Chapter 28

7.1K 291 84
                                    

Family day.

"DO you know the guy earlier?" Tanong ni Nemesis nang nasa loob na kami ng kotse.

"Ha? Alin do’n?" Kunwari'y nagugulohan kong tanong.

Matunog lamang siyang ngumisi at medyo nilakasan ang radio ng sasakyan upang hindi marinig ni Liam ang mga sasabihin nito.

"Oh Ayri, he clearly looks like Archi. So...?" Malokong aniya.

"P-pinagsasabi mo, Nami?" Ani ko at nag-pilit ng tawa. Nami ang palayaw niya dahil ewan.

"Sige deny pa, Ay." Walang buhay na aniya.

"Edi sige, oo na, siya nga. Ano naman ang magagawa mo? Wala." Sabi ko.

"Gagamitin ko 'yon para makipag-date sa kaibigan mo." Ngising aniya.

"Wow?!"

"Nandito na tayo." Aniya at may tagumpay na ngiti sa mga labi.


"WIWS, hindi kayo late ha." Sarkasmong bungad ni Hugo sa 'min. Medyo late na kasi kami e, dami kasing sinabi ni Nay Minerva.

Mabuti na lang talaga at nakagawa ng paraan si Nemesis kanina.

"Excuse me."

"Archi? Buhatin na lang kita palabas. Let's go outside na, mah boy." Ani Nemesis at dali-daling binuhat. Kaya pag-daan ni Haru ay ang likuran na lamang ni Liam ang kita niya.

Ang mahaba rin niyang buhok...

"Sorry po Papa Hugo. Nag-story time ako sa boss ni Nanay e." Confident na ani Liam at nag-mano kay Chey at Hugo. Si Nemesis naman ay agad na lumapit kay Chey at kinalabit ito.

"Oh, kumusta naman?" Malambing na tanong ni Hugo at binuhat si Liam.

Habang nag-uusap sila Hugo at Liam at pumasok muna ako sa kwarto namin upang mag-bihis. Isinuot ko ang pink na dress, na ibinigay ni Hugo.

"Aling sasakyan ang sasakyan natin?" Tanong ko.

"Convoy na lang tayo. Chey dito ka sa 'kin. Si Nemesis at si Ayri na lang sa sasakyan ni Nemesis." Ani Hugo. Wow? Ang taksil. Anong meron?

"Pero sa 'kin dapat sasakay si Chey. May mahalaga kaming pag-uusapan." Seryosong ani Nami.

"Hindi, sa akin siya sasakay."

Huh...?

"Marunong ako mag-drive. Sa sasakyan mo Nemesis na lang kayong dalawa. At kaming tatlo nila Ayri at Liam sa sasakyan na lang ni Hugo." Inis na ani Chey at hinablot ang susi mula sa kamay ni Hugo.

"Nice, tara Tita. Sa akin ang huling halakhak HA-HA-HA." Nang-aasar na ani Liam. Wala namang nagawa ang dalawa kun'di busangot na sumakay sa sasakyan ni Nemesis.

"Hoy Inday, anong meron?" Tanong ko kay Chey nang makapasok na kami sa loob ng sasakyan ni Hugo.

"Hindi po ba obvious, Nay? Crush nila Papa Hugo si Tita Chey." Naka-ngiting sabi ni Liam.

Daddys Series #1: Hacious Rousseau RuizWhere stories live. Discover now