Chapter 2

14.1K 340 26
                                    


Weird.


PAG-silip ko palang sa bintana sa harapang bahagi ng bahay ay si Aze na topless at nagdidilig ng mga halaman ang bumungad sa'kin.

Sa ilang-araw niya na pag-tira rito ay siya na ring sunod-sunod na biyaya sa mga mata ko tuwing umaga. Datnan mo ba naman na walang saplot pang-itaas ang kapit-bahay mo.

Pangisi-ngisi ako at humigop ng kape na nasa tasang hawak hawak ko habang tinatanaw siya. Ang init niya sa umaga. 'Yong katawan niyang hindi mabuhok pero masculado, tipong tititigan palang dama mo na ang tigas, idagdag pa ang mahaba-habang buhok niya na naka-tali at ang kumikinang niyang piercing sa dibdib. Astig niya naman.

Ganda naman talaga ng view ko sa umaga. Isang macho na Aze lang naman.

"Aray ang init tangina." Inis na reklamo ko nang ma-paso ang labi ko. Saka yumuko sa tasa habang hini-himas himas ko ang pang-ibabang labi ko. Gago, ang init pala.

Nang muli kong ibalik ang tingin kay Aze ay nakatingin na siya sa'kin habang nakangisi.

Nang makita niya 'kong naka-tingin sa kanya ay lalo pa itong ngumisi. Kitang-kita ang dimple sa kaliwa niyang pisngi at ang mapu-puting ngipin niya. May sinabi siya ngunit hindi 'yon kalakasan.

He just mouthed. "Good morning, missy."

Tinalikuran ko siya at isinara ang binatana't kurtina. Ang gwapo naman sa umaga, pero h'wag. Male-late na 'ko.





PATAKBO akong lumabas ng bahay. Nakita ko pa si Aze na naka-upo sa tricycle niya. Para bang may hini-hintay

"Missy!" Sigaw niya. Narinig pa ang pag-start ng kanyang motor.

Hindi ako sigurado kung ako ba 'yon o hindi, kaya naman nagpa-tuloy ako sa pagha-half jog ko.

Maya-maya ay naramdaman ko ang tricycle niya sa gilid ko. "Hey, sakay ka na." Anang driver.

"H'wag na. Nagtitipid ako." Sabi ko. Baka maging utang na loob ko pa.

"Stop being rude and just accept my offer libre lang." Malamig na litanya niya. Napatingin ako sa sigarilyo na naka-ipit sa gitna ng dalawa niyang daliri.

Nakita niya ata ang tingin ko roon kaya agad niya itong itinapon sa kalsada. Sayang naman, buo pa 'yon e. "Sakay na. Male-late ka na." Marahan niyang sabi habang bumu-buntot pa'rin sa gilid ko.

Tinaasan ko siya ng kilay. At paano naman niya nalaman ang schedule ko? Mukhang nabasa naman niya ang nasa isip ko.

"Sa hitsura mo pa lang kanina. Mukhang late kana." Depensa niya. Defensive naman mister.

"Sakay ka na, ma'am. Gusto mo bang hindi maka-habol sa first subject niyo? Edi sige. I'll go ahead." Seryosong aniya saka medyo binilisan ang takbo ng kanyang motor na ikina-bahala ko.

"U-uy teka. Sasakay na, hindi ka naman mabiro." Nahihiya kong sabi.





NAIHATID na nga niya ako sa school ko, ngunit hindi pa'rin siya umaalis na gate.

"Alis na, wala akong bayad. Kasi sinabi mo, saka sabi ko nagti-tipid ako." I honestly said. Pinagtitinginan na rin siya ng iilang estudyante. Gwapo 'no? Kaso driver ko lang 'yan. Ako lang 'to.

"Pasok ka na muna, before i go." Marahang aniya. Tumango nalang ako at tinalikuran siya.

Lakad takbo ang ginawa ko para umabot sa first subject ko. Ngunit binalot ako ng takot nang naabutan kong nagka-klase na sila.

Omg! Papasok pa ba 'ko? Akmang tatalikod nalang ako nang bigla akong tawagin ng punyemas na kaklase ko.

"Uy Ayri! Bakit nandya'n ka pa?" Tanong niya na para bang walang teacher na nagkaklase sa harapan.

Daddys Series #1: Hacious Rousseau RuizWhere stories live. Discover now