Chapter 64

789 45 5
                                    

A/N: Hi, kay ate Corrensamantha po! God blees po saiyo♥

Arabella's Pov

Nagising ako dahil sa ingay sa labas. Wala na ang mga kaklase ko at nasa school na sila lahat. habang nag-iisip ako kung paano makatakas dito may nagbukaa ng pinto kaya pumikit akk upang hindi mahalata na gising na ako.

“Ma, magiging okay naman siya sabi ng Doctor.” Rinig kong sabi ni Tita emma.

Magiging okay naman ako hindi ko alam kung ano meron ngayon 'di ba? Bakit namanhid ako.

“Ano ang sinabi ng doctor?” Rinig kong sabi ni Lola a...wait? Andito siya?! Omg! Napangiti naman ako ng lihim dahil andito si lola.

Sa wakas!

“May hika siya at may PTSD siya hindi lang 'yon, ma.” Napakunot noo ko dahil bakas sa bosses ni tita na parang iiyak na.

“Ano 'yon?” Tanong ni Lola at bakas ang kaba nito base sa bosses.

“M-ma...” hindi malaman ni tita kung masasabi niya ba o hindi.

Ano ba 'yon tita? Pati ako kinakabahan.

“Kailangan natin siya mapagamot, ma .... T-tapos, ma... sabi ng d-doctor m-may ... Dissiociative amnesia siya.” Naiiyak na sabi ni Tita.

Huh? What's that? Disease? Pati bakit ang dami ko atang sakit? Ano 'to? Sinalo ko lahat?

“Jusko. Pag-usapan natin 'to mamaya at kapag nag graduate na si Aemie iuuwi na natin siya sa bansa natin dahil aayosin ko na ang passport niya at visa.” Saad ni Lola na ikinataka ko.

May bansa si lola? Bakit hindi ko alam?

“But she's still minor if isasama natin siya bansa natin, ma baka magalit sila tita Aisen.” Malumanay na saad ni Tita Emma.

Sino 'yon?

“Ako bahala sa Rowsan Family at ikaw ang bahala kay Aemie dahil ang kaniyang Ina ay hindi siya sinusubaybayan. Nga pala aalis na muna ako bukas ulit at babalik ako sa August.” Saad ni Lola kaya nalungkot ako dahil aalis na muli siya.

[ A/N: Padami nang padami 'yong character name jusko(╥﹏╥) ]

Nakaramdam ako nang may lumapit sa akin at hinaplos ang aking buhok.

“Ang ganda mo apo, napaka cute mo. Mana ka talaga sa iyong Ina. Ngunit, mas matigas ang ulo mo kaysa sakaniya.” rinig kong sabi ni lola.

Matigas pala ulo ko?

“Unti-unti kitang tinanggap noon bata kapa dahil galit ako saiyo, dahil . . . akala ko parehas talaga kayo ng nanay mo. Pero, alam mo ba? Kung ikumpara ko kayo ng nanay mo kung sino ang mas matimbang pagdating sa pagiging makulit, matigas ulo, at basagulera? Siya.” Pagkwento niya.

“Kaya hanggang ngayon galit ako sakaniya lalo na sa pagtrato niya sa'yo. Bakit hindi ka niya tanggapin? Parehas lang naman ang dadaanan niyo ngunit magkaiba ang dahilan? geunyeoneun god dangsin-eul dolbol geos-ibnida. That I know. ” Pagkwento niya pa habang hinahaplos ang buhok ko pero teka! Ano raw ang huli niyang sinabi bago mag That I know? Lola? Alien kana rin po ba?

“Ma, pupunta ang mga kaklase niya dito. Baka sila muna ang bantay sakaniya hindi pa siya maaari kasi umalis dito.” Rinig kong sabi ni Tita Emma.

la! Huwag niyo ako iwan dito! Ayoko rito!

“Ayaw niya pa rin ba dito sa Hospital?” Tanong ni Lola.

“Yeah.” Sagot ni Tita Emma.

Nakaramdam ako na malamig sa noo ko at malambot 'yon, siguro ay hinalikan niya ako sa noo.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon