Chapter 13

515 22 3
                                    

Chapter 13








Ken is a walking red flag. But I didn't expect him to be this worse. Wala akong alam sa relasyon nila ni Jasmine at sa totoo lang, wala akong pakielam kay Jasmine. But Ken is my friend. I will not tolerate his cheating.

Buong gabi kong dinadasal na sana ay hindi naalala ni Stell ang mga nakita niya kagabi. That will worsen everything. Malamang ay maibulong niya pa kay Pablo. And knowing Pablo, talagang tatamaan si Ken sa kaniya.

"Bakit?" Tanong ni Stell nang mapansin ang titig ko sa kaniya.

"Masakit pa ulo mo?" Kunwaring tanong ko sa kaniya.

Tumango siya bago pumasok sa van. Pabalik na kami ng Manila. Tumabi ako sa kaniya. Sinandal niya ang ulo niya sa'kin. Sunod na tumabi sa'kin ay  si Ken. Nasa harap naman namin si Pablo at Josh. Sa passenger seat ay si George.

"Ken, may tawag ka." Si George at ipinasa ang cellphone kay Josh.

Kinuha niya ang cellphone. Nahagip ng mata ko ang caller ID. Jasmine is calling. Sandali siyang natigilan. Nakita ko ang pasimpleng tingin niya kay George. He declined the call.

"Bakit 'di mo sinagot?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Tatawagan ko na lang siya mamaya. Inaantok ako." Sabi niya at umayos ng upo.

Palagi naming sinusurrender ang phone namin kay George lalo na kapag may event. Kahapon pa ang event pero hanggang ngayon ay nasa kay George pa rin? Bakit ngayon ko lamg napansin na may ganito?

Sila pa ni George ang hindi magkasundo no'n. Nag-alala pa 'ko kay George dahil sa magaspang na pakikitungo ni Ken sa kaniya. Mas nakakatakot pala na ganito sila.

Sumandal ako kay Stell at pumikit. Ramdam ko ang pagkislot ni Ken. I saw him typing in his phone with my half closed eyes. Umalingawngaw ang message tone sa harapan. Ilang beses naulit 'yon sa loob ng mga oras.

Napapikit ako nang mariin. Ako ang naf-frustrate dahil masyado na silang halata.

"Stell," sandaling naputol ang paghinga ko nang lumingon si Josh sa'min.

Nagkunwari akong tulog hanggang sa 'di ko na maramdaman ang tingin niya.

"Jah," Stell shook me a bit.

Kinusot ko ang mata at nagkunwaring naalimpungatan. "Hmm?"

"Oh, para 'di sumakit leeg mo." Inabot niya sa'kin ang neck pillow na suot ni Josh kanina.

Nakanguso na tumingin ako kay Josh na prenteng nakasandal sa harapan ko. Gusto kong tanungin kung as a friend ba 'to. Nanahimik na lang ako at bumalik sa pagsandal kay Stell.

Bago umuwi ay pinapunta muna kami sa company. Abot tainga ang ngiti ni Stell nang i-announce ang bagong endorsement namin. Kahit pa gaano kalakas ang tama ng hangover at pagod ay parang wala lang kay Stell. I smiled too. Nanibago ako sa nakangiting si Pablo. Kahit gaano pa kalaki ang ngiti niya ay hindi umabot sa mata.

Nabura ang ngisi ko nang nahuli ng mga mata ko ang tingin ni Josh. Pareho kaming umiwas ng tingin.

"May problema ba si Pablo?" I asked Stell.

Nagkibit balikat siya sa'kin. "He don't want to talk about it. Ilang beses ko na siyang tinanong. Ayaw mag-open, e."

Ramdam ko ang sama ng loob niya.

Tinapik ko ang balikat niya. "Baka kasi close kayo?"

Ngumiwi siya sa'kin. "Sige. I-push mo."

"Ikakanta lang ni Pablo 'yan." Tinapik ko ang likod niya bago tumayo.

"Uwi na 'ko, Pablo. Stell." Sabi ko at kinuha ang bag. "Hindi ka sasabay, Ken?" Baling ko sa kay Ken na nakatutok sa cellphone niya.

