Chapter 7

9.9K 275 53
                                    


Selos.

"UY Ayri, nililigawan ka na ba ni Aze?" Kyuryosong tanong ni Riza, dakilang chismasang haliparot sa tindahan ni Aling Lea.

Ay bet mo? Ayon sa'yo na... Kung magustohan ka. Halos sa bahay na nga siya tumira.

"Hindi ba obvious?" Masungit na sabi ko. Tinaasan pa niya 'ko ng kilay dahil sa sinabi ko ngunit hindi ko na lang ‘yon pinansin. Itinuon ko na lamang ang akin pansin kay Gelo na nagtitinda. "Pabilhan ako ng coke pampamilya." Napapatingin pa kay Riza at pangisi ngisi. Ano na naman ba 'to?

"Coke kasalo?" Tanong ni Gelo.

"Gago, pampamilya nga e 'diba?" Iritang sabi ko.

"Sayang si Aze kung gano'n." Tugon ni Riza na nakakuha sa atensyon ko.

Pinag-krus ko ang dalawa kong kamay at hinarap siya. "Mas sayang kung sa'yo siya manligaw, tanga." Sabi ko.

"Naka-inoman ko na rin 'yong si Aze eh. Ang galing niya." Nakangising ani Riza.

"Ah oo, naka-inoman namin siya rito nung isang araw. Nag-away ata kayo no'n, init ng ulo eh. Pinag-buntunan pa nga 'yang si Riza eh. Ang landi kasi." Ani Gelo na nakikinig lang. Gago 'yong coke na binibili ko?

Naubo naman si Riza at gulat na gulat ang mukha. Ako naman ay natawa. Uy Deserb!

"Noong isang araw? Ah oo nag-away nga kami. Nag-selos kasi. Ewan ko nga 'ron nanliligaw pa lang ay napaka-seloso na. Siguro dahil sa sobrang ganda ko." Sabi ko, pinagdiinan pa ang bawat salita.

"Ah oo, mahahampas na dapat ng bote ng red horse 'yang si Riza eh. Kung hindi lang inawat, hay nako. Ako nga ayoko nang awatin e, pero sina Roy kasi. Dahil do'n nabitin tuloy kami, nilayasan niy a kami baka raw mapatay niya 'yang haliparot na 'yan, magalit ka pa sa kanya. Paano ba naman ay kung makalingkis parang siya ang jowa. Dini-dikit-dikit niya pa ang suso niya sa braso ni Azi." Napa-halakhak naman ako sa sinabi ni Gelo at tinitigan ang pagwo-walk out ni Riza.

Wala sa sarili akong natawa nang maalala ko muli 'yong pagaaway naming iyon.



"HEY, kumain kana?" Wala sa loob akong tumango sa tanong ni Aze. Nakatutok kasi ako sa cellphone. Kakauwi palang namin galing sa kanya-kanyang trabaho.

"Hey! What's with your phone? Kanina pa nakatuon dya'n ang buong atensyon mo. I'm jelous." Nagta-tampo na aniya at isiniksik ang sarili niya sa tabi ko upang makiusyoso. Agad naman akong lumayo at itinaob sa hita ko. Naglalaro ako ng temple run, gagi!

"Ano ba—" Pareho naman kaming natigilan nang tumunog ang cellphone ko. Nag-unahan kaming pumulot no’n. Nasa hita ko man, naunahan niya pa'rin ako. Sa bilis at lakas niya ba naman.

"Hurraine Go- Fucking Hugo." Pinangigilan niya ang cellphone ko nang ma-realize niya kung sino ang dahilan ng pag-tunog ng cellphone ko.

"Why did you accepted his friend request? And now he is trying to reach you out." Nang-aakusa na aniya at madilim akong tinitigan. Pinanliitan ko naman siya ng mata at pilit na inabot ang cellphone ko na pilit niyang itinataas.

"Oh fvck." Parang nahihirapang atungal niya. Doon nalang ako natigilan at napansin ang posisyon namin! Napaka awkward! Kasi naka patong ako sa mga binti niyang naka-parte.

