Chapter 5

11.1K 291 57
                                    


Manliligaw.





NANDITO ako ngayon sa kusina ng bahay at naghahain ng pagkain, pati ang ulam na muntikan pang matapon dahil sa bwisit na si Aze.  Hangga't naalala ko talaga ang mga pinagsasabi niya ay nababanas pa'rin ako.

"Is he telling the truth?" Mariing tanong niya, naka-sandal pa sa bintana ang mga kamay niya at naka-talikod sa'kin. Hindi ako makapag focus! Wala siyang damit pang itaas. Kanina pa 'yan, pagka-rating namin nila Jordan ay nasa labas siya, naka-pamaywang walang suot na tsinelas at damit pang itaas. At masama ang tingin sa'kin, sa'min.

"Anong telling the truth ka rya'n?" Pabalang kong tanong. Gago kasi, inaway ang bff ko!

"And now you're mad? Why? Because of that jackass? Hm? Do you want him dead?" Pagalit na aniya, at kumuha ng lollipop sa kanyang bulsa. Ay bata? Pero mabuti na rin 'yan. Makakasama sa kanya ang paninigarilyo. Lalo na sa'kin dahil sa'kin lang naman siya dikit nang dikit.

"Bakit, magagawa mo? Hit man ka ba Aze?!" Inis na sabi ko.

"I can be worse than a fucking hit man, Ayri!" Sigaw niya.

"Bakit ka sumisigaw?!" Sabi ko.

"Because you're also shouting! Hindi mo 'ko maririnig kapag mahina ang boses ko!" Sagot niya.

"Hinaan mo kasi boses mo! Gusto ko ikaw ang unang mag-adjust!" Inis na sabi ko.

Huminga siya ng malalalim, hinarap ako at tumango na lamang. "Okay okay.. I forgot about your period." Mahinahong aniya.

"At bakit commander na ang tawag ng mga baliw na 'yon sa'yo? Ano? Sa susunod magsasama kayo sa kulongan?"

"Don't change the topic, Ayri Derama." Seryosong aniya pero hindi na pa-sigaw.

"Ano naman kaya kung jowa ko nga siya? Ano naman sa'yo?" Pabalang kong sabi.

"Ano naman sa'kin?" Tila hindi maka-paniwala na aniya. "Ang manhid mo talaga. Talagang-talaga. Gusto kita. Gustong-gustong-gusto.I l-like you, Ayri." Nahihiyang aniya. Namumula pa ang gago, gusto kong matawa pero nagulat ako sa sinabi niya.

"Ha? Bawal! Friends tayo di—

"Who told you that we're fvcking friends ha? Wala! Sinabi ko naman sa'yo na We. Can't. Be. Just. A. Friend." Madiin na aniya.

"Ha? Bakit ba english ka nang english?" Gigil na sabi ko. Hindi ko kasi siya masyadong ma-gets! Joke.

"Mutuals pa kayo nung aso na 'yon sa kahit anong sosyal media mo!—"

"Omg?! Stalker ka!" Paratang ko.

Agad naman siyang natinigilan at umiwas ng tingin. "H-hindi, kinwento lang n-nila Gelo"

"Defensive ka! Crush mo ba si Jordan?" Sabi ko.

"Sinabi ko na nga! Ikaw. Ang. Gusto. Ko! Ikaw lang wala ng iba!" Frustrated na aniya, ginulo pa nga ang buhok.

"Alam mo? Ang gwapo mo." Wala sa sarili kong sabi. Kaya sa gulat ko ay natakpan ko ang bibig ko.

"You are not taking this seriously. Liligawan nalang kita." Pursigidong aniya, ngunit sa kabila no'n ay ang mapula niyang mukha.

"Nagda-drugs ka ba?" Nagugulohan kong sabi.

"Ang manhid mo talaga! Na kahit pa 'yong pagsunod sunod ko no— B-basta liligawan kita." Aniya.

Napataas ang kilay ko dahil sa kanyang sinabi. Ano raw? Ako? Manhid? At ano 'yong pag-sunod sunod? Literal na stalker ba siya?

"Don't raise your eyebrows, Ma'am. You're creepy." Aniya at lumapit para lang subukang ibaba ang kilay ko. Hinawi niya 'yon pababa. Pagka-tapos ay hindi man lang ito lumayo. Nakatitig lang siya sa mukha ko na para bang kinakabisado ito.

Daddys Series #1: Hacious Rousseau RuizWhere stories live. Discover now