Chapter 33

455 23 3
                                    

Chapter 33










I'm missing Josh. Dalawang linggo na rin nang magsimula ang locked in taping nila. We've been constantly talking over the phone every night in his first week at work. Ngayon ay pahirapan na. Madalas inaabot ng madaling araw ang shoot nila at pati texts ko ay 'di na niya narereplyan. I understand that. I just miss him.

"Ano order mo, Jah?" Tanong ng katabi kong Stell na binabaliktad ang menu.

"Same na lang nung sa'yo," sagot ko bago ibulsa ang cellphone pagkatapos i-message si Josh.

"Order kayo nang marami. Sagot ni Ken," nakangising ani ni Pablo habang naglilipat sa menu.

Hindi nakatakas sa mata ko ang multong ngisi sa labi ni Ken.

"Dinaya niyo kaya ako!" Pigil ang ngiting protesta niya. Kunwari ay seryoso.

I know Ken is in delight. Bati na sila ni Pablo. No barriers. Dahil nagagawa na ulit ni Pablo na bardahin si Ken.

It's our rest day today. Inaya ako ni Stell na gumala. Malamang ay gusto akong libangin dahil nga dalawang linggo nang wala si Josh. Nagulat ako nang makita si Pablo na nasa driver seat at si Ken na nasa passenger seat nang makababa sa basement.

"Sama daw sila," kibit-balikat na sabi ni Stell.

What did I do to have these best people in my life?

Pablo drove us to Studio 300 to play bowling. Tinuruan niya kaming maglaro. Kapagkuwan ay nagpustahan. Ang matatalo ay manlilibre. Ako na ang matatalo kung naisentro sana ni Ken ang bola. Ken lost. Pinagbigyan lang ata ako kaya siya ang natalo sa pustahan at manlilibre.

Pagkatapos kumain ay nag-aya na rin si Pablo. Siya ulit ang driver. Pinatugtog niya ang stereo. Saktong kanta ng NSYNC ang nagp-play. Their favorite. The three are vibing with Bye Bye Bye. Humikab ako at sumandal kay Stell. Palagi akong napupuyat kakahintay sa libreng oras ni Josh. Okay lang 'yon sa'kin. His voice always soothes me to sleep.

Kaunti na lang ay kakainin na ako ng dilim nang tumigil si Stell sa pagkanta.

"Saan tayo pupunta, Pau?" Tanong niya.

Kinusot ko ang mata at sumilip sa bintana. Hindi ito ang daan pabalik sa condo. Dumiretsyo ako ng upo at halos mabingi na sa lakas ng tibok ng puso. Halos hindi na ako huminga habang hinihintay ang sagot ni Pablo. I just need his confirmation.

Lumunok ako at tumingin sa rearview mirror, nagdadasal na sana tama ang hinala ko. Pablo lifted his gaze and met mine.

"Tagaytay." Maikling sagot ni Pablo.

That's enough to make the whole damn zoo on my stomach gone wild.

"For the tuwa si Bujingjing," Stell teased me.

Hindi na ako nakaimik sa pinaghalong kaba at excitement.  I heard Ken slightly chuckling. Napatingin ulit ako sa rearview mirror. Nagtama ang mata namin ni Pablo. Nanuyo ang lalamunan ko. Ni hindi ko makabuo ng pangungusap sa utak ko.

It was a long ride. An hour and couple of minutes. Pinili kong manahimik kahit pa nagwawala na ang sistema ko. Hindi ako nakaramdam ng kahit na kaunting antok. Gising na gising ang diwa ko. Stell kept on teasing me. Tumatawa lang ang dalawa sa harapan.

Napanguso ako habang nakatingin kay Pablo. Ilang ulit na nagtama ang mata namin sa rearview mirror. Lumundag ang puso ko nang ngumiti siya. Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Ang gaan sa pakiramdam. Pakiramdam ko kahit paano ay malaya ko nang minamahal si Josh. Kahit sa kanila lang. They are the one who matter the most anyway.

Hindi na magkamayaw ang mga nilalang sa tiyan ko nang makarating sa Tagaytay Highlands. Parang lumulutang ang katawang lupa ko habang binabaybay ang daan papasok sa mismong vicinity. The breathtaking greenery view didn't distract my damn system from thinking of Josh. Ngayon pa lang ay iniisip ko na ang reaksiyon niya kapag nakita ako.

Pureboy IssuesWhere stories live. Discover now