Chapter 25

7.6K 270 68
                                    

Baranggay

"SORRY i was late. Hindi tuloy kita nasamahan sa paglilipat." Ani Hugo habang iniinom ang kape na itinimpla niya ako nama'y naka-upo lang sa tabi niya, nakikinig sa mga katangahan niya sa buhay. Hindi ako nag nagtimpla ng kape kasi baka mabigyan ko lang ng lason, mainit talaga ang dugo ko sa isang 'to, ewan ko kung bakit.

"Magso-sorry ka pa no'n? Gago magkano sweldo nung mga taong ipinasama mo sa'min?" Taas kilay na ani ko.

Ngumiti lang siya habang naka-ngiti at ginulo ang buhok ko. "By the way, when do you aim on enrolling Maze in a school?" Aniya.

"Bukas? Masasamahan mo ba 'ko? Busy ka ba?" Tanong ko.

"I won't be busy if you will enroll him in a private school."

"Tangina h'wag nalang. Sa tingin mo ba afford ko ang mga bayarin do'n? Halos mangamote na nga ako kakahanap sa isang libo, tapos ie-enroll sa private school? Tatlong libo ata ang makakapal na libro ro'n." Reklamo ko.

"Pwede kita ihanap ng trabaho na malaki ang sweldo—

"Talaga?! Saan?"

"Basta, you will know. Kakausapin ko na ba? He's a friend of mine. Close friend of mine, Ayri." Ngising demonyo na aniya.

"Sira ulo! Tangina kung sa mga hilaw mong united nation na mga tropa, h'wag nalang." Yamot na sabi ko.

Pa'nong hindi ko masasabi na united nation e half blooded ang mga gago. Oo alam ko ang lahi nila, iba iba. Kaya ang hihilig e may ipagmamalaki naman. Ang ex kong magaling ay spanish nga 'raw' mayro'n pang mexican, german, british, japanese, chinese, french at syempre ang lahi na'tin, filipino. Dyahe nila ano?

"Basta. Sayang naman 'yon. ten thousand per hour. Chill-chill ka lang." Aniya.

"Ano 'yan? Chill chill na magtitinda ng mga illegal na droga ba?" Taas kilay na ani ko.

"Pwede naman, gusto mo ba?"

"Oo, basta ba h'wag lang sa ibaba ng mga hilaw mong kaibigan."

"Kailan mo balak mag-apply? Mas okay kung mas maaga. Makakapag-ipon ka para sa school ni Maze." Seryosong aniya at itinukod ang kanyang mga siko sa kanyang mga binti habang naka-salikop sa isa't isa ang kanyang kamay. Parang bigatin na drug dealer lang.

"Baka next week na 'rin?" Hindi ko siguradong sabi.

"How 'bout tomorrow?" Aniya. Naningkit naman ang mata ko dahil sa ngisi niya na para demonyo, kahit na side view niya lang ang kita ko ay kinikilabotan ako sa ngiti niyang 'yon.

"Joke lang uy, ayokon ‘no. Hahanap na lang ako, i can manage." Taas kilay na ani ko.

"Hay Ayri, tutulong nga ako." Aniya at binuntunan pa ng tawa kaya lalo akong nanghinala. Huwag na talaga.

"Ayoko nga. Tara ice cream?" Pange-engganyo ko.

"Ng ganitong oras?" Sarkasmong tanong niya.

"Ano nalang kung gano'n?" Tanong ko

"Ah! Alam ko na! Balot!" Masayang sabi ko.

"What the heck is balot?" Nagugulohang tanong niya.

"What the heck is balot." Nagka-salubong naman ang kilay niya nang gayahin ko siya at inirapan.

"What's balot? Masarap ba 'yon?" Aniya pa.

"Masarap para sa'kin, ewan ko lang sayo." Sabi ko. Ayaw rin naman kasi ng maarteng si Aze ng balot. Baka lang allergic silang magba-barkada sa balot. Ang sarap kaya ng balot.

"Teka nga, bakit ko na naman iniisip ang lalakeng 'yon? Ang bwisit na manloloko na 'yon." Yamot na sabi ko at marahas na umiling.

"What did you say? Speak louder, Ayri." Anang katabi ko. Umiling lang ako at dere-deretsong naglakad palabas ng bahay.

Daddys Series #1: Hacious Rousseau RuizWhere stories live. Discover now