Chapter 32

550 25 12
                                    

Chapter 32

Warning Spg












May mga pag-ibig na ipinaglalaban at may mga pag-ibig na mas mabuting hayaan na paglipasan na lang ng panahon. Josh, his dreams and our love are worth fighting and compromising for. Ito yung pag-ibig na gusto ko ipaglaban. Sigurado ako sa kaniya. Gusto ko itong ilaban.

"Sasabay ka sa'min, Jah?" Si Stell na nag-aayos na ng gamit.

Apat lang kami sa studio ngayon para magrehearse. It's Josh's workshop today. Sinundo niya ako kanina kaya wala akong dalang sasakyan. Plano kong sumabay kila Stell kung hindi niya ako ni-text na susunduin niya ako ngayon para tulungan siyang mag-empake.

Ramdam ko ang pagsunod ng tingin ni Pablo sa'kin nang lumapit ako kay Stell. We're civil now but I still can't express everything I feel for Josh whenever Pablo is around. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot o dahil sa guilt. Siguro pareho.

Nagkunwari akong may kinakalikot sa tabi ni Stell.

"Susunduin daw ako ni Josh," ani ko sa mahinang boses.

"Anong oras siya matatapos sa workshop?" Singit ni Ken sa'min.

"Hindi rin ako sigurado," sagot ko. Hindi sinabi ni Josh. Ayaw kong i-text siya at baka maistorbo ko ang ginagawa niya ro'n.

"Let's wait for him," si Pablo at binalingan ulit ang cellphone.

Ngumuso ako. "Okay lang ako. You should go."

Umangat ang tingin niya sa'kin. Hindi ko alam kung iiwas ba 'ko.

"You can't be seen together alone." Aniya.

Pablo don't sugarcoat things. Sasabihin niya ang gusto niyang sabihin. Lalo na kapag alam niyang nasa tama siya.

Yeah. I thought concern siya at ayaw niya akong maghintay kay Josh mag-isa. Well, concern nga siya na baka may makakita sa'min ni Josh nang magkasama. Mas maraming apektado kapag nangyari nga 'yon.

Hindi naman inabot ng isang oras ang paghihintay kay Josh. His face lit up when he saw us. Nasa akin ang mga mata niya nang lapitan siya ni Pablo. Medyo mabagal ang lakad ko para hindi marinig ang usapan nila. Base sa tingin ni Josh sa'kin ay alam kong ako ang topic nila.

"Tara na, Pau," 'yaya ni Stell sa kaniya.

Tumango-tango si Josh kay Pablo bago ito umalis sa harap niya. Tsaka pa lang ako lumapit. I didn't let him open the door for me. Ako na mismo ang nagbukas para sa sarili ko at umupo sa passenger seat.

Kaagad na tumama ang nag-aalalang mata ni Josh sa'kin nang makaikot siya sa driver seat.

Ngumisi ako sa kaniya. "How was your workshop?"

Hindi ako mapapakahipokrito. Inaamin kong sumagi sa isip ko na baka nagkamali akong pinilit ko siyang tanggapin ang offer. He's been very busy on his workshops and meetings, napapagod siya at wala nang oras sa'kin.

Ang makita siyang nakangiti habang nagkukwento tungkol sa trabaho niya ay nagdudulot ng kapanatagan at kakaibang takot para sa'kin. Masaya siya sa pangarap niyang 'yon. See? I knew better. Pero paano kung maisip niya na hindi niya ako kailangan? What if he realize that he's happy with his dream alone and I am just a distraction and a possible destruction to him?

Lahat naman tayo may kakayahan na mafall-out at magmove on. There is a chance the we will...someday. Pero kapag sumasagi 'yon sa isip ko, ngayon pa lang ay nasasaktan na ako. Kaya ko ba siyang pakawalan? Of course kaya ko. Mamatay nga lang ako sa sakit.

"Gaano katagal ang locked in taping?" Tanong ko kaagad nang makalabas sa kotse.

"Three months." Sagot niya.

Pureboy IssuesWhere stories live. Discover now