Nagulat na lang ako nang yakapin niya 'ko at suminghot-singhot pa sa aking leeg. Kulang na lang ay kagatin niya ito. Habang ginagawa niya 'yon ay natulala lang ako dahil nararamdaman ko ang unti unting paglaki ng kung ano sa gitna niya.

"This won't work." Inis na aniya at marahan akong ibinaba kung saan ang pwesto ko kanina. Mabilis niya akong tinalikuran at umalis sa bahay ko. Problema no'n?





"TANGINA ka Gelo, 'yong coke pampamilya ko sa'n na?" Sabi ko, pinanlakihan pa ng mata si Gelo na naka-sandal lang sa hamba ng tindahan nila. Nakiki-usyoso kanina! Anak nga 'to ni Aling Lea.

"Ay oo nga pala, teka. Chill." Aniya at nagmamadaling tumungo kung saan ang refrigerator nila para kumuha ng coke pampamilya

"Mag-coke ka muna." Pa-kanta na aniya at ini-abot sa'kin.

Pagka-kuha ko sa soft drinks ay tinakbo ko na ang daan tungo sa bahay namin. Pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko. Ako nama'y parang celebrity na walang pakeelam. Saktong pag-tanggap ko kasi sa coke ay umulan nang malakas.

"Aze!" Malakas na sigaw ko pag-pasok ko sa bahay ko.

Lumitaw agad galing sa kusina si Aze na nagmamadaling tumakbo sa tabi ko para kunin sa'kin ang soft drinks na hawak ko. Mabilis niya ring hinubad ang puting cotton tee shirt na suot niya at ipinang-punas sa'kin. Doon ko napansin ang mga paso at sugat niya sa kamay.

"Anong ginawa mo?" Nanliliit na matang tiningala ko siya.

Lumikot naman ang kamay niya, ipinatong sa ulo ko ang tee shirt niya at sinubukang itago ang mga kamay niya. Ang bango talaga niya—Ano ba Ayri! "N-nothing ano.. n-nadapa ako. Y-yeah, nadapa po. I'm hungry, kain na tayo?" Sabi niya. Napatango na lamang ako. Hindi man kapani-paniwala ay naki-sakay na lang ako.

Pag-pasok ko sa kusina ay nakita ko ang iilang kalat sa lababo at ang sunog na itlog na may sibuyas na gilid ng stove. Lumapit ako ro'n at tinitigan ang kawawang itlog.

"Anong nangyari sa kawawang itlog na 'to?" Tanong ko kay Aze na namumula at pahiyang-pahiya ang hitsura.

"I-i tried t-to cook that. S-sabi kasi ng mga kaibigan mo ay m-mahilig ka raw sa talong na may itlog. Jordan even thought me how to cook it. I'm so jelous to him because he knows how to cook your favorite food. Pero ako? I suck." Problemado aniya at kinamot-kamot ang batok niya. "I-itatapon ko na d-dapat 'yan, k-kasi ayoko naman ipakita. Baka subukan mong kainin. Hindi siya masarap." Napangiwi naman siya sa kanyang sinabi. Ang cute.

"Bakit mo itatapon? Baliw pinag-hirapan mo 'to. Kaya kaya ka siguro mga paso at sugat r'yan sa kamay mo 'no?" Gulat naman siya sa tinuran ko at mabilis na umiling.

"N-no! Nadapa po ako kanina, ma'am." Pangungumbinsi niya.

"Oo na, kapani-paniwala na rason mo." Sabi ko at inirapan siya. "Tikman ko nalang ang iniluto mo ha? Sayang naman."

"Ayri.. Don't. Sasakit ang tiyan mo. M-magpapractice na lang ako. S-sa susunod masarap na. Itapon na muna 'yan sa ngayon." He gently said at tumungo kung saan 'yong kawawang itlog. Para siya na mismo ang nag-tapon.

-

Heto muna medyo busy ako sa school ksks. Tysm for reading. Mahal kitaaa! Mahalaga ka.

Daddys Series #1: Hacious Rousseau RuizWhere stories live. Discover now