Chapter 17

8.2K 237 34
                                    


Mahal na mahal kita irog ko.





"HI, good evening, ma'am." Masuyong bulong ng lalakeng nakayakap nang mahigpit mula sa aking likod. Habang ako ay nagto-toothbrush.

Hindi ko alam ang maramdaman ko dahil kahit hindi ko makita ang mukha niya ay kilalang kilala ko na.

Gustong gusto ko siyang saktan. Pero paano? Tangina mahal na mahal ko 'to.

"Akala ko hindi ka na uuwi." Malamig na sabi ko.

"Bakit po?" Malumanay na tanong niya.

Anong bakit?! Tangina ka may ibang pamilya ka na! Ano 'to? Lokohan? May pa po ka pang nalalaman e limang taon ang tanda mo sa'kin!

"Wala, matulog ka na, sabi ko. Pagod lang 'yan." Walang gana kong sabi habang sinusubukang kumawala sa mahigpit niyang yakap, ngunit mas lalo itong humigpit at isinubsob pa nga ang mukha niya sa leeg ko.

"Why are you suddenly being like this? Is there something wrong? Do we have a problem?" Masuyong bulong niya. Kinagat ko ang labi ko at walang ganang umiling.

"How about at work? Or School? You're making me worry, missy." Aniya habang humahalik sa balat kong naka-litaw dahil naka-sando lamang ako.

"Wala, pagod lang siguro ako. Alam mo naman. Mag-hapong kumakayod." Sinungaling! Buong araw ka nga lang na nakahilatay. Anong kinakayod mo? Yung kama?

"Are you sure? If you have a problem just tell me, okay? I'm all ears, baby." Sinasabi niya rin ba ito sa asawa niya? Sino nga 'yon? Rosing? Baduy naman ng pangalan.

"Oo, kabag lang siguro 'to. Sige pahinga na 'ko ha?" Marahang sabi ko. Masunurin naman siyang tumango ngunit hindi pa'rin inaalis ang kanyang pagkaka-yakap, kaya umiling na lang ako at nagtungo sa kwarto habang naka-sunod siya dahil sa pagkaka-yakap sa aking likod.

"Ang init na nga ganyan pa ginagawa mo. Bitaw nga." Inis na sabi ko.

"Ma'am?" Bulong niya sa aking tenga. Ramdam na ramdam ko ang pag-hinga niya sa aking batok lalo pa't naka-kandong na 'ko sa kanya rito sa kama.

"Ano?"

"I missed you." Masuyong niyang sabi.

"Madrama kana naman. Ano ba 'yan." Inis na sabi ko at inirapan siya. Masuyo siyang tumawa at binuhat ako para maiharap sa kanya.

"I love you, baby." Pagka-sabi niya na 'yon ay para akong nawalan ng lakas dahil sa luha niyang sabay sabay na nagsi-bagsakan.

"A-anong? Na-pa'no ka? May problema ka ba?" Nagugulohang sabi ko kahit pa alam ko na ang nangyayari.

"I did nothing just to love you, okay? Trust me on that. I DID NOTHING JUST TO LOVE YOU MY QUEEN. I'm so damn tired with this, it's so heavy." Huminga siya nang napaka-bigat at humalik sa aking noo. "I'm already tired, but i'll figure it all out. I know you are tired too, but please, ma'am... Just please hold on a little longer, okay? Don't ever leave me.." Parang bata siyang umiyak sa harap habang ako ay maluha-luhang pinapanood at paminsan-minsa'y pinupunasan ang kanyang luha at pawis.

"Bakit ka ganyan? May ginagawa ka ba na hindi ko alam? Anong nangyayari sa'yo?"

"I-i don't know... You need to sleep now." Umiling siya at pinunasan ang kanyanga mga luha. "You look really pale. Sleep now. Good night. I love you my lovely, pretty, gorgeous ma'am."

"Ang gulo mo." Sumimangot ako at umalis sa kanyang kandungan. Pabagsak na humiga sa kama.

Tumawa siya sa ginawa ko at sinindian ang bentelador nang pagka-lakas lakas. Yumakap nang mahigpit sa'kin. "I love you, i love you, i love you, i love you so, so, so much."

Daddys Series #1: Hacious Rousseau RuizWhere stories live. Discover now