Chapter 17

567 28 38
                                    

Chapter 17








Selfishness kills. Alam na alam ko 'yon. Pero hindi ko mapigilan. Una pa lang ay tinanggi ko na. Pinigilan ko ang sarili. Pero habang lalo kong itinatanggi, lalo lang na lumilitaw.

Tinanggap ko. Nagbabaka sakali na makakaalpas ako sa phase na 'yon na attract ako sa kapwa ko lalaki. I thought after that I can move on. Pero lalo pa atang lumalim.

How can I move on if my damn mind can't stop thinking the thought the he likes me too? Hindi kaya ng puso at utak ko na pabayaan na lang 'yon nang ganoon. Gusto kong lagpasan ang linya. I want him to be mine. Ngayon pa na sigurado na kong gusto niya nga ako.

Selfishness kills and it's my pleasure to be killed.

"Update your fans from time to time," bilin ni Tatang Robin bago kami iwan ni George sa conference room.

"Please tell me, they didn't force you to resign," baling ko kay George nang kami na lang dalawa.

She shooked her head before giving me a reassuring smile. Hindi man lang napagaan no'n ang loob ko.

"Kasalanan ko talaga 'to," frustrated na sabi ko.

A week had already passed yet the issue didn't fade out the internet scene. Parang kidlat na kumakalat pa rin 'yon. The management is eager to do everything to calm down the issue. Kahit pa na tanggalin si George. And that was my fear.

"They didn't force me. Huwag ka na mag-alala," she assured me.

Kahit gaano pa kalaki ang ngiti niya ay hindi ako nadala. Ken is still fuming mad. And I am mad too. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nalalaman kung kanino galing ang mga pictures. Wala akong ibang masisi kung hindi ang sarili ko lang rin.

"You saved him. And that is enough." Ngiti niya sa'kin.

Nawala ang gitla sa pagitan ng noo ko. Bigla akong nainggit kay Ken. I wish I have someone as George. But I'd love to have Josh. He is more than enough.

Pagkatapos maiayos ang set-up sa studio ay nagsimula ang Instagram live namin. This is part of management's plan to divert audiences attention. Pabor 'yon sa'kin. The management instructed me to be extra clingy with Josh. Hindi naman kailangan i-instruct pa 'yon. I am naturally clingy to him. I damn hate it!

The plan is somehow effective. Sa simpleng akbay-akbay lang namin ni Josh ay halos sumabog ang twitter hindi pa man tapos ang live.

"Halata tayong fan service, Josh." Bulong ko at hinila pa lalo siya palapit sa'kin.

His lip twitched. "Anong gusto mo gawin natin?"

I tried to supress my playful smile. "I want you close," I whispered.

His lips slightly protruded. "How close?"

Napalunok ang nang mahulog ang mga mata ko sa labi niya.

"Maybe close enough to kiss you," wala sa sariling bulong ko.

Bigla akong natulala nang bahagyang kumibot ang labi niya. Inviting me to kiss them. Napalunok ako habang pinapaalala sa sarili na nasa harap kami ng camera.

"Anong topic ng JoshTin?"

Pareho kaming napalingon kay Stell. He probably read a comment. I bit my lip before smiling. Kumawala ako kay Josh at lumapit sa kay Stell at nakibasa ng mga comment.

"Pahingi po ng Josh Cullen," I read the comment. "Wala po. Bawal," I casually said.

Napalingon ako ng may humawak sa beywang ko. "Possessive," Josh whispered with a hint of smile in his lips.

Pureboy IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon