Chapter 12

9.2K 262 49
                                    


Dance with you.





ILANG araw ko ng hindi nakikita ang gwapong mukha ni Aze sa personal. Puro na lang siya tawag sa cellphone. Hindi rin nahinto 'yong pagpa-padala ng kung ano ano sa'kin. Nagsisimula na nga na mag-hinala ang mga kapitbahay ko at maging ako rin.

"Ano ba nai-irritate ako sa inyo!" Inis na singhal ni Ciel habang kumakain ng donut.

Itong tatlo talaga napapadalas na sa pagbisita rito sa bahay. Simula noong makita ang madalas kong pag i-story ng mga pagkain. Social climber, Ayri.

"Nai-irritate." Nangaasar na ani Jordan. "Ulol dami mong alam."

"Mukhang uulan ah." Wala sa sarili kong sabi habang naka-tanaw sa bintana.

"Teka." Si Jordan at tumakbo sa labas. Nang sundan ko ng tingin ay sumi-singhot singhot siya sa kawalan.

"Ginagawa no'n?" Si Ciel.

"Mukha bang shabu ang hangin?" Ako.

"Tangina mo Jordan, nangangamoy marijuana ba?" Pasigaw na ani Fei. Dahil sa kanyang sinabi ay mabilis kong tinakpan ang bibig niya.

"Bwisit ka talaga. Mapagchi-chismisan tayo." Inis na sabi ko. Uto-utong mga chismosa ba naman ang mga kapit-bahay mo.

"Ginagawa niyo?" Nabaling ang atensyon namin sa pinto, si Jordan tanga.

"Ikaw? Anong ginawa mo?" Tanong ni Ciel habang hawak-hawak ang kapiraso ng donut.

"Tinignan ko lang kung nangangamoy ulan. Mukhang uulan nga." Seryosong tugon niya.

"Hala pa'no 'yon?" Tanong ni Ciel.

"Suminghot-singhot ka lang." Nakangising sagot ni Jordan. "Napanood ko 'yon kay Gon sa hunter x hunter. Inamoy niya yung bagyong paparating."

"Parang gago amputa." Iling ko.

Gulat na lang kaming nagtinginan ni Ciel nang biglang umulan nang malakas. Habang ang dalawa ay masaya pang pinag-bunggo ang kanilang kamao. Pag-ibig nga naman.

"Bagay kayo." Puna ko. Mabilis nanlaki ang mata ni Fei at lumayo kay Jordan na natatawa lang. "Isang manhid at isang tanga."

"Tama naman siya! Ayan umulan nga." Pagta-tanggol ni Fei. Ang layo ng sagot niya. Gayong sa titigan pa lang namin ngayon ay parehong pareho ang tumatakbo sa utak namin. Kaya naikot ko na lang ang aking mata.

"Maligo tayo sa rain?" Maarteng ani Ciel.

"Tara!" Maligayang sigaw ni Jordan at nauna nang hubad barong nanakbo sa labas.

"Yuhoo!" Maarteng sigaw ni Ciel.

"Bakit hindi ikaw 'yong sumunod? Tanga mo naman. Kapag ikaw naunahan, bahala ka." Sabi ko kay Fei at ngumisi.

"Dami mong alam mangkukulam ka." Utal-utal na aniya at nanakbo na rin palabas. Nakita ko pa nga ang medyo mapula niyang mukha bago ako malampasan.

Tatawa-tawa akong lumabas at nakipag laro sa kanila.

"Kingina para kayong mga bata." Sabi ko.

"Parang mga bata, amputa. Bakit nandito ka kung gano'n?" Si Jordan.

"Oo nga, tama!" Sabay na sigaw nila Ciel at Fei. Nag-apir pa ang mga uto-uto.

"Sa bagay mukha ka namang bata. Sa liit mo na 'yan... Mukha kang elementary." Ani Jordan.

"Paano naging ganiyan kalaki ang suso ng mga elementary?" Manghang tanong ni Fei na mabilis nakapagpa-pula sa mukha ko.

"Palong-palo suso ko sayo ah. Tangina mo, gusto mo ba? Halika rito, dedein mo." Inis na sigaw ko at tumakbo sa gawi niya. Dahil sa takot ay nanakbo na rin siya. Kaya nag-habulan kami.

