💦 Episode 31 💦

20.9K 477 13
                                    


Alam ko naman na dati palang ay may mala Shone na ugali si Shine, ‘yon bang pagkamataray pero mas demonyeta kasi si Shone kaysa sa kaniya.

Kaya niya ngang sirain ang relasyon ng kapatid niya kay Tauruz noon dahil sa inggit. Pero kapag ginawa niya rin sakin ‘yon, doon ko talaga ilalabas lahat ng galit na nararamdaman ko sa kaniya! She’s getting into my nervesz at kulang nalang ay isumpa ko siya dahil sa mga ginawa niya sakin!

“I’m sorry tita. I didn’t mean to be rude in front of food” animoy anghel na sabi niya.

Iba na kasi ang nasa isip ko kung bakit nandito siya ngayon, akala ko ba nakapag-usap na sila? Ano na naman ito? Naghahabol ulit?

“It’s okay, kumain nalang tayo” sabat ni madam Teressa. Nawalan na ako ng gana, may kaharap ba naman akong linta!

Gustuhin ko mang humingi ng tawad dahil uminit din agad ang ulo ko pero hindi ko magawang magsalita. Abot hanggang buto na kasi ang inis ko sa kaniya, na akala ko kay Shone ko lang mararamdaman!

“Anyway Shine total nandito karin naman, we have to talk after this” Tauruz said using his cold tone. Napatitig ako sa pagkain dahil nainis na naman ako bigla dahil sa sinabi niya.

Usap tungkol saan? Huwag niyang sabihin na iinsultuhin niya na naman ako sa mismong harap ko! Huwag na huwag siyang magkakamali dahil talagang lalayasan ko siya, at ipagsama ko silang dalawa!

“Oh, about what Ruz? Actually may sasabihin din kami ni tita sayo” ngumiti pa talaga siya ng ubod tamis.

“You have to cooperate on finding your demon sister!” Bigla nalang nag iba ang hitsura niya at napatango.

“Okay, I have no problem for that, I will cooperate then”

Uminom ako ng tubig at nakatitig lamang ako sa pagkain at sumubo.

“Talagang dapat kang makipag cooperate Shine. Sukdulan na ‘yang kapatid mo!” Sabat ni Trez sa kabilang upuan.

“Oh, well let’s talk about it later. Kahit kapatid ko siya hindi ko naman siya kakampihan kung may nagawa siyang kasalanan. But for now, wala pa akong alam at saka hindi kami magkasama” maarte niyang sabi.

Ang sarap niyang tirisin! After naming kumain ay dumeretso kami sa sala, nandon narin ang private investigator na inutusan ni Tauruz.

Umalis din siya agad nang may inabot itong envelope. Ngunit ang sabi ng investigator ay hindi nila ma detect kung nasaan na siya ngayon. Tanging ang mga evidence lang ang nakuha nila na siya nga ang nasa likod ng lahat ng nangyari mula kahapon at kanina.

At pati pala ang mga police officers ay accomplice niya sa mga kademonyohan niya! Kaya pala nakatakas ang tumangay kay Raz kahapon.

“Okay! Now I want you to fire all police officers on duty yesterday, it’s up to you to file a lawsuit to make those who were beaten up remember! Just call me for the updates.” Galit na sabi niya at saka ibinaba ang phone niya.

“God! Nasaan ba kayo at muntik ng mapahamak ang apo ko?”

“Mom will you please, walang gustong mangyari ‘yon. Let’s move on to that incident, all we have to do right now ay hanapin si Shone dahil baka hindi lang ‘yon ang gagawin niya sa pamilya natin. Ikaw shine, baka nandito ka para magmatyag?” Tanong ni Trez sa kaniya.

“Please don’t think badly of me Trez. Kaya nga ako nandito para tumulong okay? Now I get it, hindi kami okay ng kapatid ko, itinakas niya ang ilang million sa kompanya that’s why hinahanap rin siya nina Mom and Dad. And, hindi ko alam na may ginagawa pala siyang katraiduran pati sa inyo”

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya, they were blood related after all.

“I’m just saying Shine, magkapatid parin kayo”

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon