Chapter 29

534 28 7
                                    

Chapter 29










Pagkatapos pakalmahin si Josh, we enjoyed the rest of the afternoon in our room. Nagdahilan lang kami sa tatlo na matutulog. Hindi naman sila naghinala.

Pablo gave me his soft eyes. Akala ko ay pagagalitan niya 'ko dahil sa insidente kanina kay Chase. He comforted me instead. Pumayag siyang magpahinga muna ako kaysa makihalubilo. Nagpresinta pa sila Ken at Stell na samahan ako. He let Josh instead. Dahil alam niyang mas komportable ako kay Josh.

Hapunan na nang katukin kami ni Stell sa kuwarto. Hindi kagaya kaninang tanghalian, kaniya-kaniya na kami ng table, nakahilera malapit sa pool at mga baitang ng hagdan na nagsilbing platform sa mga may maikling surprise performances para kay Sir Mark. May mga bisita rin na narito na wala naman kanina. I even saw Geca and some artists too.

Bukod sa pagkain ay bumabaha na rin ng alak. Nagsimula na rin ang mga birthday message mula sa malalapit niyang kaibigan. Tumayo naman si Pablo at umakyat sa platform, siya ang nagbigay ng message para sa grupo namin. Si Stell naman ang nag-alay ng kanta niya para may ambag kami sa perfs.

Pagkatapos ng mga speech at ilang performances ay si Sir Mark naman. Nagkuwento siya tungkol sa buhay niya and how grateful he is for the blessings came to his life.

Nag-init ang puso ko nang espesyal siyang nagpasalamat sa grupo namin. Bahagya pang nagkaiyakan. Inabutan siya ng tissue pagkatapos ay nagblow na mga cake.

"Thank you everyone for coming to celebrate my birthday. Alam kong busy kayong lahat sa mga buhay-buhay niyo sa Manila. Sumuong pa kayo sa traffic. Kaya naman let's enjoy the night!" Sir Mark raised his shot.

Humiyaw ang lahat bilang pagsang-ayon at sabay-sabay na uminom ng shot. Pinaglaruan ko ang akin.

"Hindi ka iinom?" Bulong sa'kin ng katabi kong si Josh.

Tumama ang mata ko sa shot glass niyang wala ng laman. Maagap na binuhusan ulit 'yon ni Stell.

"Baka malasing sila Stell, walang magaasikaso," pagdadahilan ko.

Hyper pa naman si Stell kapag nalalasing. Si Ken naman ay kung saan na lang abutan ng antok.

"Ako ang bahala kila Stell. You can drink," pahayag niya.

Hinawakan lang niya ang shot at pinaglaruan.

"Okay lang na uminom ako? Hindi mo 'ko pagbabawalan?" Usisa ko sa kaniya.

I remembered all the drinking sessions we had. Palagi niya pang bubulungan si Stell na bulungan ako na huwag masyadong uminom. Now that we're together, what if I messed up and spill. Hindi ba dapat mas mag-ingat kami? Though I know where my limitations when it comes to alcohol.

"Bakit naman kita pagbabawalan?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"You used to!" Akusa ko sa kaniya.

"Huwag masyadong uminom, hindi huwag kang uminom." Depensiya naman niya.

"Okay lang na uminom ako?"

He played his lips before slipping his eyes on me. Sapat na 'yon para magwala ang kaluluwa.

"Kasama mo naman ako kaya okay lang kahit magswimming ka pa sa alak."

"Talaga? Okay lang?" Tinaasan ko siya ng kilay.

He chuckled. "Siyempre, hindi."

Napangisi rin ako sa sinabi niya.

"Bakit?" Usisa ko.

Bahagya siyang lumapit at bumulong sa tainga ko.

"You're so touchy when you are drunk. Baka 'di ako makapagpigil, masingil kita." He whispered devilishly.

Pureboy IssuesWhere stories live. Discover now