"Umaalog dede mo 'te." Sigaw niya, habang patuloy pa'rin sa pag-takbo. Concious akong tumigil qat tinignan ang sarili ko. Basang basa ako, kitang kita ang hulma ko. Nang ibalik ko ang tingin sa paligid ko ay namataan ko ang mga mata ng mga grupo ng mga lalake na naka-tingin sa'kin.

"Tangina niyo, manyakol!" Yamot na sigaw. Mabilis na lang akong timalikod at akmang aalis na—ngunit natigilan ako nang may mabangga akong matipunong katawan, parang poste. Madadapa pa sana ako, buti na lang ay agad nyang nahuli ang hindi kalakihang baywang ko.

"You're wet." Bulong niya sa tenga ko. Sa aking kaba ay mabilis pa sa alas-kwatro akong umayos ng tayo.

"A-aze?" Wala sa sarili kong sabi. Tila gulat na gulat ako sa presensya niya habang siya ay nakatitig lang, at hawak hawak pa'rin ang baywang ko.

"Are they making you uncomfortable? You want them gone?" Bulong niya na tinutukoy ang mga lalakeng nakatingin kanina. Hindi ko alam kung nakatingin pa'rin sila lalo pa't naka-talikod na 'ko sa kanila. Si Aze na lang ang nakatingin, para pang papatay.

"Ulol."

"What are you doing in the middle of the rain? You might get sick, missy." Malambing na aniya.

"Eh ikaw rin. Anong ginagawa mo sa gitna ng ulan? You might get sick, mister." Pang-gagaya ko sa kanya. Tawa lang ang naging tugon niya. 

Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinubad ang itim niyang tee shirt at itinakip sa harapan ko.

"I saw you running, and i tried to chase you. By the way, you are so beautiful, baby." Aniya at mahigpit akong niyakap.

"May i take this opportunity to dance in the middle of the rain with this beautiful lady?" Bulong niya. Kinikilig ko namang hinampas ang kanyang matigas na dibdib.

"Ehe shira, nekakaheya 'no." Sabi ko.

Marahan siyang tumawa at iginaya ako sa paggalaw. "Uy, hala gagi hindi ako marunong." Protesta ko.

"I'll teach you then. Gorgeous." Ngisi niya at pinaikot ako. Pagharap ko ulit sa kanya ay agad niyang hinapit ang baywang ko, napakapit tuloy ako sa mga braso niya.

"Y mira el espejo
Que linda eres sin maquillaje
Y si eres gorda o flaca
Todo eso no me importa a mí." Pagkanta niya gamit ang malamyos na boses habang isinasayaw ako.

"Y tampoco soy perfecto
Solo sé que yo te quiero así." Muli niya akong pinaikot at hinalikan ang aking kamay.

Napansin ko na wala na ang mga lalake na naka titig sa'kin kanina.

"Y te prometo que lo nuestro nunca va a terminar
Y el amor vive en el alma." Kalmado lang siya habang ginigiya ako sa pag-sayaw. Hindi ito mabagal na sayaw kaya medyo nahihirapan ako, pero nakaalalay naman ang kamay niya. Siya pa mismo ang naglagay ng mga kamay ko sa batok niya.

"Ni con deseos sabes que nada de ti va a cambiar." Para akong maiiyak sa sobrang saya. Hindi kasi ako nakapag celebrate ng debut ko,  kaya malamang ay wala rin akong eighteen roses dance.

"It's getting cold. Baka magka-sakit ka, and you will not be able to attend your class tomorrow." Aniya at yumakap sa'kin.

"Ang clingy!" Pabiro kong sabi.

"I can't help it. You're so beautiful. Te amo." Masayang aniya. Hindi ko man maintindihan ang huli niyang sinabi ay napangiti ako at inilapit ang mukha ko sa kanya para halikan siya sa pisnge.

Sobrang saya pero sabi ni Tatay lahat ng sobra ay may kapalit. Kaya hangga't maari ay pipigilan ko munang maging sobrang masaya.

Sakit ng katawan ko sa kaka-sayaw.

Daddys Series #1: Hacious Rousseau RuizWhere stories live. Discover now