Chapter 15

8.8K 271 17
                                    


Preggy.




NAGISING na lang ako ng naramdaman ko na para bang hinahalukay ang tiyan ko.

Mabilis akong nanakbo patungo sa banyo upang sumuka. Ngunit sakit lang sa ulo ang maramdaman ko dahil puro laway lang ang inilalabas ko. Mangiyak-ngiyak pa ako sa kaka-duwal.

"What happened?" Agad na tanong ng lalake sa aking likuran at yumakap sa likod ko upang umagapay sa aking pag-tayo.

Mukhang nagising ko siya lalo pa't kitang kita pa'rin sa mapungay niyang mga mata ang antok at gulo-gulo pa'rin ang buhok niya.

"Hindi ko alam. Bigla na lang akong nasuka." Sabi ko at inikutan siya ng mata habang padabog na umalis sa banyo. Parang ayoko na ulit sa kanya.

"Baka sa kinain ko?" Bale-walang sagot ko at tumungo sa kama upang humilata ulit habang siya ay bumubuntot-buntot lang sa likuran ko.

"You look pale, you sure you're okay?" Tanong niya habang nakatitig sa'kin.

Napatitig ako sa kanyang tiyan na mabukol, at titignan palang ay masarap na, nang lumalik pa ng konti ang tinitignan ko ay  medyo nakakababa rin ang salawal niya kaya kitang kitang ang hugis 'v' roon. Ibaba kaya na'tin? Aga ko namang matakam.

"Oo nga." Iritang sagot ko.

"May pupuntahan tayo mamaya." Aniya.

"Sige." Tamad na sagot ko niyakap ang unan niya. Amoy na amoy ko ang mabangong shower gel niya. Kaya naman agad din akong naka-tulog.





"HEY baby, wake up." Marahang boses at pisil sa pisnge ko ang gumising sa'kin.

Nang subukan kong buksan ang mga talukap ko ay nakita ko ang gwapong nakangiting si Aze sa taas ko.

"Want to get ready together? I mean, shower together. Makakatipid tayo sa tubig. And also, we will be able to help the mother earth. " Nakangising pange-engganyo niya.

"Gusto mo talaga?" Pilyang tanong ko.

"Of course." Masayang aniya. Sa hitsura niya ngayon parang biglang ngumiti ang langit sa kanya.

"Oh? Gusto ko na? Hindi. Sige, excuse me, maliligo na 'ko." Marahan ko siyang itinulak mula sa itaas ko ngunit hindi man lang siya natinag, bagkos ay yumakap pa sa aking baywang.

"Ano? Pipilitin mo 'ko?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"No, of course i won't do that. Gusto lang kitang mayakap. Ang bango mo." Nakangiti niyang sabi at hinalikan ang leeg ko.

"Are you seducing, huh??" Irita kong tanong. Hipokrita talaga ako.

"I'm not. You're the one who's seducing me. You are victim blaming me." Naka-labing aniya habang inaayos ang buhok ko na medyo tumatabon sa mukha ko.

"Ganda ko 'no?" Nakangising kong sabi.

Parang bata naman siyang tumango at mabilis na hinalikan ako sa labi. "Hindi sapat ang salitang ganda para sayo, mahal ko."

"Iw kadiri."

"Tsk, let's get up na. You go shower first. I'll just ready our late-lunch. So you can start eating after you shower." Aniya at marahan akong hinila paupo.

"Natututo ka ng mag-luto ha." Asar ko.

Lumabi siya at yumuko upang halikan na naman ako sa labi. "Syempre, i'm getting ready in case maging tatay na 'ko."

Good na good ang mood ko kanina lang ah. Nawala na naman ngayon. Bumalik na naman sa pag-iisip kung naka-buntis nga ba talaga siya, pinagsabay niya ba kami? Bakit?

"Sige, ligo na 'ko." Walang gana kong sabi at mabilis siyang tinalikuran upang tumungo sa banyo.



‎‎

PABAGSAK akong naupo sa passenger seat ng jeep wrangler, na sasakyan daw namin papunta sa kung saan.

Daddys Series #1: Hacious Rousseau RuizWhere stories live. Discover now