Chapter 28

641 24 5
                                    

Chapter 28














"Bakit ang tahimik mo?" Josh broke the silence.

Napatingin ako sa gawi niya. He swiftly turn the steering wheel with those veined arms. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa'kin at sa daan nang hindi ako kaagad nakasagot.

"Inaantok ka pa? Matulog ka pa." Dagdag niya habang inobserbahan ako sa kaniyang peripheral.

"Focus on the road, Josh." Suway ko sa kaniya.

He insisted to drive us to Zambales hours a head from our groups plan. Hindi pa sumisikat ang araw ay sinundo niya na ako. Mukhang balak niyang i-date ako at bumawi. Hindi pa kami nakakapag-usap nang maayos mula nang makauwi galing Dubai. Puro casual talk lang at tungkol pa sa trabaho.

"Hinaan ko aircon?" Tanong niya, tinitimbang kung ano ang iniisip ko.

"Hindi naman ako inaantok," I yawned.

Bahagya siyang natawa sa kinilos ko.

"Matulog ka pa. Gigisingin kita kapag naroon na tayo." Hininaan niya ang aircon.

"I want to see the sun rise." Giit ko at ibinaba ang bintana sa gawi ko.

Sumampal sa mukha ko ang malamig na hangin ng Zambales. Ang kulay kahel na langit ay tanda ng pasilip na araw. Namangha ang mata ko sa ganda ng langit.

Inihinto ni Josh ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Naguguluhan na tumingin ako sa kaniya.

"Wait me here." Aniya bago umibis sa sasakyan.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaikot sa gawi ko at buksan ang pinto ng kotse. Hindi na masupil ang ngisi ko nang ilahad niya ang palad sa'kin.

"Anong kalandian 'to, Josh Cullen?" Pinipilit na itago ang tuwa na sabi ko.

"Don't ruin the atmosphere! I'm trying to be sweet here. Nawawala ang angas ko." Reklamo niya habang hinihintay na tanggapin ko ang palad niya.

Hindi na maalis ang ngisi ko.

This man really knows how to drive me crazy as fuck!

Umaliwalas ang mukha niya nang iabot ko ang palad sa kaniya. Ako naman ang namangha nang makababa sa sasakyan. This wasn't the highest place in Central Luzon but the sun perfectly rises in the horizon of hectares of rice field. Kuminang ang mata ko sa tanawin. I'd been living all my life in Manila and I never watched the sun rises this perfect. Bukod pa ro'n ay kasama ko si Josh. This couldn't get any better.

"Ang ganda mo sa umaga." He softly whispered.

Tumulis ang nguso ko.

"Palagi akong maganda, Josh. Lalo kapag kasama kita." I smiled at him.

Hinatak ko siya sa harapan ko. I quickly wrapped my arms around his waist and rested my chin on his shoulder. Pinagmamasdan namin ang tanawin habang nakayakap ako sa kaniya at nakahawak siya sa kamay ko. Dinama namin ang hangin roon hanggang sa makatirik ang araw.

Habang amaakyat ang araw ay parami nang parami ang dumaraan at parami na nang parami ang makakakita sa'min. Minabuti naming bumalik na sa sasakyan pagkatapos ng ilang minutong panonood sa araw.

Comfortable silence filled the air. Nakahawak lang siya sa kamay ko habang ang isang kamay ay nagmamaneho. Hindi ko alam kung saan planong pumunta ni Josh o kung didiretsyo na kami sa resort. I didn't bother to ask, paniguradong magugustuhan ko rin naman kahit saan niya pa ko dalhin.

Pareho kaming napalingon sa cellphone niyang nasa dashboard nang tumunog 'yon.

"Pakisagot, Jah," utos niya sa'kin.

Pureboy IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon