagsisikuhan. Pareho silang lumingon sa gawi ko. I smiled to assure them.

"Kuha ka pa Sir ng isa," sabi ng bantay sa tinadahan.

"Bakit po?" Naguguluhan kong tanong.

"By pairs po kasi 'to, usually couple surfers ang bumibili."

Surfers. Hindi ako marunong magsurf. Si Josh lang. We planned to surf pero hindi ako nakasama. Lumapit ako sa mga anklet at kumuha ng kaparehong itsura. This supposed to be Josh's. Kahit magkaroon pa ng mga babaeng dadaan sa buhay, kay Josh lang ang infinity anklet na 'to.

"Buy one take one?" Sumulpot sa tabi ko si Stell.

Tumango ako.

"Pau, halika!" Tawag niya kay Pablo. Pablo rushed to him. "Bili tayo nito!" Turo niya sa mga anklet.

"Kunin ko na 'to, miss." Baling ko sa tindera.

Nakapag-ikot pa 'ko sa shop bago napagdesisyunan ng dalawa na umikot pa sa bayan. Ilang fans ang nakasalamuha namin. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko at nawala sa isip ko si Josh.

Hapon na nang makabalik kami sa Kalinaw. I refused to stay on our room. Baka naroon si Josh. I can't be in a small space with him, alone. It's suffocates me. Nakakabaliw.

Dinner na nung magkita kami ni Josh. Wala na kaming choice kung hindi tiisin ang akward na atmosphere sa pagitan namin. We're trying to get along with everybody. Kami lang naman ang may problema kaya hindi na dapat idamay pa ang lahat.

We had our boodle fight on the seaside. Pagkatapos ay nagkayayaan pang uminom ang iba. Nakita ko naman na tumanggi si Josh. Good thing. Ayaw ko na mangyari ulit ang nangyari kagabi.

"Jah," George offered me a beer.

Ramdam ko ang tingin ni Josh sa'min. I averted my gaze. Saktong nagtama ang mata namin ni Ken. Kinunot ko ang noo. Kumunot din ang noo niya. I stuck my tounge out.

Bumaling ako kay George at kinuha ko ang beer. "Thank you, Georgina."

I am enjoying my beer when Josh and Alliyaah stood up. Parehong napatingin si Stell at Pablo sa'kin. Tinaasan ko lang sila ng kilay.

"Tulog na tayo, Bunso." Si Kuya na tumayo at tinapik ako sa balikat.

"Agad-agad?" Gulat na tanong ni Geca.

Pureboy IssuesWhere stories live. Discover now