Chapter 2

594 29 15
                                    

Chapter 2




Nagising ako sa alingawngaw ng cellphone ni Kuya Yani. He picked it up while zipping his luggage. Bumangon ako paupo at inabot si Saoirse na kinakamot ang maleta ni Kuya Yani.

"Nagising kita?" He asked putting down his cellphone. Tumango ako bago nagkusot ng mata.

"Buti nga." Matigas na sabi niya. "Anong oras na? Hindi ka mahiya kay Josh na nakaligo na."

Inabot ko ang cellphone sa bedside table niya at tinignan ang oras. Ala sinco pa lang ng umaga. Palibhasa takot na umalingasaw siya rito.

"Sa'n punta?" Tanong ko habang nilalaro si Saoirse.

"Siargao." Maikling sagot niya.

Tumaas ang kilay ko. Mukhang may balak siyang bantayan ako.

"Same flight?" I asked him.

Tumango siya bago kuhanin ang razor at lumabas ng kuwarto. Sumunod kami ni Saoirse sa kaniya palabas. Naabutan ko pa si Josh na katulong ni Mama na magluto ng agahan. He flashed his boyish smirk. Halos takbuhin ko ang kuwarto ko.

Kaagad akong humarap sa salamin. Sabog ang buhok at may muta pa. Lalo kong nagulo ang buhok ko sa hiya.

Siya nga pangit at tulo laway pa. Pag-aalo ko sa sarili bago asikasuhin ang pagkain ni Saoirse.

Mabilis akong naligo pagkatapos kumain ni Saoirse. Halos maubos ang oras ko sa pag-ayos sa buhok ko at pagpapaligo ng pabango sa sarili.

Dahil naka Hawaiian shirt si Josh, pinili kong magfloral short sleeve button up shirt at khaki shorts.

I was like a damn shy girl walking pass by Josh. Ni hindi ko man lang siya matitigan sa mata. Tumama ang tingin ko sa nakangising si Kuya Yani.

"Wow," aniya sa mababang boses. "Couple shirt pala tayong tatlo."

"Ang gu-guwapo ng mga anak ko!" Si Mama na pinagmamasdan kaming tatlo.

Nakahinga ako nang maluwag nang halos walang nakarinig sa sinabi ni Kuya.

"Dapat pala hindi ako naghawaiian," bulong pa ni Kuya.

"Siyempre mana sayo, Tita," biglang banat ni Josh.

Humalakhak naman si Mama habang hawak pa sa magkabilang pisngi si Josh.

"Bolero kang bata ka!" Si Mama na abot tainga ang ngiti.

Pati si Kuya ay nakangiti na rin sa kanilang dalawa. Ngumisi siya nang ibaling ang tingin sa'kin.

"Pa-goodshot 'to," bulong niya na rinig na rinig ko.

Nagpapanic akong napatingin kay Josh na mukhang wala namang narinig. Makapal siguro ang earwax, mabuti naman.

Papa drove us to the airport. Sa backseat kami ni Josh at sa passenger seat naman si Kuya. Pagdating sa airport ay naroon na rin si Geca, kaibigan ni Kuya na isasama niya sa Siargao. Bibong kinuha ni Josh ang mga luggage sa compartment. Tinulungan naman siya ni Kuya habang wala nang tigil sa pagpapapicture sa'kin si Geca.

"Ang pogi! Buti 'di ka nagmana sa Kuya Yani mo." Geca said bluntly.

Nahihiyang natawa ako.

"Oo, dahil guwapo ako," sabad naman ni Kuya Yani.

"Ay, wala kayong salamin sa bahay?" Sarkastikong tanong sa'kin ni Geca.

Natatawang umiling ako. "Si Mama lang nagsasabing guwapo siya."

Natawang nakipag-apir pa sa'kin si Geca.

"May girlfriend ka?" Biglang tanong niya.

Umiling ako at bigla siyang umakbay sa'kin.

Pureboy IssuesWhere stories live. Discover now