Chapter 9

10.1K 271 31
                                    


Mafia boss.





TAHIMIK lang akong nakahiga rito sa sofa sa sala ng bahay ko, nakatulala at nagiisip ng kung ano-ano. Nang biglang may matinis na sigaw na sumakop sa buong bahay, na nanggagaling sa pintuan.

"Bakla!!" Inis kong tinignan kung kaninong boses man nanggaling 'yon. Walang iba kung hindi si Ciel na naka uniform pa at may bitbit na palamig, sa kanyang likod nama'y sila Jordan at Fei. Yi ship! Black ship.

"Ingay mo naman, tarantada ka ba? Tanghaling tapat nambubulabog 'yang bunganga mo." Inis na bulyaw ko.

"Grabe ha, may trabaho pa ho kasi kayo kamahalan. Binilhan kana rin ng ulam ni Jordan the best of guy friend beybe-

"'Yang bibig mo talaga hindi ma-control ano Fei?" Si Jordan na magulo ang buhok at polo, at naka-sukbit ang wala laman na bag niya sa kanang balikat. May sugat pa nga sa gilid ng labi. May katarantaduhan na namang ginawa 'to, panigurado.

"Saan na naman galing 'to, ha?" Eskandalosang tanong ko.

"Nag-tinda ako ng marijuana ro'n sa main road. Ganda nga ng paunang sweldo e. ano, g ba kayo?" Sarkasmong sagot niya.

"Manigarilyo nga hindi mo kaya. Tanga ka ba?" Sagot ko.

"Dami mong satsat, Ayri. Kain na malelate ka pa." 'Tong si Fei, kasabwat na naman itong gago na 'to.

Nanliit ang mata ko at itinuro silang dalawa ni Fei. "Nakipag pustahan kana naman ba?!" Pagalit na tanong ko. Hindi ko lang alam kung anong tawag do'n. Basta nakikipag suntukan ang gago, tapos pupusta siya. Noon ginagawa niyang daily routine 'yon. Araw, araw para raw sa tuition fee niya, at sa pang-araw araw.

Naging malikot ang mata ni Jordan at halos hindi ako matignan. "Gusto mo ba na ako na mismo ang sumira sa mukha mo, Jordiño Francisco the third?" Inis na ani ko.

"Ano ba naman 'yang pangalang 'yan, Ay! I-itinigil ko na nga ho diba? Billiards na lang ngayon tapos sideline sa pagiging kargador sa palengke. Kaso ano... n-nagka ano lang... basta promise hindi na mauulit!" Kabadong ani Jordan at itinaas pa ang kanang kamay.

"Tara na nga! Drama niyo! Mukhang masarap 'tong sizzling galing sa giling ni Jordan." Si Ciel na nasa hapag kainan na. Ni hindi man lang namin namalayan. Napa-iling na lamang ako at inaya silang dalawa sa kusina.

Agad namang nilantakan ni Ciel ang pagkain. Napaka-takaw talaga ng isang 'to. Hindi nga lang tuma-taba.





"HAY! Kakabusog. Sarap talaga ng sizzling." Ani Ciel na prenteng nakaupo sa sofa.

"Sisig lang naman 'yon may pa-sizzling ka pang nalalamang patay gutom ka." Ungot ni Fei na nakahilata sa carpet sa sahig.

"Umayos ka nga ng higa Fei. Kababae mong tao... Mabuti sana kung tulad noon walang ibang pumapasok rito, e ngayon labas masok na 'yong si Aze rito. Baka mamaya maabutan kang nakabukaka na ganyan. " Bulyaw ni Jordan na hubad baro na nasa harapan ng electric fan.

Namumula namang mabilis na nag-indian seat si Fei. Cute couple.

"Speaking of Aze!" Tili ni Ciel.

"Hindi ka ba nari-rindi sa boses mo?" Tanong ni Jordan.

"Asim na ng amoy ng electric fan niyan. Lumayo ka nga!" Bulyaw ni Fei. Parang asong ulol na agad na lumayo si Jordan sa electric fan at tumabi sa akin ng upo.

Daddys Series #1: Hacious Rousseau RuizWhere stories live. Discover now