💦 Episode 32 💦

20.1K 456 8
                                    


Nakatitig lamang ako sa sarili ko sa isang salamin, kakatapos ko lang umiyak at sumama ng sobra ang loob ko sa hindi malamang dahilan.

Ayokong alamin ang desisyon ni Tauruz sa pag-uusap nila kanina. Base sa reaction niya mukhang nakukumbensi siya ng ina niya. Umalis kasi ako kanina at nagtungo ng banyo dahil naiihi ako.

But actually I just did that because I don’t want to hear anything about the agreement of their family! Nag jump into conclusions agad ang puso ko kapag naririnig ang mga pinag-uusapan nila.

Pero kung sakali mang papayag siya wala akong magagawa doon. Desisyon niya ‘yon, ngunit nasisigurado kong masasaktan ako ng sobra. At kapag nangyari ‘yon, hindi ko alam kung saan aabot ang sakit na ‘yon.

Feeling ko hindi kami para sa isat-isa, ang daming humahadlang at nasasaktan akong isipin na we’re not destined together. Dahil ako hindi ko na kayang magmahal pa ng iba o ibigay ang sarili ko sa ibang lalaki.

Siya ‘yong lalaking nanakit at umangkin sakin ngunit siya rin ang lalaking nagpahilom ng lahat ng sakit at siya lang din ang aangkin at aangkin sakin.

Napasinghap ako nang marinig ko ang sunod-sunod na katok mula sa pinto, mabilis akong naghilamos at pinatuyo ko ang mukha ko ng towel. Hindi parin tumitigil sa kakakatok ang tao na nasa labas.

Pagbukas ko ay nadatnan ko si Tauruz na nakatitig sakin, sinara ko ang pinto at nagkunwaring okay lang ang lahat kahit gusto ko nang sumabog sa sobrang inis.

“Wife, why you took so long?”

Saglit lang akong napatingin sa mga mata niya at umiling at saka pumunta ng kama.

“Si Raz?” Tumabi siya sakin at saka inayos ang buhok ko.

“Nakatulog na, don’t worry about him okay? He is a big boy now and still brave, nagmana talaga ‘yon sayo” ngumiti siya sakin ngunit hindi ko man lang magawang ngumiti pabalik.

Biglang napalis ang ngiti niya at napatitig sakin. Hinawakan niya ako sa kamay at ramdam ko ang init na dala ng palad niya.

“Wife, what’s wrong? Are you okay? Don’t you feel good? Kaya kaba natagalan sa banyo? Nasusuka ka ba?”

Parang gusto kong maiyak dahil sobrang nag-aalala siya sakin. I can see it through his eyes. Yumuko nalang ako at umiling ulit.

“Siya nga pala Ruz” napakunot noo siya nang tawagin ko siya sa kadalasang tinatawag sa kaniya.

“D-Doon na muna kami ni Raz kay Rose. Naayos niyo na ba ang agreement?”

“What? What are you talking about wife?” Nagmamaang-maangan pa siya! Naiinis na ako at gusto ko na talagang maiyak. Alam ko naman na pumayag siya dahil alam kong naaawa rin siya sa ina niya.

Natagalan nga ang pag uusap nila eh! Mas pinili ko na ngang huwag bumalik doon kanina dahil parang nanininikip lang ang dibdib ko sa usapan nila! At Oo! Nagseselos ako ng sobra kahit pa na agreement lang ‘yon.

Pangarap ko din ‘yon sa aming dalawa pero sa iba niya pala gagawin at hindi sakin.

“Bukas dadalhin ko si Raz doon na muna kami kay Rose. Tapusin mo muna ang agreement ng family niyo. Bumalik ka nalang sa'min kapag tapos na, p-pero kung a-ayaw mo bahala ka”

Nautal ako sa huling sinabi ko, nasaktan ako ng sobra sa lahat ng ‘yon. Kahit mahal ko soya wala parin akong karapatan sa kaniya. We’re not married and I’m just the mother of his child.

“Damn it” narinig ko ang pagmura niya at hindi ko na alam ang reaction ng mukha niya dahil nakayuko lang ako,.

Hindi ko napigilan ang isang butil ng luha na umalpas sa kanang mata ko kahit pa na pilit ko iyon pinigilan.

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon