Chapter 34

482 25 17
                                    

Chapter 34










We don't and we can't please everyone about our relationship. Alam ko ang mga maririnig kong salita sa oras mabuko kami. Unti-unti kong hinanda ang puso para do'n. I didn't kill anybody yet I feel like I did. Gaano ba kasama ang ginawa ko. I just love him. I'm just loving him. Nakita ko na nalango sa pag-ibig ang iba.  Hindi naman gano'n kahirap kapag nakikita ko sa iba. Bakit pagdating sa'min ang hirap? Bakit masakit? Bakit bawal?

I can still hear Sir Charles calm voice ringing on my ear.

Naiwan ko nga ang cellphone sa kotse. Halos sumabog 'yon sa bumabahang notifications. Kaagad na inilayo 'yon sa'kin ni Stell.

"You don't need to see—”

"I want to see it." Putol ko sa kaniya.

Hinablot ko sa kamay niya ang cellphone. Bumungad kaagad sa'kin ang picture namin ni Josh na magkayakap nang buksan ko ang twitter. It was taken in Zambales, when we watched the sunrise. Kahit mejo silaw sa liwanag ay alam kong kami 'yon.

I scrolled more futher. Maraming mga pictures pa ang naglabasan. Mula sa pagtakas namin para magdate sa Dubai at ilang mga pictures na kahit ako mismo ay hindi na naalala.

Hinabol ng mata ko ang cellphone nang kuhanin ni Pablo 'yon sa kamay ko.

"Malabo lahat ng kuha. We can take that down. The issue will soon die down.  Huwag ka masyado mag-alala." He assured me.

Gumapang ang pinong sa'kit sa dibdib ko. Our career is also at stake pero ako pa rin ang inaalala niya. Guilt hollowed on my stomach

Walang nagsasalita buong biyahe pabalik sa Manila. Halos sumabog ang utak ko sa kakaisip ng sasabihin. Lahat ng kuha ay malabo, puwede naming i-deny. Buong isip ko ay naroon na. We can take those pictures down. The issue will die down. Our career will be saved.

Lahat ng plano ko ay nawala nang maka-apak sa conference room ng building. Naroon si Ate Rose, Tatang Robin, at mga taong may matataas na posisyon sa kompanya. Nanliit ako sa mga uri ng tingin na mayroon sila para sa'kin. Kahit ilang ulit akong lumunok ay wala akong boses para magsalita.

"Aren't you feel disgusted? Hindi ka ba kinikilabutan—"

"Stop that, Aeris!" Sigaw ni Euna sa kapatid. Anak ni Sir Charles na parehong nagtatrabaho sa kompanya.

Parang robot na nakaupo ako sa upuan habang pinapakinggan kung gaano sila kinilabutan at nandidiri sa akin at kay Josh.

Lahat sila natigil sa sa pagsasalita nang hinampas ni Sir Charles ang table nang buong lakas.

"You all are so nosy. You all think we can resolve this by throwing pit?" Aniya sa kalmado ngunit may mapanganib na tono.

Napalunok ako nang tumutok ang mga mata niya sa'kin. A faint hope peeked as I thought.

"We don't need to confirm if it's true. Or If they're really in a relationship." He trailed off.

Hindi niya ako tinanong. He doesn't care about us anyway. Solusyon agad ang nasa isip niya. Kung paano isasalba ang kumpanya niya at siya sa kahihiyan na idudulot namin sa kaniya.

"We'll take down the pictures. The team is doing their best and I know Justin will do too..."

Nagbaba ako ng tingin. I know already where it will went to. Ang tanga ko para isipin na maintindihan nila kami. Na makakahanap kami ng kakampi sa kaniya.

"Man can't love another man. It's not right. It's a sin. It's just phase of lust. And it's evil. You can't love Josh. You can't be an evil."

Then evil if it is. I'm not an angel either way. If loving him is evil, I'll summon hell to win this battle. I'll end up with him even if it means I'll burn into ashes.

Pureboy IssuesWhere stories live. Discover now