💦 Episode 35 💦

20.8K 426 13
                                    


Napahikbi ako at hindi ko kinaya ang sinabi niya sakin, nasaktan ako dahil feeling ko pumapatol ako sa kahit sinong lalake.

Kung ganyan ang gawain niya, puwes huwag niya akong idamay!

“T-Tinanggap ko lang n-naman ‘yon dahil mapilit siya. U-Umalis siya kaagad kaya wala akong magawa, kaya hindi ko sinabi sa'yo d-dahil ayokong magalit ka. Atsaka hindi k-ko naman akalain na hindi pala ikaw ang naglagay ng bulaklak sa t-table ko” garalgal kong sabi at halos hindi ako makahinga.

“P-Pinag-isipan mo agad ako ng masama. Masama na a-agad ako sa paningin mo” humihikbi kong sabi at sobrang sumama ang loob ko dahil sa mga sinabi niya sakin.

“Huwag m-mo naman akong pag-isipan ng masama dahil hinding-hindi ko magawang manglalaki Tauruz! Hindi k-ko ‘yon magagawa! Ang sama mo! H-Hindi mo man lang hiningi ang paliwanag ko!” Umiiyak ko paring sabi.

Samantalang siya nga itong maraming nagawang kasalanan sa'kin! Mula pa noon, wala nga siyang ibang ginawa kundi saktan ako!

Napuno ng katahimikan ang buong silid at nang kumalma na ang pakiramdam ko ay agad akong tumayo, wala akong planong magbabad na kasama siya! Naglakad ako papunta ng banyo ngunit hindi ko pa nabuksan ang pinto ay agad niya akong hinila.

“Bitawan mo ako! Huwag mo akong hawakan!” Angil ko sa kaniya.

“Shut up!” Inis niya ring angil sakin, tinulak ko siya nang napasandal na ako sa wall.

Maya-maya ay inilapit niya ang mukha niya sakin hanggang sa bumangga na ang tungki ng ilong niya sa pisngi ko.

“Ano ba!” Inis kong tulak sa kaniya pero hindi ko nagawa dahil sa lakas niya.

“I’m sorry” ‘yon lang ang narinig ko mula sa kaniya kaya gusto ko tuloy maiyak na naman pero naiinis na ako dahil pinag-isipan niya agad ako ng masama.

Alam kong may kasalanan din ako dahil nagsinungaling ako sa kaniya, pero talaga bang aabot kami sa ganito? Na magwawala siya na tila naghanap na ako ng iba!

Kasalanan ko ba kung nagustuhan ko ang lasa ng chocolate na ‘yon? Atsaka, malay ko ba kung kanino ba talaga galing ang bulaklak na ‘yon!

“Wife I’m sorry. I’m just eaten by jealousy. Naiinis kasi ako dahil dinidiskartehan ka ng gagong ‘yon, gayung alam niyang committed kana sa'kin, sorry na”

Inis ko siyang tiningnan at siya naman ay nakatitig lamang sa mga mata ko, na tila isang asong nabahag ang buntot at nagmamakaawa ang mukha niya sa'kin.

“Alam kong may kasalanan ako Tauruz dahil nagsinungaling ako sa'yo, pero hindi ko naman sinasadya dahil ayoko lang na mag-away pa tayo dahil doon!”

“Yes I Know, sige na wife huwag ka ng magalit sorry na, sobrang nainis lang ako eh. Kinain mo ‘yon gayung hindi mo man lang nakita ang inilagay kong kisses sa bag mo. I always saw you eating that chocolate that’s why nilagyan kita sa bag mo” napatitig ako sa kaniya nang sabihin niya ‘yon.

“Saan mo inilagay?”

“In your bag, in the second room of your bag” mabilis akong naglakad at kinuha ang bag ko. Napalunok ako nang makita ko ang tatlong kisses na nasa looban ng bag ko, hindi ko man lang naisip ‘yon kanina.

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Where stories live. Discover now