Umiling siya. "Baka dito muna 'ko matulog "

Tumikwas ang kilay ko. Tumango lang ako at hindi pinansin ang tingin ni Josh sa malayo. Hindi ko siya tinapunan ng tingin hanggang sa makalabas ako ng conference room.

Hindi ko rin alam kung dapat ba 'kong makielam sa relasyon nila. All I know is I can't tolerate this. Ayaw ko rin naman na lumaki ang gulo kaya hangga't maari gusto ko na masettle nila 'to nang walang nangyayari ikapapahamak naming lahat.

Maybe I could talk to him one of these days.

The elevator is about to closed when Georgina entered. Nakatingin lang ako sa repleksiyon niya sa harapan. Ayaw ko na husgahan siya. Hindi lang naman siya ang may pagkakamali rito.

Inosenteng-inosente siya sa paningin ko. A fine woman who can turn guy's heads when she walks. Lalo na kapag nakilala mo na siya. She has this pleasant personality that is so attracting. Bakit ang gaya niya pa ang magkakamali kay Ken Suson.

Few seconds in an elevator became so akward. Hindi ko mahagilap ang boses para batiin siya kagaya nang normal na ginagawa namin sa araw-araw.

Nabaling ang tingin ko sa kaniya jang umalingawngaw ang cellphone niya. Nahagip ng tingin ko ang caller ID. My Hanamitchi is calling. She declined the call.

Naiilang na ngumiti siya sa'kin. Her phone rang again. Pinatay niya ulit.

"Sagutin mo na. Baka importante," sabi ko at dumiretsyo ng tingin.

"H-Hindi naman siguro," nauutal na sabi niya.

"Ken will be frustrated." Kahit ako nagulat sa sinabi ko.

Nanlalaki ang mga matang tumingin siya sa'kin.

"A-Anong..." She can't even composed a complete sentence to at least reason out.

"Don't you dare deny it, George." Humarap ako sa kaniya. "I saw you two. Ayaw kong mangielam. Huwag mong hintayin na ako pa ang kumilos."

Ken is so stubborn. Baka mauna pang pumuti ang uwak bago niya pakinggan ang sasabihin ko. Baka si George ang maunang matauhan.

"Matalino kang tao, George. Alam kong alam mo kung gaano katigas ang ulo ni Ken. Huwag mo na hintayin pa na si Ken ang kumilos. It is either he will break up with Jasmine or dump you." Pagpapaalala ko sa kaniya.

A tear escaped her eyes. Kasabay nang pagbukas ng elevator. Nilampasan ko siya at dumiretsyo sa kotse ko. Bubuksan ko pa lang ang pinto nang hawakan niya ang braso ko.

"A-Anong kailangan kong gawin? G-Gagawin ko lahat, J-Justin," she cried.

Sandali akong natulala. I didn't expect her to desperately cry in front of me.

"D-Don't tell anyone please," she begged.

Lalo akong nahabag nang lumuhod pa siya sa harap ko. Natataranta akong umupo at pantayan siya.

"Tumayo ka, George." I held her hand and helped her to stand up.

Hindi siya nagpadala sa'kin. "I'm begging you, Justin," humagulgol na sabi niya.

Nahihirapan na lumunok ako. "I won't tell anyone. Sige na tumayo ka na." I assured her.

I helped her to stand up. Medyo kumalama na siya ngayon. Kumuha ako ng mga tissue sa loob ng kotse. Inikot ko ang mga mata sa parking lot. Nakahinga ako nang walang makitang bakas ng tao.

"Get in. Ihahatid kita." Binuksan ko ang kotse para sa kaniya.

"H-Hindi na, Jah," she declined.

"Malamang hinahanap ka na ni Ken." Isinara ko ulit ang pinto. "Please, George. Pareho ko kayong kaibigan. Don't destruct each other." Kinagat ko ang pang-ibabang labi.

Ang lakas naman ng loob kong palalahanan siya ni sa sarili ko ay hindi ko magawa.

Bakas pa rin ang luha sa mga mata na tumango siya. "I-I understand."

Tumango ako sa kaniya bago pumasok sa kotse at humarurot palayo ro'n.

_______________________________________

2 days left for VP voting. Sugod na tayo sa FB, kaps💙

Pureboy IssuesWhere stories live. Discover now